Si Hesus ay “salita” ni Allah at “Espiritu” mula kay Allah

In FAQ's

Tanong:

Hindi baga sinabi sa inyong Quran na si Hesus ay kalimatullah -“Ang salita ni Allah (swt)”, at Rahullah- “Ang Espiritu ni Allah”, na siyang nagsasaad ng pagka-diyos.

 

SAGOT:

1. Hesus (Sumakaniya Nawa Ang Kapayapaan) “ay salita na nagmula kay Allah”at hindi “salita ni Allah”. Ang Quran ay nagsalaysay sa Surah Ali-Imran 3: 45-

“(Gunitain) nang ipagbadya ng mga anghel: “O Mariam! Si Allah ay naghahatid sa iyo ng masayang balita ng isang Salita (Mangyari nga! At ito ay naganap, alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria) mula sa Kanya, ang kanyang pangalan ay tatawaging Mesiyas, si Issa (Hesus) na anak ni Mariam, na itinampok sa karangalan sa mundong ito gayundin sa Kabilang Buhay, at magiging isa sa mga malalapit kay Allah.” [Al-Qur’an 3:45]

Si propeta Hesus (Sumakaniya Nawa Ang Kapayapaan) ay tinukoy sa Quran bilang salita Mula kay Allah at hindi bilang salita ni Allah. “Ang salita” ni Allah ay nangangahulugang mensahe ni Allah. Kung ang isang tao ay sinangguni bilang “salita” mula kay Allah, ito ay nangangahulugan na siya ay isang Mensahero o isang Propeta ni Allah.

2. Ang titulong Propeta (pbuh) ay hindi na eksklusibong nabibilang sa nasabing Propeta. Iba’t-ibang tawag ang binigay sa iba’t-ibang Propeta(pbuh). Kahit ano pa man ang tawag na ibigay sa isang Propeta , hindi ito nangangahulugan na ang ibang Propeta ay magkakapareho ng mga katangian o kalidad. Halimbawa si Propeta Abraham (pbuh) ay tinutukoy sa qur’an bilang khaleelullah, kaibigan ng Allah. Ito ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng iba pang mga Propeta ay hindi kaibigan ng Allah. Si Propeta Moses (pbuh) ay tinukoy sa qur’an bilang khaleemullah, na nagpapahiwatig na ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya. Ito ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay hindi nakikipag-usap sa iba. Katulad ni Jesus (pbuh) ay tinukoy sa qur’an bilang Kalimatullah, “isang salita mula sa Allah”, hindi ito nangangahulugan na ang iba pang Propeta ay hindi “ang salita” ng Allah.

3. Si John The Baptist (PBUH) ay tinatawag ding “Salita” ng Allah Si Yahya (PBUH) o John the Baptist ay tinawag din sa Qur’an na “kalimatullah” o salita ng Allah sa Surah Al-Imran verse 38-39:

“Diyan si Zakariya ay nanalangin sa kanyang Panginoon , nagsabing “Oh Panginoon! Ipagkaloob mo sa akin mula sa Iyo ang isang supling sapagka’t Ikaw ang dumirinig ng panalingin!” Habang nakatayong nananalangin sa silid , tinawag siya ng mga anghel:

“Ang Allah ay ibinigay sayo ang mabuting balita patungkol kay Yahya , na magkukumpirma ng isang salita mula sa Allah , at marangal , at isang propeta mula sa mga mabubuti . [Al-Qur’an 3:39]

4. Si Hesus (PBUH) ay tinukoy bilang Espiritu ni Allah Si Hesus kailanman ay hindi tinukoy bilang Espiritu NI aAllah bagkus tinukoy siya bilang Espiritu MULA kay Allah at ito ay mababasa sa surah An-Nisa chapter 4:171

“Oh Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng pananampalataya, at huwag din kayong magsabi ng tungkol sa Allah maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ay (hindi hihigit pa) sa isang Tagapagbalita ng Allah at Kanyang Salita (“Mangyari nga!”, at ito ay magaganap) na Kanyang iginawad kay Maria at isang Ruh (espiritu) na Kanyang nilikha (alalaong baga, ang kaluluwa ni Hesus ay nilikha ng Allah, samakatuwid siya ay Kanyang alipin, at ang Allah at ang espiritu ay hindi magkapantay o magkatulad); kaya’t manampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Huwag kayong mangusap ng: “Trinidad(o Tatlo)!” Magsitigil! (Ito ay) higit na mainam sa inyo. Sapagkat ang Allah (ang tanging) Nag-iisang Diyos, ang Kaluwalhatian ay sa Kanya, (higit Siyang mataas) kaysa (sa lahat) upang magkaroon ng anak. Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At ang Allah ay Lalagi at Sapat na upang maging Tagapamahala ng lahat ng mga pangyayari.” [Al-Qur’an 4:171]

5. Ang espiritu ng Allah ay inihinga sa bawat tao Ang Espiritu na mula sa Allah ay hindi nagpapahiwatig ng pagka-diyos ni Propeta Hesus, Ang banal na Quran ay nagsalaysay nito ng makailang ulit na ang Allah ay naihip sa bawat tao ng kanyang espiritu sa surah Al-Hijr, chapter 15:29 at sa surah sajdah chapter 32:9 sa surah Al-Hijr, chapter 15:29

“At kapag hinugis Ko na siya at binuo Ko na nang ganap ang kanyang anyo at naihinga Ko na sa kanya ang Aking Espiritu ay magpatirapa kayo sa kanya bilang paggalang at hindi pagsamba.” [Al-Qur’an 15:29]

sa surah sajdah chapter 32:9- “Pagkatapos ay hinugis Niya sa ganap na kaanyuan ang pagkalikha sa tao at binukod-tangi Niya at pinaganda Niya ang paglikha nito, pagkatapos ay inihinga Niya ang Kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng pagpapadala sa anghel para sa kanya, upang ihinga ang kaluluwa sa sanggol; at pinagkalooban Niya kayo, O kayong mga tao, bilang biyaya ng pandinig, paningin, upang malaman ninyo ang pagkakaiba sa isa’t isa ng mga tinig at kulay, iba’t ibang mga bagay at mga tao, at gayundin ang biyaya ng kaisipan upang mabatid ang pagkakaiba ng mabuti sa masama, nakabubuti at saka nakasisira subali’t kakaunti sa inyo ang tumatanaw ng utang na loob sa anumang ibiniyaya sa inyo.” [Al-Qur’an 32:9]

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu