Si Allah ang Tagapaglikha

In Articles

Mula sa pananaw ng Dios, isang pangunahing katanungan ang kailangan itanong: bakit ang Dios ay lumikha? Ang tanong na ito ay marapat na itanong dahil ang sangkatauhan, sa katotohanan, ay hindi ang pinakadakilang nilikha ni Allah. Si Allah ay nagsabi sa maluwalhating Qur’an 40:57-

Lakhalqus samaawaati wal ardi akbaru min khalqin naas.. wa laakinna aktharan naasi laa ya’lamuun

Ang pagkakalikha ng kalangitan at ng lupa ay mas dakila pa sa pagkakalikha ng sangkatauhan, ngunit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam.

Ang composition ng tao ay higit na malayo sa pagka complikado kaysa sa composition ng buong kalawakan kung saan tayo ay nananatili at nakatira. Ngunit, kakaunti lamang ang nag-iisip at nagmumuni muni sa katotohanang ito. Dahil sa panlabas na anyo ng paghahari ng tao sa ibang mga nilikha sa mundong ito, ang paglalakbay ng tao sa kalawakan, at ang patuloy na paglago ng kanilang teknolohiya at kaalaman, ang mga tao ay nagiging arrogante at ipinagpapalagay ang kanyang sarili bilang pinakadakila at mahalagang nilalang sa mundong ito.

Ang tao ang matatawag na total consumer sa mundong ito, ngunit hindi ang pinaka dakilang nilikha sa buong kalawakan. Bilang pagpapaliwanag na ang tao ang total consumer sa mundong ito gawin nating example ang isang prutas gaya ng mangga. Para tumubo ang mangga ay nilikha ni Allah ang lupa na pagtataniman nito. Para maging fit at karapat-dapat ang lupang ito ay nilikha ni Allah ang mga elements at composition ng lupa. At para sa photosynthesis o food production ng lahat ng pananim at halaman ay nilikha ni Allah ang araw. Maliban sa uri ng light na ibinibigay ng araw ay wala nang iba pang liwanag ang kayang magpatubo ng mga pananim, at ito ay kabilang sa fine tuning of the universe. Para maging karapat dapat ang liwanag ng araw ay kailangan tama ang distansiya nito sa mundo. At para maging tama ang distansiya nito sa mundo ay nilikha ni Allah ang isang systema, na siyang nakilala bilang solar system. Kailangan din na equal ang distribution ng liwanag na ito sa mundo, dahil kung hindi dalawa ang magiging resulta: magiging disyerto ang buong mundo o mapupuno ng yelo. Kaya ang pag ikot ng mundo sa kanyang sariling axis ay dapat within a 24 hour period upang ma distribute ng mabuti ang heat na ito. Para magkaroon ng perfect system sa solar system ay nilikha ni Allah ang milky way na kabilang sa maraming galaxies na matatagpuan sa universe.

Teka, diba mangga lang ang pinag uusapan natin bakit tayo ay dumating sa solar system, galaxy at universe? Dibat ang lalim na nito? Yes, malalim na ito pero ang punto para tumubo ang isang mangga ay nilikha ni Allah ang mga bagay na ito. Sino ba ang kumakain ng mangga? Diba ang tao? Wala tayong nakita na pusa na nagugutom at naghihintay kung kalian mahuhulog ang manggang ito. Kahit pa sabihin natin na ang mga baka ay kumakain ng damo, sino baa ng kumakain ng baka? Diba ang tao? Sino baa ng ginagawang sinturon o kaya sapatos ang balat ng baka, diba tayo din? Kaya ang tao ay ang total consumer sa lahat pero hindi ang pinakadakilang nilikha dahil mas dakila pa ang pagkakalikha ng buong kalawakan.

Karapat dapat din nating banggitin na ang karamihan sa mga kamangha manghang discoveries ng tao ay hindi patungkol sa kanyang pagkatao, ngunit sa kanyang paligid. Kaya, ang pagsisikap ng tao ay naka focus sa mga material na kasangkapan kaysa sa kanyang pagkatao. Sa ayah na ating nabanggit, si Allah ay nagbabalik sa mga tao sa kanilang tunay na katayuan sa mundong ito. Ang sangkatauhan ay isa lamang maliit na bahagi na bunga ng isang mirakulong gawa ng banal na pagkakalikha. Kaya, upang maintindihan natin kung bakit nilikha ni Allah ang sangkatauhan, ay dapat munang sagutin natin ang mas basic na tanong kung bakit si Allah ay lumikha?

Ang tagapaglikha

Ang nilikha ay ang pangunahing bunga o resulta ng banal na katangian na pagiging tagapaglikha. Ang tagapaglikha na hindi lumilikha ay isang contradiction sa termino. Hindi ito nangangahulogan na kailangan ng Dios ang kanyang mga nilikha dahil ang Dios ay ligtas mula sa anomang pangangailangan. Ang mga nilikha ang siyang nangangailangan sa kanya. Ang kadakilaan ng isang manunulat ay nagiging malinaw sa kanyang mga sinulat, ang kadakilaan ng isang pintor ay napapatunayan sa kanyang mga ipininta, gayundin ang pagiging perpekto ng banal na katangian ng pagiging tagapaglikha ay napapatunayan sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha. Ang pagiging tagapaglikha sa tunay nitong kahulogan ay para lamang sa Dios. May mga tao na ang pagiging tagapaglikha ay iniuugnay sa kanilang sarili, ngunit anomang kanilang ginawa ay hindi ang totoong ibig sabihin ng pagka tagapaglikha. Ang tao ay nagmamanipula lamang sa anomang nilikha na o nanjan na- o anomang nilikha na ng Dios.

Ang mga pilosopo kung tatanungin sila kung sinong lumikha sa kanila, ang kanilang sagot ay ang kanilang mga magulang. Ngunit ito ay hindi totoo. Ang kanilang mga magulang ay instrumento lamang o kasangkapan, ngunit si Allah parin ang totoong lumikha. Kung ang iyong magulang pa ang lumikha sa iyo, ay tiyak bibigyan ka niya ng anyo na kasing pogi ni Propeta Yusuf alayhi salam o mas mahigit pa sa kanya. Kung ang ating mga magulang pa ang lumikha sa atin, di sana ay nilikha tayo na maputi o kaya ay may matangos na ilong o kaya ay walang kapansanan. Kung ang mga magulang natin ang lumikha sa atin, bat hindi nila napigilan na ang kanilang mga anak ay nilikha na may kapansanan?

Ang isang lamesa ay nilikha mula sa kahoy na nanggaling sa puno at ito ay pinatibay ng mga pako at screw na gawa sa bakal na mula sa mga bato. Ang mga tao ay hindi ang lumikha sa mga puno at mga bato. Sa katunayan, ang lahat ng mga nilikha ng tao ay maaring e trace back sa mga pangunahing element na hindi kayang gawin ng tao. Kahit na ang isang artist ay gumagawa lamang ng isang desinyo na base sa mga bagay na kanyang nakita. Kaya anomang nasa isip ng isang artist ay isa lamang reflection sa anomang bagay na nilikha na. Si Allah lamang at wala nang iba ang lumikha mula sa wala. Ang pangunahing katotohanan na ito ay hindi pa maintindihan ng iilan. Ilan sa mga sinauna at kahit pa kasalukuyang mga pilosopo, na hindi makaintindi kung papaanong si Allah ay lumikha mula sa wala, ay nagsasabi na ang nilikhang mundo at ang nilalaman nito ay tunay na bahagi ng Dios. Ayon sa kanila, ang Dios ay kumuha ng bahagi ng kanyang sarili at sa pamamagitan nito ay nilikha ang universe. Ang conclusion ay hinango mula sa paghahambing ng Dios sa tao, na maari lamang makalikha sa pamamagitan ng pagbabago sa anomang anjan na. Ngunit, si Allah ay hindi sumang-ayon sa ganoong paghahambing na maaring makapagbibigay sa kanya ng limitasyon gaya ng tao. Si Allah ay nagwika sa maluwalhating quran 42:11-

Laysa kamithlihi shay’un wa huwa sami’un baser

Walang katulad o kagaya niya at Siya ay nakaririnig at nakakakita ng lahat.

Kaya ang gawaing paglikha ay bunga ng banal na katangian ng pagiging tagapaglikha. Si Allah ay nagdescribe sa kanyang sarili bilang Ang TAGAPAGLIKHA sa maraming mga talata sa huling kapahayagan, ang quran, upang bigyan diin sa sangkatauhan na ang lahat ng bagay ay kanyang pagmamay-ari. Si Allah ay nagsabi 39:62-

Allahu khaaliqu kulli shay’in wa huwa ‘ala kulli shay’in wakeel

Si Allah ang lumikha sa lahat ng bagay at siya ang wakeel o tagapangalaga ng lahat ng bagay

At kanya ding sinabi jalla wa ala 37:96-

Wallahu khalaqakum wa maa ta’maluun

at si Allah ang lumikha sa inyo at anomang inyong ginagawa.

Dapat maintindihan ng tao na walang kaganapan sa mundong ito na walang kapahintulotan ni Allah. Ang magpakupkop sa kasamaan o ang magnais ng kabutihan mula sa iba liban kay Allah ay isang malaking kamalian. Dahil sa kamangmangan, ang karamihan sa mga tao ay tumatakas mula sa kasawian at nagnanais ng kabutihan sa pamamagitan ng mga anting anting, astrology, pagbabasa ng palad at marami pang iba. Sa maluwalhating quran si Allah ay nagpaalam sa mga tao na magpakupkop sa kanya mula sa kasamaan 113:1-2-

Qul audhu birabbil falaq min sharri maa khalaq

Sabihin: ako ay nagpapakupkop sa panginoon ng bukang liwayway, mula sa kasamaan ng mga bagay na kanyang nilikha.

Si Allah, ang katas taasan, jalla wa ala ay hindi masama. Siya ay mabuti. Nilikha niya ang mundo kung saan ang kasamaan at kabutihan ay maaring gawin ng mga nilikha na kanyang binigyan ng abilidad at kakayahan na gawin ito. Ngunit walang kasamaan o kabutihan ang maaring mangyari na wala ang kapahintulotan ni Allah. Kaya napaka walang kwenta na humingi ng tulong sa iba maliban sa Dios. Sinabi ni Allah 64:11-

Maa aSaba min muSeebatin illa bi idhnillah

walang kapahamakan ang magaganap maliban sa kapahintulotan ni Allah

Ang huling Propeta na si Muhammad SAS ay nagbigay ng mas higit na pagpapaliwanag sa konseptong ito, kanyang sinabi: Alamin na kung ang buong sangkatauhan ay magtitipon upang gumawa ng bagay upang ikaw ay tulongan, magagawa lamang nila ang bagay na ito kung anoman ang naisulat na ni Allah para sa iyo. Gayundin, kung ang buong sagkatauhan ay magtitipon upang ikaw ay pinsalain, magagawa lamang nila ang bagay na ito kung anoman ang naisulat na mangyayari sa iyo.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu