PRINSESA URDUJA
The Brave Muslim Princes who fought the Chinese and Spaniards invaders of Lingayen Gulf during 1347.
Noong araw, bago tayo sinakop ng mga kastila ay binubuo ng maraming kaharian itong ating bayan. isa sa lalong bantong na kaharian noon ay ang Pangasinan.
Ang manlalakbay na si Ibn Batuta ng India ang pinagmulan ng kwento ni Urduja na kanya umanong nakita noong 1347. Napadaan umano ang sinasakyan nitong barko sa Kaharian ng Tawalisi sa Lingayen Gulf – na kilala ngayon na Pangasinan.
Ang kahariang Pangasinan ay pinamumunuan ng isang babaing nagngangalang Prinsesa Urduja.
Si Prinsesa Urduja ay inilarawan na isang matapang na mandirigma at tagapagtanggol ng kanyang kaharian . Inihalintulad si Urduja bilang isang “kinalakian,” na ngayon ay tinatawag na makabagong amasona. Siya ay isang dalagang matalino. Malawak ang kaniyang pinag – aralan Marunong siyang sumulat at magsalita ng iba’t ibang wika. Siya ay matapang. Magaling siyang mamuno sa mga labanan
Ang palasyo ni Prinsesa Urduja ay magagayakan ng sari – saring palamuti ng bukod sa magaganda at pambihira ay panay na mamahalin. Maging ang kaniyang katauhan man naman ay sinusuutan si Prinsesa Urduja ng mga mahal at magagandang damit
Minsan ay isang Arabong manlalakbay ang dumalaw sa kaniyang korte. Humanga ang panauhin sa kayamanang kaniyang nasaksihan sa palasyo ng prinsesa at sa sarap ng mga pagkain na inihain sa kaniya rito. Ang akala ng manlalakbay ay di siya mauunawaan ni Prinsesa Urduja nang ito ay kausapin niya sa wikang Arabe, sabali’t gayon na lamang ang kaniyang pagkamangha nang tumugon ito sa wikang iyon.
Marahil ay ipagtataka ninyo ang pangyayaring ang mabunyi at bantog na prinsesa ay di nagkaroon ng katali sa buhay. Namatay siyang dalaga hindi sapagka’t walang umibig sa kanya kundi dahil sa naging patakaran niya sa buhay.
Maraming dugong – maharlka at magigiting na pinun ang naghandog ng pag – ibig kay Prinsesa Urduja. Nabigo ang kanilang magandang hangarin sa pagkat sinabi sa kanila ng prinsesa na siya ay hindi maaring pakasal sa isang lalaking daig niya sa lakas at tapang.
“Liligaya ako sa piling lamang ng isang lalaking makasusupil sa akin sa pagkat siya ay aking igagalang at mamahalin,” ang sabi pa niya.
Bumalik sa kani – kanilang bayan at kaharian ang mga nangingibig kay prinsesa urduja. Di na sila nakipagsubukan pa ng lakas at tapang dito dahil sa pangabang baka sila’y matalo ay malaking kahihiyan para sa kanila ang masabing sila ay nadaig ng isang babae.
Hindi na nag – asawa si Prinsesa Urduja. Iniukol ang kanyang panahon sa makatarungang pamamahala sa kaniyang nasasakupan, bagay na ikinamahal niya sa mga ito.
Ang gusali ng kapitolyo ng lalawigan sa Lingayen ay pinangalanang “Urduja Palace.” Isang bantayog din ni Prinsesa Urduja ang makikita sa Hundred Islands National Park sa Pangasinan.
Dahil sa kakulangan ng datos hingil sa talambuhay ni Prinsesa Urduja, ang mga pakikipaglaban niya sa mga dayuhang mananakop ng isla ng Lingayen ay nanatili na kabaon sa isang maalamat ng kasaysayan.