Optics and Light

In Trivia

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paanong tayo ay nakakakita? nagtataka kaba kung bakit pag isinara mo ang iyong mata ay hindi ka nakakakita? Ang mga sinaunang greek scholars ay sinubukan sagutin ang mga katanungang sa likod ng misteryong ito. Ang kanilang kasagutan ay dahil may kung anong pumapasok sa ating mga mata na siyang nag represent sa bagay na ating nakikita. Ang mga bantog na matatalinong tao gaya ni Aristotle, Euclid, Galen at ang kanilang mga tagasunod ay naniwala sa modelong ito ngunit ang kanilang teorya ay pawang spekulasyon lamang at hindi basi sa experimento.

Isang Muslim na nakilalang si Al-Kindi ang unang naglatag sa pundasyon ng modern-day optics at kanyang kinuwestiyon ang theory of vision ng mga griyego at nagbigay ng paliwanag kung papaanong tayo ay nakakakita. Ayon kay 6th century italian Physician at Mathematician na si Geronimo Cardano, si Al-Kindi ay “one of the twelve giant minds of history” dahil kanyang tinalakay ang paningin with or without mirror, kung papaanong ang liwanag ay tumatakbo sa isang straight line, at ang epekto ng distansiya at angle sa paningin at kasama na ang mga optical illusions.

Ang pagtatanong na ito ni Al-Kindi ay mula sa isa pang Muslim at siya din ang nagpasimula sa kaalamang ito, si Al-Hasan Ibn Al-Haytham sa 10th century na nagpaliwanag na ang paningin ay naging posible dahil sa refraction ng light rays. Si Al-Hasan Ibn Al-Haytham ay nakilala sa west bilang si Alhazen. Siya ay ipinanganak sa Basra, Iraq at siyay lumipat sa Egypt dahil narin sa imbitasyon ng pinuno nito upang siyay tumulong sa pag reduce ng pagbaha sa Nile river at siya ang pinaka unang nag combine sa Mathematical approach ni Euclid at Ptolemy sa pamamagitan ng Physical principle na pinapaburan ng mga natural Philosophers. Si Al-Hasan Ibn Al-Haytham ay nagsabi, “The knowledge of optics demands a combination of Physical and Mathematical study”.

Ang aklat ni Al-Hasan Ibn Al-Haytham na pinamagatang Magnum Opus o Book of Optics ang siyang naging pundasyon ng science of optics hanggang sa ngayon. Ito ay tumatalakay sa nature of light, ang physiology at mechanism ng paningin, ang struktura at anatomy ng mata, reflection at refraction, at catoptrics. Siya ay gumamit din ng expiremental evidences para e check ang kayang theories at ito ay unusual sa kanyang panahon dahil ang Physics noon ay para lang Philosophy, di na kailangan ng expiremento. Kaya, si Al-Haytham din ang unang nag introduce sa expiremental evidence bilang requirement sa pag tanggap ng isang theory.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu