Mahigit kumulang sa 630 taon ang nakalipas, isang tao ang ipinanganak na siyang nagdala ng malaking pagbabago sa paglalakbay sa karagatan. Ang kanyang pangalan ay si Zheng He, at siya ang naging admiral ng hukbong dagat ng tsina. Ayon kay Gavin Menzies, may akda ng 1421, isang bagong aklat patungkol kay Zheng He, siya ay lumayag sa Indian Ocean. Siya din ay naglakbay sa Makkah, sa Persian Gulf, East Africa, Ceylon (Sri Lanka), at Arabia. Kanya itong ginawa bago pa ang mga paglalakbay nina Christopher Columbus o ni Vasco da Gama, kung saan ang mga barko ay di man lang nagkalahati sa barko ni Zheng He. (Ang barko ni Columbus na Nina ay 23 meters o 75 feet ang haba, samantalang kay Zheng He ay 134 meters o 440 feet ang haba) Walang ibang barko sa buong mundo na kasing laki o may kasing dami ng palo ng barko kagaya ng kay Zheng He.
Si Zheng He ay isang Muslim na tumulong upang maging tanyag ang Tsina sa buong Mundo. Sa kanyang 28 taong paglalakbay, siya naka bisita sa 37 bansa, na nakagawa ng pitong monumental sea voyages sa pangalan ng pangangalakal at diplomasya. Siya ay namatay sa India noong 1433 at nakalagay sa kanyang libingan ngayon ang mga salitang “Allahu Akbar”.