Mga aralin patungkol sa Mormonism at ng kanilang aqeedah

In Kristiyanismo

THEOLOGICAL DIVISION NG MGA MORMONS

Ang teolohiya ng mga Mormons ay kinabibilangan ng tatlong pangunahing kilusan. Ang pinakamalawak dito ay ang “mainstream Mormonism”, na binigyang pangalan ng pamumuno ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (LDS Church). Ang dalawang mga kilusan na lumabas sa mainstream mormonism ay nakilala bilang Mormon fundamentalism, at ang liberal reformist Mormonism.

ANG TEOLOHIYA NG MAINSTREAM

Ang Mainstream Mormonism ay binigyang pangalan ng pamumuno ng LDS Church na kinikilala ang sarili nito na kabilang sa mga Kristiyano. Ang mga kasapi ng LDS church ay naniniwala sa kanilang mga pangunahing pinuno bilang mga Propeta at mga apostol, at sila ay hinihikayat na tanggapin ang kanilang mga posisyon at paniniwala sa mga usaping pang teolohiya, habang dapat nilang patunayan ang pagtanggap na ito sa pamamagitan ng personal na pagaaral sa aklat ni Mormon at ng Bibliya. Ang personal na panalangin ay hinihikayat din. Ang LDS church ay siyang pinaka malaking sekta ng Mormonism. Ito ay nagpapatuloy simula noong panahong tinawag na “succession of crisis” noong 1844 na siyang naging simula ng pagkakawatak ng LDS movement sa pagkakaroon ng sekta pagkatapos na mamatay ang tagapagtatag nito na si Joseph Smith Jr.

Ang LDS church ay naghahangad na lumayo mula sa iibang sanga ng Mormonism, lalo na yaong mga nagpa-practice ng Polygamy. Ang simbahan ng LDS ay strikto sa pamamagitan ng pagtiwalag o pagdisiplina sa mga membro nito na pumapabor o kaya nakikilahok sa mga practices na sa kanila ay isang paglabag sa katuruan. Halimbawa, ang LDS church ay tinitiwalag ang mga membro na nagpa-practice ng Polygamy o kaya sa sinumang isinabuhay ang mga paniniwala at gawain ng Mormon Fundamentalism.

ANG MORMON FUNDAMENTALISM

Isang paraan na ang Mormon fundamentalism ay naiiba mula sa mainstream Mormonism ay sa pamamagitan ng pagpractice ng plural marriage. Ang mga Fundamentalists ay nagsimulang tumiwalag mula sa LDS Church matapos na ang doktrina na ito ay ipinatigil noong pagsisimula ng 20th century. Ang Mormon fundamentalism ay nagtuturo na ang plural marriage ay isang requirement sa exaltation (ito ang pinakamataas na antas ng kaligatasan para sa kanila), na magiging dahilan na sila ay maaring mabuhay bilang mga diyos at diyosa sa kabilang buhay. Ang Mainstream Mormons, sa kabilang dako, ay naniniwalang ang pag-aasawa ng isa ay siyang kinakailangan sa exaltation.

Ang mga Mormon fundamentalists ay naniniwala din sa iilan pang mga doktrina na itinuro at isinabuhay ni Brigham Young noong 19th century, na inabandona ng LDS Church, binago, or o kaya pinatigil. Kasama dito ang:

–Ang law of consecration na nakilala din bilang the United Order (put in abeyance by the LDS Church in the 19th century); Ang Law of Consecration, kung papaanong ito ay isinasagawa ng mga Latter Day Saints, ay bilang pagsuporta sa mga mahihirap (Doctrine and Covenants 42:30). Ang Latter Day Saints ay hinihikayat na boluntaryong italaga ang kanilang mga ari-arian sa ari-arian ng Church of Christ, at ang simbahan naman ay magtatalaga sa bawat membro ng kayamanang sapat lamang sa kanya at sa kanyang pamilya sa kanilang pangangailangan, kagustuhan at pamilya. Ang sobrang ari-arian naman ay ipagkakatiwala sa bishop para sa benepisyo ng mga mahihirap, upang sa ganun ang lahat ng may pangangailangan ay mabigyan.

–Ang Adam–God teachings na itinuro ni Brigham Young at ilan pang mga sinaunang leaders ng LDS Church (repudiated by the LDS Church in the mid-20th century); Ayon kay Young, siya ay tinuruan ni Joseph Smith na: si Adam ay “our Father and our God, and the only God with whom we have to do” (source: Young [1852, p. 50] (statement given in the General Conference of the LDS Church on 9 April 1852). Ayon sa doktrina, si Adam noon ay isang mortal na tao na pagkatapos mamatay ay binuhay na muli at itinaas ang antas. Mula sa ibang plantea ay dinala ni Adam si Eba, isa sa kanyang mga asawa, kasama niya patungo sa mundo, kung saan sila ay naging mortal sa pamamagitan ng pagkain ng prutas sa hardin ng Eden. Pagkatapos ng silay magka anak ng mga mortal at sinimulan ang angkan ng mga tao, sila ay bumalik sa kanilang makalangit na trono kung saan si Adam ay siyang tumayo bilang Diyos sa mundong ito. Si Adam din ay bumalik sa lupa di kalaunan upang maging ang literal na ama ni JesuKristo. Noong nabubuhay pa si Young, ang Adam-God doktrina ay itinuturo sa LDS church meetings at may mga kanta pang naisulat at kinakanta tuwing misa sa kanilang mga simbahan.

–Ang prinsipyo ng pagbabayad sala sa pamamagitan ng dugo (repudiated by the LDS Church in the mid-20th century); Sinomang nagkasala ay pweding patayin dahil ang dugo ay siyang kabayaran ng kanyang pagkakasala. Si Young at ilang mga membro ng kanyang unang pagkapangulo ay nagturo na ang doktrina ay ideally isang voluntary choice ng nagkasala, at ito ay ipapatupad ng may pagmamaha at awa. Sa paniniwala ni Young mas makakabuti ang magsaakripisyo nalang sa mundong ito kaysa sa magdusa ng walang katapusan sa kabilang buhay. Maraming naniniwala na ang doktrina na ito ay siyang naging dahilan ng MOUNTAIN MEADOWS MASSACRE (tingnan: http://en.wikipedia.org/wiki/Mountain_Meadows_massacre)

— Ang pagbabawal sa mga itim na maging pinuno ng simbahan (abandoned by the LDS Church in 1978).

PAGTATAPOS SA PAGTATALAKAY SA MORMONISM

Bilang pagtatapos sa ating pagtatalakay sa sektas ng mormonism, ay mag pre-presenta ako ng mga ilang sa kanilan paniniwala patungkol sa:

BIBLIYA

—“Kami ay naniniwala sa Bibliya bilang salita ng Diyos kapag ito ay na-translate ng tama. . .” (8th Article of Faith of the Mormon Church).

BOOK OF MORMON

—“Ang book of Mormon ay mas tama kaysa sa Bibliya” (History of the Church, 4:461).

DEMONYO

—Isang plano para sa kaligtasan ang kinailangan sa mundo kayat si Jesus ay nagbigay ng solusyon sa Ama at ang Demonyo din ay nagbigay ng solusyon sa Ama ngunit ang solusyong ibinigay ni Jesu-Kristo ang tinanggap. At dahil dito, ang demonyo ay nagnais na maging tagapagligtas ng buong sangkatauhan at patalsikin ang Diyos sa kanyang pwesto, (Mormon Doctrine, p. 193; Journal of Discourses, vol. 6, p. 8).

—Si Jesus at ang demonyo ay spiritual na magkakapatid at tayo ay nagmula sa kanila bilang mga spiritual na magkakapatid sa langit, (Mormon Doctrine, p. 163).

DIOS

—Ang Dios ay isang nilalang mula sa ibang planeta, (Mormon Doctrine, p. 321; Joseph Smith, Times and Seasons, vol. 5, p. 613-614; Orson Pratt, Journal of Discourses, vol. 2, p. 345; Brigham Young, Journal of Discourses, vol. 7, p. 333).

—Ang Dios ay kasing anyo ng tao, (Joseph Smith, Journal of Discourses, vol. 6, p. 3).

—Ang Dios ama ay meron ding ama, (Joseph Smith, History of the Church, vol. 6, p. 476; Heber C. Kimball, Journal of Discourses, vol. 5, p. 19; Milton Hunter, First Council of the Seventy, Gospel through the Ages, p. 104-105).

Ang Dios ay tumitira malapit sa isang “STAR” sa kalangitan na tinatawag na KOLOB, (Pearl of Great Price, p. 34-35; Mormon Doctrine, p. 428).

—Ang Dios ay nakipagtalik kay Maria upang mabuo si Jesus, (Brigham Young, Journal of Discourses, vol. 4, 1857, p. 218; vol. 8, p. 115)– ang doktrinang ito ay pinagtatalunan mismo ng mga mormon at hindi ito opisyal na itinuturo at pinaniniwalaan, ngunit, si Young at ang pangalawang Propeta ng mga Mormon ay nagtuturo nito.

—“Therefore we know that both the Father and the Son are in form and stature perfect men; each of them possesses a tangible body . . . of flesh and bones.” (Articles of Faith, by James Talmage, p. 38).

TAO NAGIGING DIOS

—Pagkatapos na kayo ay maging mabuting mormon, kayo ay magkakaroon ng kakayahang maging Dios, (Teachings of the Prophet Joseph Smith, p. 345-347, 354.)

MARAMING DIOS

—There are many gods, (Mormon Doctrine, p. 163).

—“And they (the Gods) said: Let there be light: and there was light,” (Book of Abraham 4:3).

MOTHER GODDESS

—There is a mother god, (Articles of Faith, by James Talmage, p. 443).

—Ang Dios ay ikinasal sa kanyang goddess wife at silay nagkaroon ng mga spiritual na mga anak, (Mormon Doctrine, p. 516).

LANGIT

—Ang langit ay may tatlong baitang: telestial, terrestrial, and celestial, (Mormon Doctrine, p. 348).

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu