Mayroon bang Diyos?
Mayroong mga makatuwiran na dahilan para maniwala sa Diyos.
- Ang Kaayusan ng Sanlibutan– lsipin mo na lamang habang ikaw ay naglalakad sa dalampasigan at ikaw ay nakakita ng relo sa buhangin. Maniniwala ka ba na ito ay nabuo na lamang nang kusa? Hindi puwedeng sabihin na ito ay nagkataon na basta na lang sumulpot sa buhangin. Ang masalimuot na detalye ng bawat bahagi ng relo ay hindi puwedeng mabuo sa mga materyales na nakabaon sa buhangin na walang gumawa. Ang pagkakataon na dulot lang ng kalikasan ay hindi maaaring makagawa ng gumaganang relo.
Ang pag-ikot ng mundo sa araw ay kontrolado na ang mga siyentipiko ay nagbibigay ng paunang pahayag ng mga oras, at ang pagsikat at paglubog nito. Katulad ng relo, gayundin ang mundo ay mayroong Tagapaglikha na gumawa para maging tama ang panahon ng pag-ikot nito sa araw. Maaari bang mangyari ito nang basta na lamang?
Ganundin naman, kapag nakakakita tayo ng kaayusan, batas at Sistema sa ating mga sarili at sa buong sanlibutan, hindi ba makatuwiran na ang buong sanlibutan ay may Tagapagsaayos nito? Ang tagapagsaayos na ito ay mainam na nagpapaliwanag sa pagkakaroon ng Diyos -ang Siyang nagdala ng kaayusan ng sanlibutan.
- Ang Simula ng Sanlibutan
Ang karanasan ng tao ay nagpapakita sa atin na ang anuman na may simula ay hindi maaaring nanggaling sa wala.
Ang makabagong agham ay nagpatunay na ang sanlibutan ay may simula. Ito ay batay sa natuklasan kamakailan lamang na ang daigdig ay lumalawak, at kapag tayo ay bumalik sa naunang mga panahon, ang sanlibutan ay magkakasama sa pasimula. Mayroon tatlong posibleng paliwanag sa simula ng sanlibutan, ito ay maaring:
- Ang sanlibutan ay nanggaling mula sa wala,
- Ang sanlibutan ay nagsimula sa sarili nito,
- Ang sanlibutan ay nilikha.
Sa pangalawang paliwanag, ang isang bagay ay hindi mangyari kung hindi pa ito umiiral. Kaya ang pangatlong punto na lamang ang masasabi natin na makatuwiran: na may isang Mataas at Maalam na Diyos, ang Siyang lumikha ng sanlibutan.
Maaaring itanong ng ibang tao, “Sino ang lumikha sa Diyos?” Ang Diyos, Ang Tagapaglikha, ay iba sa Kanyang mga nilikha. Kung Siya ay parehas ng Kanyang mga nilikha, nangangailangan din siya ng isa pang tagapaglikha, na hahantong sa ideya ng napakaraming tagapaglikha. Ang Diyos ay nanatiling umiiral at walang simula; kung sa gayon ang katanungang ito ay hindi makatuwiran.
- Kasulatan mula sa Diyos
Mayroong malinaw na tanda na ang Qur’an, ay salita ng Diyos. Sa ibaba ay ang maiksing paliwanag tungkol sa bagay na ito:
Kapag ang Diyos ay magpapahayag ng aklat para sa sangkatauhan, ang aklat na ito ay naglalaman ng malinaw na katibayan na mayroong Diyos.
- Ang Quran na ipinahayag noong 1400 taon na ang nakalipas ay naglalaman ng mga maka-agham na katotohanan na kamakailan lamang natuklasan.
Halimbawa, ang tubig bilang pinagmulan ng lahat na may buhay (Qur’an 21 :30); Ang paglawak ng sanlibutan (Qur’an 51 :47); at ang kanyakanyang “orbit” ng araw at buwan (21 :33).
- Ang Qur’an ay naglalaman ng mga makasaysayang katotohanan na hindi pa nalalaman ng mga tao noon, pati na rin ang mga maraming hula na napatunayan na tama.
- Ang Qur’an ay ligtas sa lahat ng kamalian o pagkakasalungatan.
- Ang Qur’an ay napanatili ang bawat titik, mula pa nang ito ay inihayag sa kanyang orihinal na wikang Arabik, na di tulad ng ibang kasulatan na hindi napanatili as tunay na anyo at wika.
- Ang simple, dalisay at pangkalahatang mensahe ng Qur’an ay umaakit sa likas na paniniwala ng tao patungkol sa Diyos.
- Ang Qur’an ay inihayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) na hindi nakapag-aral. Subalit, ito ay naglalaman ng kakaibang istilo ng salita na pinaniniwalaan bilang tugatog ng kagandandahan ng wikang Arabik.
Ang maraming
kakaiba at mahimalang
aspeto ng Quran ay siyang
pinakamainam na paliwanag
na ito ay nanggaling
sa Diyos.
Sino ang Diyos?
‘at ang inyong
Diyos ay Nag-iisang
Diyos. Walang ibang
Diyos maliban sa Kanya:’
Qur’an 2:163
“Allah” ay ang personal na pangalan ng nag-iisang Tunay na Diyos. Walang sinuman o anupaman ang puwedeng tawagin na Allah. Hindi ito pangmaramihan at hindi rin tumutukoy ng kasarian katulad ng salitang “Diyos” sa Ingles na puwedeng pangmaramihan (“gods”) o pambabae (“goddess”).
Ang pangunahing kagandahan ng Islam ay ang pagkilala sa pagiging Perpekto, pagiging Dakila at pagbubukod-tangi kay Allah, na walang pag-aalinlangan. Ito ay makikita sa dalisay na turo ng Islam tungkol sa mga katangian ng Diyos.
Ang Diyos ay Nag-iisa at Namumukod-Tangi
- Ang Diyos ay walang katambal o walang katulad.
- Ang Diyos ay walang ama, ina, anak na lalake o babae o mga asawa.
- Ang Diyos lamang ang dapat na sambahin.
- Kung ang Diyos ay marami, ito ay magpapakita lamang ng kakulangan sa Kanyang Kapangyarihan at kinakailangan Niya na makipagkasunduan o nangangailangan pa ng pagsang-ayon ng ibang diyos.
Ang Diyos ay Pinakamakapangyarihan
- Ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat.
- Ang lahat ay sumusunod at umaasa lamang sa Kanya.
- Ang pagsunod at pagsuway ng tao sa Diyos ay hindi nakakadagdag o nakakabawas sa Kanyang Kapangyarihan sa kahit anupamang paraan.
Ang Diyos Ang Pinakamataas
- Walang sinuman ang maihahalintulad sa Kanya.
- Ang katangian ng Diyos ay hindi katulad ng Kanyang mga nilikha.
- Walang bahagi ng Diyos ang umiiral sa nilikha.
- Ang Diyos ay perpekto at walang limitasyon na tulad ng tao, katulad ng pagpapahinga sa ika pitong araw pagkatapos Niyang likhain ang buong sanlibutan, na inaangkin ng ilang relihiyon.
Ang Diyos ang Higit na Makatarungan at Maawain
- Hindi kailangan ng Diyos na isakripisyo ang Kanyang sarili, dahil ang tao ay ipinanganak na walang kasalanan.
- Hahatulan ng Diyos ang bawat isa batay sa kanyang ginawa at mananagot ayon dito.
- Ang tao ay maaaring mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng paniniwala, at kagandahang asal at hindi sa lahi, kayamanan o katayuan sa lipunan.
ANG KALAGAYAN NI JESUS
May ilang Kristiyano na nagaangkin na si “Hesus ay Diyos” – na siya ay Diyos na nagkatawang-tao dito sa mundo at ang Diyos ay naging anyong tao. Subalit, ayon sa Bibliya, si Hesus ay ipinanganak, kumain, natulog, nagdasal at may limitadong kaalaman – mga katangian na hindi nararapat sa Diyos. Ang Diyos ay may perpektong katangian samantala ang sa tao ay kabaligtaran. Kaya paano ang dalawang magkasalungat na katangian ay magkatulad? Hindi ito makatuwiran.
May iilan na magtatanong, “Kung kayang gawin ng Diyos ang lahat, bakit hindi Niya kayang maging tao? Ang Diyos ay hindi gagawa ng mga gawaing hindi maka-diyos, kaya kung ang Diyos ay naging tao, samakatuwid hindi na siya Diyos.
May mga talata sa Bibliya na nagpapatunay na si Hesus at ang Diyos ay magkaiba. Halimbawa si Hesus ay “nagpatirapa at nanalangin” (Mattew 26:39). Kung si Hesus ay Diyos, dapat ba ang Diyos ay magpatirapa at manalangin? At, kanino siya nanalangin?
“Hindi nararapat
para kay Allah ang
magkaroon ng anak,
Luwalhati sa Kanya.”
Quran 19:35
May ilang Kristiyano ang nag-aangkin na si “Hesus ay Anak ng Diyos” subalit dapat nating malaman kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang ito? Katiyakan ang Diyos ay malayongmalayo sa pagkakaroon ng pisikal at literal na anak. Subalit, makikita natin na ang katawagang “Anak ng Diyos” ay patalinghaga na ginagamit ng mga naunang salin ng Bibliya katulad na lang ni David, Solomon at Israel at hindi lamang ginagamit para kay Hes us. Subalit, ating mababasa sa Bibliya ” … si Israel ay ang aking panganay na anak” (Exodus 4:22).
Ang paniniwala sa Islam ay maliwanag tungkol kay Hesus, at pinananatili ang dalisay na katuruan tungkol sa Diyos at Kanyang Kadakilaan. Si Hesus ay ipinadala ng Diyos para tawagin ang tao sa pagsamba sa Nag-iisang Diyos lamang.
Ang Diyos Lamang ang Dapat na Sambahin
‘at sambahin ang Allah at huwag magtambal sa Kanya:’ Quran 4:36
Ang Islam ay nagtuturo na ang lahat ng pagdarasal at gawain ay nararapat lamang sa Diyos. Walang may karapatan na sambahin kundi Siya; hindi ang mga rebulto, libingan, araw, buwan, mga hayop, mga Propeta, mga santo, mga anghel, mga pari o mga pantas ng relihiyon. Sila ay mga nilikha lamang ng perpektong Diyos.
Ang Diyos ay Direktang Sinasamba
Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng tagapamagitan. Ang lahat ay may direktang daan tungo sa pagsamba sa Diyos, dahil naririnig Niya ang lahat ng pumupuri at tumatawag sa Kanya. Ang pagsamba kay Allah ng hindi direkta ay pagpapakita ng pag-aalinlangan sa kaisahan ni Allah, na Siya lamang ang nararapat na sambahin.
Ang lahat ng Propeta ay parehas ang mensahe
‘at Kami ay nagpadala sa bawat pamayanan ng Sugo, na nagsasabi,’Sambahin si Allah at iwasan ang mga diyus-diyosan: “Quran 16:36
Ang mga Muslim ay naniniwala sa lahat ng mga Propeta na ipinadala ni Allah. Kabilang sa mga propetang ito ay sina Adam, Noah, Abraham, Moises, Hesus at Muhammad. Parehas ang dala nilang mensahe, ang
tawagin ang mga tao na sumamba sa Nag-iisang Tunay na Diyos.
Ang Layunin ng Buhay ay Sambahin Ang Diyos
Ang pinakalayunin ng buhay ay tanggapin ang kadakilaan ng Diyos, itatag ang direktang ugnayan sa Kanya, at sambahin lamang Siya. Ang konsepto ng pagsamba sa Islam ay hindi limitado sa mga ritwal
katulad ng pagdarasal at pag-aayuno, ito ay kinabibilangan din ng lahat ng mga gawaing kalugud-lugod sa Diyos tulad ng pagiging matuwid at pagtulong sa mga nangangailangan.
Sa pangwakas, ang haligi ng Islam ay ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos, Ang Lumikha, Perpekto ang Kanyang mga katangian. Siya lamang ang sasambahin. Ito ang daan upang magtagumpay dito sa mundo at sa kabila.