Ano ang sinasabi ng Islam patungkol sa terorismo?

In FAQ's
Islam, isang relihiyon ng awa, ay hindi nagpapahintulot ng terorismo. Sa Qur’an, si Allah ay nagwika:
 
“Hindi kayo pinagbabawalan ni Allah tungkol sa mga tao na hindi lumalaban sa inyong pananampalataya at hindi nagtataboy sa inyo sa inyong tahanan, na sila ay inyong pakitunguhan nang mabuti at makatarungan, sapagka’t si Allah ay nagmamahal sa mga taong gumagawa ng may katarungan”. [Qur’an, 60:8]
 
Ang Propeta Muhammad ay nagbawal sa mga sundalo sa pagpaslang sa mga babae at mga bata, at siya ay nagbigay ng payo sa kanila:
 
{…Wag kayong mag traydor, wag kayong magmalabis, wag pumatay ng bagong silang na sanggol}
 
At kanya ding sinabi:
 
{Sinomang pumatay sa isang tao na nasa ilalim ng isang kasunduan sa mga Muslim ay hindi makaka amoy sa halimuyak ng Paraiso, kahit pa ang bango nito ay malalanghap sa loob ng 40 taon.}
 
Gayundin, si Propeta Muhammad ay nagbawal sa pagpaparusa sa pamamagitan ng apoy. Minsan niyang itinala ang pagpatay na pangalawa sa pinakamalaking kasalanan, at siya ay nagbigay babala patungkol dito sa Araw ng Paghuhukom.
 
{Ang pinakaunang kaso na hahatulan sa pagitan ng mga tao sa Araw ng Paghuhukom ay yaong pagdanak ng dugo}
 
Ang mga Muslim ay hinihikayat na maging mabuti sa pakikitungo sa mga hayop at pinagbawalan na saktan sila. Minsan si Propeta Muhammad ay nagsabi:
 
{Isang babae ang pinarusahan dahil sa kanyang ikinulong ang isang pusa hanggang sa ito ay mamatay. Dahil dito, siya ay inihulog sa impierno. Habang kanya itong ikinulong, hindi niya binigyan ang pusa ng pagkain, o kaya’y pinakawalan ito upang kumain ng mga insekto sa lupa.}
 
Kanya ding sinabi na isang lalaki ang nagbigay ng maiinom sa nauuhaw na aso, kaya’t pinatawad ni Allah ang kanyang mga kasalanan dahil sa ginawa niyang ito. Ang Propeta ay tinanong, “Mensahero ni Allah, kami ba ay gagantimpalaan dahil sa kabutihan sa mga hayop?” Kanyang sinabi: {Mayroong gantimpala dahil sa kabutihan sa lahat ng nabubuhay na hayop o tao.}
 
Dagdag pa dito, kung kukunin ang buhay ng isang hayop para sa pagkain, ang mga Muslim ay pinagutosan na gawin ito sa pamamaraang magiging kaunti ang kanilang takot at pagdurusa. Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
 
{Kung ikaw ay kakatay ng hayop, gawin mo ito sa pinakamabuting paraan. Dapat na iyong talasan ang iyong kutsilyo upang maibsan ang pagdurusa ng hayop.
 
Sa liwanag nito at sa iba pang Islamikong texto, ang gawain na nag uudyok ng malaking takot sa puso ng mga sibilyan, ang pakyawang pagwasak sa mga gusali at mga pag-aari, ang pagbobomba at pagabuso sa mga inosenteng mga lalaki, mga babae, at mga bata lahat ay ipinagbabawal at kasuklam-suklam na mga gawain ayon sa Islam at sa mga Muslim. Ang mga Muslim ay sumusunod sa relihiyon ng kapayapaan, awa, at kapatawaran, at ang karamihang mayorya ay walang kaugnayan sa mga marahas na pangyayaring iniuugnay sa mga Muslim. Kung ang isang indibidwal na Muslim ay gumawa ng isang gawaing terorismo, ang taong ito ay magiging guilty sa paglabag sa mga batas ng Islam.
_____________________________
Footnotes:
(1) Narrated in Saheeh Muslim, #1744, and Saheeh Al-Bukhari, #3015.
(2) Narrated in Saheeh Muslim, #1731, and Al-Tirmizi, #1408.
(3) Narrated in Saheeh Al-Bukhari, #3166, and Ibn Majah, #2686.
(4) Narrated in Abu-Dawood, #2675.
(5) Narrated in Saheeh Al-Bukhari, #6871, and Saheeh Muslim, #88.
(6) This means killing and injuring.
(7) Narrated in Saheeh Muslim, #1678, and Saheeh Al-Bukhari, #6533.
(8) Narrated in Saheeh Muslim, #2422, and Saheeh Al-Bukhari, #2365.
(9) Narrated in Saheeh Muslim, #2244, and Saheeh Al-Bukhari, #2466.
(10) Narrated in Saheeh Muslim, #1955, and Al-Tirmizi, #1409.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu