Tanong:
Ang Islam ba ay nagsasabi: “Patayin ang mga di sumasampalataya�
Sagot:
Ito ay hindi totoo.
Ang Qur’an ay nananatili sa ngayon gaya ng ito ay nasa panahon ni Propeta Muhammad, sallallahu alayhi wa sallam. Nakita niyo ba, siya ay hindi kailanman natuto kung papaano bumasa at sumulat, kaya kanyang isinaulo ang buong Qur’an mula kay anghel Jibril at kanyang ipinasa ang pagkakasaulo na ito sa kanyang mga kasamahan at sila din ay pumasa nito sa mga sumunod na henerasyon at ang gawaing ito ay nagpatuloy kahit pa hanggang ngayon, nagbabasa mula sa memorya at ipinapasa ito sa mga susunod na mga henerasyon. At liban pa dito, ito ay kaparehong kapareho saan mang bahagi ng mundo ito ay binabasa.
Alam nating ang Qur’an ay nagutos sa mga mananampalataya na makipaglaban sa mga mapang-api, mga maniniil at mga terorista at doon sa mga nananakit at pumapaslang sa mga inosenteng lalaki, at mga babae at mga bata. Ngunit ito ay nagbigay ng malinaw na paguutos- NA HINDI makipaglaban doon sa mga hindi nakipaglaban sa inyo…
“At ano ang nangyayari sa inyo na hindi kayo nakikipag laban sa landas ni Allah at para sa mga inapi mula sa mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata na nagsasabi, “Aming Panginoon, ilabas mo kami sa lungsod ng mga mapang-aping ito at italaga mo sa para sa amin mula sa Iyong sarili ang isang tagapagtanggol at italaga mo para sa amin mula sa Iyong sarili ang isang katulong.†[Quran 4:75 ]
“Hindi ba nararapat na hindi kayo magdalawang-isip na makipaglaban sa mga taong sumira sa kanilang mga kasunduan sa inyo, at nagbalak na palayasin sa Makkah ang Sugo ng Allâh, at sila ang nag-umpisa ng pang-aapi sa inyo at pang-aatake sa inyo, natatakot ba kayo sa kanila o sa pakikipagharap sa kanila sa labanan? Subali’t ang Allâh ang nararapat ninyong katakutan kung kayo ay tunay na naniniwala.†[The Quran 9:13 ]
Ito ay ating tungkulin at pribilihiyo na e presenta ang katotohanan at patunay patungkol sa Islam at kung ano ang kinakatawan nito. Ating ninanais na burahin ang mga maling kuro-kuro at maling paguunawa patungkol sa Islam upang tulongan ang iba na makita ang tunay na mensahe na dinala ng lahat ng mga Propeta mula kay Adam, Abraham, Moses, Jesus at Muhammad, ang kapayapaan ay mapasa kanila lahat.
“Ang Mensahe ay ang: La ilaha illa Allah (walang ibang Dios na karapat dapat sambahin maliban kay Allah).â€
Walang ganoong kahulogan sa Qur’an na naguutos o kaya kahit nagpapahintulot sa mga Muslim na lusobin ang mga inosenteng tao kahit pa sila ay Kristiyano, Hudyo, o kabilang sa iba pang paniniwala. Ang pakikipag laban ay iniutos lamang laban doon sa mga sumasalakay o pumapaslang sa mga inosenteng Muslim o kaya sa pakikipaglaban sa isang naitatag na estadong Muslim.
Ang salitang palaging ginagamit sa Qur’an na siyang karaniwang binibigyan ng maling pakahulogan bilang pagpatay, pagpaslang, o pagkatay ay hindi Jihad, ito ay Qital at kung titingnan mo ang Arabic, ay madali mong maiintindihan ang salitang ito sa pagkakagamit ngayon na ang malinaw na ibig sabihin ay pagbaka (combat).
Ang mga pantas ng Qur’an ay nagsasabi sa atin na ang mga talatang tumutukoy sa tema na ito ay partikular at hindi nagpapahiwatig ng pinakadiwa na kahit sino ay maaring magdesisyon na makipaglaban sa mga hindi Muslim. Ang mga sinaunang Muslim ay itinaboy sa kanilang mga bahay tungo sa disyerto at nangamatay sa gutom. Hanggang sa sila ay lumipat sa Madina, ang mga talata sa Qur’an ay ipinahayag na nagutos sa kanila na magsagawa ng hajj sa Makkah. Ang kanilang mga daanan ay hinarang at pagkalipas ng ilang taong sa pagsasagawa ng mga kasundoan at areglo na siya namang palaging sinisira ng ibang panig, ang mga Muslim sa wakas ay inutosan na maari na silang makipag laban doon sa mga manlulupig na siyang nagpahirap at nang abuso sa kanila sa nakaraan. Ngunit, ito ay katanggap-tanggap lamang kay Allah kung sila ay mananatili sa iilan sa mga limistasyon. Ang salitang “Qital†sa arabic sa pagkakataong ito ay tumutukoy sa “pagbaka†kaysa sa ginamit ng iba na “pagpatay†dahil sa salitang pagpatay ay napakalawak at pangkalahatan, habang ang salitang “pagbaka†ay siyang tumutugma sa anomang layunin ng paggamit nito sa talatang ito. At si Allah ang higit na nakaaalam.
Dapat din natin tandaan na ang paggamit ng salitang “Fitnah†sa parehong talata ay nangangahulogan ng kasindak-sindak na kalagayan, hindi gaya ng nakikita natin ngayon kung mayroong terorismo at paniniil laban sa moral at patas na lipunan sa kabuohan. Madali lamang kung iintindihin ng mabuti ang kahulogan nito bilang, “Sagupain sila sa labanan, kahit paslangin sila, hanggang sa ang kalagayan ng Fitnah (terorismo) ay hindi na umiral sa lipunan at ang mga tao ay malayang sumamba sa kanilang naisin.â€
Makikita natin na ang talatang ito ay hindi para ipalaganap ang terorismo, ngunit sa halip ito ay kautosan mula sa itaas para sa mga Muslim na manguna sa pagkikipaglaban sa anomang anyo ng terorismo at pang-aapi.
Si Allah ay nag utos sa mga mananampalataya sa Qur’an na makipaglaban sa terorismo- 14 siglo nang nakalipas. At ang “pagsusumikap laban sa pang-aapi, terorismo at paniniil†sa linguaheng arabiko, ito ay tinawag na “Jihadâ€
“Si Allah ay hindi nagbawal sa inyo doon sa mga hindi nakipag laban sa inyo sa relihiyon at hindi nagpaalis sa inyo sa inyong mga tahanan- sa pagiging makatarungan sa kanila at maging patas sa kanila. Katotohanan, si Allah ay umiibig sa mga makatarungan. Si Allah ay nagbawal lamang sa inyo mula sa mga nakipag laban sa inyo dahil sa relihiyon at nagpaalis sa inyo sa inyong mga tahanan at tumulong sa inyong pagpapalayas- na kayo ay makipag anib sa kanila. At sinomang umanib sa kanila, kung gayon sila yaong mga mapag gawa ng kamalian.†[Quran 60:8-9 ]
“Ang Islam ay nagdeklara na ng giyera kontra TERORISMO – mahigit 1,400 taon na nakalipas!â€