Hindi ako naniniwalang may paraiso at impierno

In FAQ's

Tanong:

Hindi ako naniniwalang may paraiso at impierno, kasi wala pa namang tao na namatay at bumalik at sinabi niyang may paraiso at impierno!

Sagot:

Ang kaluwalhati-an ay para sa Allah lamang.

Katotohanan ang Paraiso ay inihanda na ni Allah at gayundin ang impierno. Sinabi ni Allah sa banal na Qur’an sa pinakamalapit nitong kahulogan: “at maging maagap sa pag-uunahan tungo sa kapatawaran ni Allah, at sa paraiso na kasinglawak ng kalangitan at ng kalupaan na inihanda para sa al-mutaqun” [Aal ‘Imraan 3:133]

Gayundin patungkol sa impierno ay sinabi ni Allah sa pinakamalapit nitong kahulogan: “…inyong pangambahan ang Apoy na ang kanyang panggatong ay mga tao at bato na siyang inihanda sa mga hindi sumasampalataya.” [al-Baqarah 2:24]

Ito ang mga patotoo na nagmula mismo sa Allah na siyang lumikha ng langit at lupa, ang pinaka-makapangyarihan na kayang gawin ang anoman na kanyang naisin. Si Allah na mismo ang nagpatotoo sa atin at ipinadala niya ang lahat ng mga Propeta bilang mga tanda sa katotohanang ito, sa pagkakaroon ng paraiso at impierno. Kaya sino pa ba ang hihigit sa patotoong ito ni Allah at ng kanyang mga sugo?

Isang malaking kalokohan para sa isang tao na maghahanap ng isang patay na muling nabuhay para lang patunayan na may paraiso at impierno, dahil:

Una, kung ang taong ito ay ayaw maniwala sa mismong dakilang tagapaglikha na siyang nagpatotoo na may paraiso at impierno, at ayaw maniwala sa mga Propeta, mas lalong hindi niya paniniwalaan ang isang patay na muling nabuhay. Wala nang makagagabay sa kanya maliban sa Allah at ang gabay ay nasa harap na niya ngunit siya’y tumalikod mula dito; Kaya’t sino pa ang makagagabay sa kanya?

Pangalawa, impossible na may tao na pagkatapos niyang ilibing ay makababalik pa sa mundong ito, kaya ang “demand” na maniniwala lamang sa paraiso at impierno kung may patay na babalik at magsasabing meron nga ay isang malaking kahibangan.

Pangatlo, may mga report na may mga taong nag claim na sila ay namatay, bumisita sa paraiso o kaya impierno, at pagkatapos ay nabuhay na muli. Isa sa mga kwentong ito ay ang kwento ni Pastor Daniel Ekechukwu na mababasa dito-> click here.

Ngayon pagkatapos ba nating basahin ang mga kwentong ganito ay nagkaroon ba tayo ng matatag na paniniwala na meron ngang paraiso at impierno? Sa akin, personally, walang epekto ang mga kwentong ito (wa epek). Ako ay naniniwala dito dahil ito ay pinatotohanan ng Allah at hindi ko na kailangan pang makakita ng patay na muling nabuhay.

Pang-apat, si Allah ay nangako para sa lahat ng mga may tunay na paniniwala ng gantimpala na pagkatapos nilang mamatay sila ay bubuhayin muli at papapasukin sa paraiso at sila’y mananatili doon ng walang katapusan. Ito ang iilan sa gantimpala ng paraiso:

“…dito ay sasainyo ang lahat ninyong maibigan; dito ay sasainyo ang lahat ninyong hihilingin! Isang mabiyayang gantimpala mula sa nag-iisang (si Allah), ang lagi nang nagpapatawad, ang pinakamaawain!”
[Fussilat 41:31-32]

“at naroroon ang lahat ng uri ng bungangkahoy sa bawat pares”
[Ar-Rahman 55:52]

“at sasakanila ang (mga dalaga) na nagtutuon lamang nang pagsulyap (sa kanilang asawa, ibig sabihin silay mga malilinis at mahinhin), na mga birhen at wala pang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling.”
[Ar-Rahman 55:56]

Si Allah swt, ay nagsabi: Inihanda ko para sa aking mga matutuwid na alipin ang (gantimpala) wala pang mata na nakakita, at walang taenga na nakarinig, at walang puso ang nakaramdam… (Saheh Al-Bukhari, Book #040, Hadith #6780)

Ang gantimpala ng paraiso ay para lamang sa mga Muslim. Pagkatapos na kami ay bawian ng buhay muli kaming bubuhayin ni Allah at ito ay napakadali para sa kanya at kami ay mananahanan sa paraiso. Ating binigyan ng pagsasalarawan sa itaas ang iilan sa mga katangian nito. Kung wala ito sa paniniwala ninyo, mamatay kayo sa inggit dahil ito ay paniniwala ng mga Muslim na katiyakan ay ibibigay ni Allah.

Para sa mga hindi naniniwala, nakahanda din sa inyo ang impierno:

“at sila na nagtatakwil, sasakanila ang apoy ng impierno; (ang ganap na kamatayan) ay hindi itinakda sa kanila upang sila ay mamatay. Gayundin ang kaparusahan sa kanila ay hindi magbabawa. Sa gayong paraan namin ginagantihan ang bawat isa na walang paniniwala!”
[Faatir 35:36]

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu