Tanong:
Bakit ang isang lalaki ay pinapahintulotang magkaroon ng higit sa isang asawa sa Islam? i.e bakit pinapahintulotan ang polygamy sa Islam?


Sagot:
1. Ang ibig sabihin ng Polygamy
Ang Polygamy ay nangangahulogang isang sistema ng pag aasawa kung saan ang isang tao ay maaring magkaroon ng higit sa isang asawa. Ang polygamy ay may dalawang uri: ang isa ay ang polygyny kung saan ang lalaki ay maaring magpakasal ng higit sa isang babae, at ang isa naman ay ang polyandry, kung saan ang babae ay maaring magpakasal ng higit sa isang lalaki. Sa Islam, ang limitadong polygyny lamang ang pinapahintulotan; at kung saan ang polyandry ay lubosang ipinagbabawal.
Ngayon balikan natin ang orihinal na tanong, bakit ang isang lalaki ay pinapahintulotang magkaroon ng higit sa isang asawa?
2. Ang Qur’an ay ang natatanging relihiyosong kasulatan sa mundo na nagsasabing “mag asawa ng isa lamang.”
Ang Qur’an ay ang natatanging relihiyosong kasulatan, sa mundong ibabaw, na nagtataglay ng pariralang ”mag asawa ng isa lamang.’ Walang iba pang relihiyosong aklat na naguutos sa mga kalalakihan na magkaroon lamang ng iisang asawa. Wala sa iba pang mga relihiyosong kasulatan, maging sa Vedas, sa Ramayan, sa Mahabharat, sa Gheeta, sa Talmud o sa Bibliya na matatagpuan ang pagkakaroon ng pagtatakda sa bilang ng asawa. Ayon sa mga kasulatang ito ang isa ay maaring mag asawa ng kahit ilan ang kanyang gugustohin. Nitong huli lamang na ang mga paring Hindu at ang simbahang Kristiyano ay nagtakda ng bilang ng asawa sa isa.
Maraming mga relihiyosong personalidad na mga hindu, ayon sa kanilang kasulatan, ang nagkaroon ng maraming mga asawa. Si haring Dashrat, ang ama ni Rama, ay mayroong higit sa isang asawa. Si Krishna ay mayroong maraming mga asawa.
Noong unang panahon, ang mga lalaking Kristiyano ay pinahintulotang mag asawa ng mga babae ayon sa bilang na kanilang gusto, yamang ang bibliya ay hindi nagtakda ng bilang ng mapapangasawa. Nito lamang mga nakalipas na siglo nagtakda ng bilang ng mapapangasawa ang simbahan sa isa.
Ang polygyny ay pinapahintulotan sa Judaismo. Ayon sa batas na nakasaad sa Talmud, si Abraham ay may tatlong asawa, at si Solomon ay mayroong daan-daang mga asawa. Ang pagsasabuhay ng polygyny ay nagpatuloy hanggang si Rabbi Gershom ben Yehudah (960 C.E to 1030 C.E) ay nagpalabas ng kautosan laban dito. Ang mga Hudyong kabilang sa Sephardic na komunidad (yaong mga hudyo na mayroong spanish origin, o kaya yaong mga naninirahan sa middle east at north africa) na tumitira sa mga bansa ng mga Muslim ay nagpatuloy sa pagsasabuhay nito hanggang sa 1950, noong ang isang batas ay naipasa ng pinunong Rabbi ng Israel na nagpalawak sa pagbabawal ng pag aasawa ng higit sa isa.
3. Ang mga hindu ay mas higit na polygynous kaysa sa mga Muslim
Ang ulat ng ‘Committee of The Status of Woman in Islam’, na nailathala noong 1975 ay bumanggit sa pahina 66 at 67 na ang porsyento ng polygamous marriages sa pagitan ng mga taong 1951 at 1961 ay 5.06% para sa mga Hindus at 4.31% lamang para sa mga Muslim. Ayon sa Indian law ang mga lalaking Muslim lamang ang pinapahintulotan na magkaroon ng higit sa isang asawa. Ito ay iligal sa sinomang hindi Muslim sa India na magkaroon ng higit sa isang asawa. Kahit pa sa pagiging iligal nito, Ang mga hindus ay higit na mas maraming asawa kung ikukumpara sa mga Muslim. Noong una, walang pagtatakda kahit pa sa mga lalaking hindu patungkol sa bilang ng pweding mapangasawa. Noon lamang 1954, nang maipasa ang Hindu Marriage Act naging iligal para sa isang hindu ang magkaroon ng higit sa isang asawa. Sa kasalukuyan ang Indian Law ang pumipigil sa isang lalaking Hindu sa pagkakaroon ng higit sa isang asawa at hindi ang mga kasulatan ng mga Hindu.
Ngayon ay ating susuriin kung bakit ang Islam ay nagpahintulot sa isang lalaki na magkaroon ng higit sa isang asawa.
4. Ang Qur’an ay nagpapahintulot sa limitadong polygyny
Gaya ng nabanggit, ang Qur’an ay ang natatanging relihiyosong kasulatan sa ibabaw ng mundo na nagsasabing ‘mag asawa ng isa lamang’. Ang konteksto ng pariralang ito ay ang susunod na talata mula sa Surah An-Nisa sa maluwalhating Qur’an:
“Kayo ay magsipag-asawa ng kababaihan na inyong mapusuan, dalawa, o tatlo, o apat; datapwa’t kung kayo ay nangangamba na kayo ay hindi makagaganap na maging makatarungan (sa kanila), kung gayon mag asawa lamang ng isa.†[Al-Qur’an 4:3]
Bago pa ipinahayag ang Qur’an, walang limitasyon ang poygyny at maraming mga kalalakihan ang nagkaroon ng iilang mga asawa, ang iba ay umabot pa sa daan-daan. Ang Islam ay nagtakda ng limitasyon hanggang apat na asawa. Ang Islam ay nagbigay sa isang lalaki ng pahintulot na mag asawa ng dalawa, tatlo o apat na babae, sa natatanging kondisyon na siya ay makitungo sa kanila ng may hustisya.
Sa kabanata din iyon sa talata 129 ay nagsasabi:
“Hindi kailanman kayo makakagawa ng ganap na pakikitungo ng may (pantay) na katarungan sa pagitan ng inyong mga asawang (babae)….â€Â  [Al-Qur’an 4:129]
kung gayon ang polygyny ay hindi isang batas kundi isang eksepsyon (kataliwasan). Maraming mga tao ang nasa ilalim ng maling kuro-kuro na ito ay sapilitan sa isang lalaking Muslim na magkaroon ng higit sa isang asawa.
Ang Islam ay may limang kategorya ng mga gagawin at mga ipinagbabawal (do’s and dont’s)
(i)   ‘Fard’ i.e. sapilitan o obligado (compulsory or obligatory)
(ii)  ‘Mustahab’ i.e. itinatagubilin o hinihimok (recommended or encouraged)
(iii) ‘Mubah’ i.e. pinapayagan o pinapahintulot (permissible or allowed)
(iv) ‘Makruh’ i.e. hindi itinatagubilin o sinisikapang pigilin (not recommended or discouraged)
(v)  ‘Haraam’ i.e. sinasaway o pinagbawal (prohibited or forbidden)
Ang polygyny ay napapabilang sa pang gitnang kategorya sa mga bagay na ipinapahintulot. Hindi maaring sabihin na ang isang Muslim na mayroong dalawang asawa, tatlo o apat ay mas mabuting Muslim kung ikukumpara sa isa na mayroon lamang isang asawa.
5. Ang karaniwang haba ng buhay ng babae ay mas higit kaysa sa lalaki
Sa kalikasan ang lalaki at babae ay pinapanganak na halos magkatumbas. Ang isang batang babae ay mas may higit na kaligtasan sa sakit (immunity) kaysa sa batang lalaki. Ang batang babae ay mas lumalaban sa mga kagaw (germs) at sakit na higit kaysa sa batang lalaki. Dahil dito, sa kabataan palang ay mas marami na ang namamatay na mga lalaki kaysa sa mga babae.
Tuwing digmaan, mas maraming kalalakihan ang namamatay kung ikukumpara sa mga babae. Mas maraming lalaki ang namamatay dahil sa mga aksidente at sakit kaysa sa mga babae. Ang karaniwang haba ng buhay ng mga babae ay mas higit kaysa sa mga lalaki, at sa anomang panahon ay mas marami kang makikitang mga balo sa mundo kaysa sa mga biyudo.
6. Ang India ay mas may higit na populasyon ng lalaki kaysa sa babae dahil sa female foeticide at infanticide (pagpaslang habang foetus pa o kaya bata pa)
Ang India ay isa sa iilang mga bansa, kasama ng ilang mga magkalapit na mga bansa, kung saan ang populasyon ng kababaihan ay mas kaunti kaysa sa populasyon ng kalalakihan. Ang dahilan nito ay ang mataas na bilang ng pagpaslang sa mga batang babae sa India, at ang katotohanan na higit sa isang milyong babaeng foetus ang pinapatanggal bawat taon sa bansang ito, pagkatapos na sila ay mapag alamang babae. Kung ang buktot na gawaing ito ay maipatigil, kung gayon maging ang India ay magkakaroon ng mas maraming babae kaysa sa lalaki.


7. Ang populasyon ng kababaihan sa mundo ay mas higit kaysa sa populasyon ng kalalakihan
Sa USA, ang mga babae ay mas nakahihigit sa mga lalaki ng 7.8 million. Sa New York lamang ay may isang milyon higit na babae kung ikukumpara sa bilang ng mga lalaki, at kabilang sa populasyon ng kalalakihan sa New York ay 1/3 ay mga bakla. Ang USA sa kabuohan ay may higit sa 25 million na mga bakla. Ito ay nangangahulogan na ang mga taong ito ay hindi gustong mag asawa ng babae. Ang Great Britian ay may apat na milyon higit na kababaihan kung ikukumpara sa kalalakihan. Ang Germany ay may limang milyon mas maraming babae kung ikukumpara sa lalaki. Ang Russia ay may siyam na milyon karaming babae kaysa sa lalaki. Ang Dios lamang ang nakaaalam kung ilang milyon nakahihigit ang mga babae sa mundo kung ikukumpara sa mga lalaki.
8. Ang pagtatakda sa bawat isang lalaki na magkaroon ng iisang asawa lamang ay hindi praktikal
Kahit pa ang bawat isang lalaki ay nakapag asawa ng isang babae, ay mayroon pang higit sa 30 million na mga babae sa USA na hindi makakapag asawa (kung isasaalanga-alang na ang Amerika ay may 25 million na bakla). Mayroon pang higit sa apat na milyong kababaihan sa Great Britain, limang milyong kababaihan sa Germany at siyam na milyong kababaihan sa Russia pa lamang na hindi makakahanap ng mapapangasawa.
Ipagpapalagay nating ang aking kapatid na babae ay kabilang sa mga babaeng hindi pa nakapag asawa na tumitira sa USA, o ipagpapalagay na ang iyong kapatid ay kabilang sa mga babaeng hindi pa nakakapag asawa sa USA. Ang dalawang opsyon na natitira para sa kanya ay ang pag aasawa ng isang lalaki na mayroon nang asawa o siya ay magiging pag aari ng publiko. Wala nang iba pang opsyon. Lahat niyaong mga disente ay pipiliin ang nauna.
Sa lipunan ng mga taga kanluran, karaniwan na sa isang lalaki ang magkaroon ng labit o maraming mga relasyon na labas sa kasalan (extra marital), kung saan, ang babae ay mangunguna sa kahiya-hiya, at walang kambil na buhay. Ang lipunan ding yaon, gayunman, ay hindi matanggap ang isang lalaki na magkaroon ng higit sa isang asawa, kung saan ay mapapanatili ng mga babae ang kanilang marangal, kapita-pitagan na posisyon sa lipunan at mamuhay ng isang protektadong buhay.
Kaya ang dalawang opsyon para sa isang babae na hindi makahanap ng asawa ay ang mag asawa ng lalaking may asawa o ang maging pag aari ng publiko. Ang Islam ay pumili sa pagbibigay sa babae ng marangal na posisyon sa pagpapahintulot sa unang opsyon at sa pagbabawal sa pangalawa.
Marami pang ibang mga dahilan kung bakit ang Islam ay nagpahintulot sa limitadong polygyny, ngunit ito ay higit sa lahat upang mapangalagaan ang dangal ng babae.