Ano ang Islam?

In FAQ's

Ano Ang Islam?

بسم الله الرحمن الرحيم 

Ang Islam ( الإسلام ) o al-islām ay salitang arabik na hango sa salitang ugat na (seen), ل (laam) at م (meem), sa literal nitong kahulugan ito ay nangangahulugan ng  PAGSUKO , PAGSUNOD, PAGTALIMA O PAG PAPASAKOP, KAPAYAPAAN AT KALIGTASAN.
Ito ay hindi Pangngalan (noun)  bagkus ito ay  PANDIWA (verb), na nagpapahiwatig ng ng kilos, gawa o kalagayan.

Dahil nga ang pagsuko, pagtalima at pagpapasakop ay pandiwa o salitang kilos,ito ay nagpapahiwatig ng dereksyon, sa madaling sabi, saan o kanino ba susuko o tatalima o papasakop?
Ito ay tinuturo ka sa dereksyon ng nag-iisang Tagapaglikha  ang ALLAH.

Sa madaling sabi ito ay ang PAGSUNOD, PAGTALIMA O PAGPAPASAKOP sa kalooban ng Dakilang taga-paglikha, ang Allah.

PANSININ:

Ito ay hindi hinango mula sa PANGALAN ng TAO katulad halimabawa ng Confucianismo na hinango mula kay Confucius, BUDHISMO na hinango mula kay Gautama Budha, MARXISMO na mula naman kay Karl Marx at napakarami pang ISM 0 ISMO na pagkawala ng kanilang founder ay pinapangalan sa kanila.
Ito rin ay hindi hinango mula sa TITULO ng tao na katulad ng CHRISTIANISMO na mula sa katagang KRISTO na tumutukoy sa mga tagasunod ni Hesus. (ang salitang kristo ay hindi po pangalan o apelyedo, ito ay Titulo na ang ibig sabihin ay PINAHIRAN “annointed” katulad ng mga hari , pare, obispo at ibang lider ng mga bansa.
Ito ay hindi hinango mula sa pangalan lugar katulad halimbawa ng HINDUISMO na hango sa Hindi Valley.
Ito ay hindi rin hinango sa pangalan ng tribu katulad ng JUDAISMO na hango sa tribu ni Judah.

Ano ba ang RELIHIYON?

Ang salitang RELIHIYON ay tumutugon lamang sa mga spirituwal na konsepto. Kasama na rito ang paniniwala at pananalig sa Diyos, pagsamba at mga piesta at mga rituwal at iba pa.

Ang Islam sa kanyang depenisyon at natural na anyo ay hindi lamang relihiyon, sapagkat hindi lamang espiritual na aspeto ang sakop nito, bagkus pati sekular na aspeto at kahit ang pinaka maliit na gawain natin sa sa araw na buhay ay kelangan napapaloob at naayon sa katuran ng Islam sa pamamagitan sa pagsunod sa mga (sunnah) o gawain ni Propeta Muhammad sallallaho ‘alayhi wa salam. Sa Qur’an, ito po ay tinatawag na DEENUL ISLAM.

Ang salitang DEEN ay kataganag arabic na nangangahulugang PAMAMARAAN ng buhay. Kanya ang Islam ay hindi lamang RELIHIYON bagkus ito po ay kumpletong paraan ng pamumuhay na hindi lamang nakatuon sa pang espirituwal na konsepto ng ating buhay bagkus bawat kilos at gawain natin sa ordinaryong araw ay mayroong pamantayan o gabay ( “guide”).

Sa madaling sabi, ang Islam ay mga pamantayan, gabay at pamamaraan kung paano ang mga gawain sa araw- araw ay maging anyo ng pagsamba. Ito rin ang ibig sabihin ng pagsuko at pagsunod sa kalooban ng Allah at mamuhay ng naaayon sa kanyang nais.

Kapag ang tao na ay sumuko at nagpasakop na sa tanging kalooban sa kanya ng kanyang Manlilikha, dito na niya malalasap ang tunay at totoong kapayapaan (salam) sa kanyang puso at isip.

Ang Islam ba ay itinatag ng tao?

Ang Islam ay ang Deen (paraan ng Buhay) na ibinigay kay Adam (alayhi salam), ang unang tao ang ang unang Propeta ng Allah. Ito ay siya ring Deen  na ibinigay sa lahat ng mga propeta at mga sugo ng Allah sa sangkatauhan. Ang tanging Deen na pinili ng Allah ay ang Islam, ito ay kanyang ipinahayag sa Huling Aklat na kanyang ipinadala, ang maluwalhating Qur’an. Sabi Niya:

اليوم اكملت لكم دينكم واتممت عليكم نعمتي ورضيت لكم الاسلام دينا
“Sa araw na ito ay aking binigyan ng lubos na katuparan ang inyong Deen para sa inyo, Aking ginawang ganap ang pabor ko sa inyo, at pinili ko ang Islam bilang inyong Deen o paraan ng buhay”
(Surah Al-Maidah 5:3)

ومن يبتغ غير الاسلام دينا فلن يقبل منه وهو في الاخرة من الخاسرين
“Sinuman ang magnais ng ibang Deen (pamamaraan ng buhay) maliban sa Islam (pagsuko sa kalooban ng Allah), kailanman hindi ito tatanggapin sa kanya.” (surah Al-Imran 3:85)

ما كان ابراهيم يهوديا ولانصرانيا ولكن كان حنيفا مسلما وماكان من المشركين

“Si Abraham ay hindi Hudyo o Kristiano, bagkus isang matuwid na Muslim (sumusuko sa kalooban ng Allah).” (surah Al-Imran 3:67)

Ano ba ang pinaka buod na turo ng Islam?

 Ang pagsamba sa nag-iisang Allah lamang ang pinaka buod na turo ng Islam, ang lahat ng diwa ng pagsamba ay nakabatay dito. Hinihikayat nito ang tao na sumamba sa Nag-iisang Tagapaglikha at lumayo sa pagsamba sa mga nilikha lamang ito ang tinatawag na TAWHEED. Laging tandaan na ang Tagapag likha, ang Allah ay kailanman hindi magiging katulad ng kanyang mga nilikha lamang o bahagi nito, ni ang Kanyang nilikha ay magiging Diyos din. Inilalayo nito ang tao sa Paganismo.

Ano nga ba ang Paganismo?

Ang paganismo ay ang pagsamba sa mga nilikha,katulad ng kahoy, bato, buwan, araw at iba pa.
Saklaw din nito ang pagsamba sa mga diyos-diyosang likha ng isip at imahinasyon ng tao, katulad ng mga larawang ginuhit ng tao na sinasabing ito ang mukha o itsura ng Diyos! Paganismo rin ang tawag kapag ginawan o binigyan ng katambal ang Diyos o ang Allah, isa na rito ang pagsasabing ang Diyos ay Ama,
Ang diyos ay nagkaroon ng anak, o ang Diyos ay espirito. Ang mga ama ay katangian ng tao o ang anak, ito ay sadyang mga nilikha lamang ng Diyos! Gayon din, ang espirito ay nilikha lamang din ng Diyos.

Katulad ng nabangit sa taas, Ang Manlilikha, ang Tunay na Diyos ay hindi Siya maaaring maging nilikha din.

Ang Tawheed na ito o Ang pagkilala at pagsamba sa nag-iisang Allah (Diyos) ang siyang tunay na layunin ng buhay o dahilan kung bakit tayo ay nilikha.
Inihayag ni Allah (subhanaho wata’ala) sa Kanyang Huling kapahayagan:

وماخلقت الجن والانس الا ليعبدون

At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa.
[Sûrah Adh-Dhâriyât 51:56]

 

 

At dininig ang aking dasal!

Ang Allah lamang ang dapat at karapat dapat pag-ukulan ng pagsamba dahil Siya lamang ang nag-iisang Tagapaglikha, nagbibigay ng mga biyaya at buhay, dumidinig ng mga panalangin at nag bibigay ng lahat ng ating mga pangangailangan. Siya lamang ang may kaloobang magbigay ng pahintulot sa katuparan ng lahat ng panalagin at mga pangyayari.

Kung ang tao ay sumamba sa inukit na kahoy o bato at ang kanyang panalangin ay natupad, hindi ang inukit na kahoy ang nagbigay ng katuparan sa kanyang panalangin bagkus ang Allah ang Siyang nagbigay ng pahintulot upang maganap ang mga bagay na ito. Katotohanan, kahit hindi sya humiling at nagdasal dun sa inukit na kahoy, ito ay mangyayari sa kapahinutulutan ng Allah!

Katulad din ng mga panalangin na inukol kay Hesus, Buddha, Krishna, St. Jude, St. Christopher o maging kay Muhammad, hindi nila sinasagot ang mga ito, bagkus ang mga ito ay pinangyayari ni Allah.

Halimbawa:

May isang intsik nagdasal kay Buddha na makarating ng saudi, at ito nga ay natupad!
Sa kabilang dako, isang pinoy naman ang nagdasal kay itim na nazareno sa Quiapo ng ganoon ding panalangin, ang makarating ng saudi, at ito ay natupad din!
Isang amerikano naman ang nagdasal sa puting Hesus at kay Marya at kay St. Christopher ng pareho ring panalangin, na makarating din ng saudi, at ito ay natupad din!

Bakit kaya, pare-parehong panalangin subalit hiniling sa ibat-ibang Diyos ay natupad din!

Ito po ay hindi Dininig subalit ito ay nakatadhana na.
Ang Allah ay Siyang Ar-rahman at Ar- Raheem, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain. Ang kanyan rahmah o habag ay sa lahat ng Kaniyang nilikha, muslim man o hindi. Subalit ang kanyang awa ay sa mga taong sumasamba lamang sa kanya.

Ang Allah ay nagsabi sa maluwalhating Qur’an:

له دعوة الحق والذين يدعون من دونه لايستجيبون لهم بشئ الا كباسط كفيه الى الماء ليبلغ فاه وماهو ببالغه ومادعاء الكافرين الا في ضلال

(Sûrah Ar-Ra`d ayaah 14)“Para sa Kanya lamang ang Salita ng Katotohanan, na ito ay ‘Lâ ilâha il-lal-lâh’ – walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin kundi ang Allâh – na kung kaya, walang nararapat na sambahin at tatawagan sa panalangin kundi Siya lamang, dahil ang mga diyus-diyosan na sinasamba nila bukod sa Allâh ay hindi nito matutugunan ang panalangin ng sinumang nanalangin sa kanila, at ang katulad nila kasama ang kanilang mga sinasamba ay tulad ng isang (tao na) nauuhaw na pilit na iniuunat (inilalahad) nito ang kanyang dalawang kamay upang abutin ang tubig na malayo sa kanya (na katulad ng tubig na nasa kailaliman ng balon); upang mapalapit ito sa kanyang bibig subali’t hindi ito umaabot sa kanya; na kung kaya, ang panalangin ng mga walang pananampalataya ay napakalayo na matugunan dahil ito ay wala sa katotohanan, na wala silang gabay dahil sa kanilang ginawang pagtatambal sa pagsamba sa Allâh.”
(Sûrah Ar-Ra`d ayaah 14)

at ito pa:

ماتعبدون من دونه الا اسماء سميتموها انتم واباؤكم ماانزل الله بها من سلطان ان الحكم الا لله امر الاتعبدوا الا اياه ذلك الدين القيم ولكن اكثر الناس لايعلمون

“Ang inyong sinasamba bukod sa Kanya ay mga pangalan ng kathang-isip ninyo at ng inyong mga ninuno na hindi ipinadala ng Allah na may kapahintulutan. Ang kautusan ay sa Allah lamang:

Siya ay nag-utos sa inyo na sambahin lamang Siya: Ito ang tunay na Deen, subalit karamihan sa tao ay hindi nakaka-unawa.”

(Surah Yusuf 12:40)

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu