Itinala ni Bro. Abdullah Tabing
Tanong: Kapwa ba napapatawad ng Allah ang kasalanang sadya at hindi sinasadya at ano ang pagkakaiba nito, halimbawa ng pag inom ng alak at pangangalunya?
Sagot: Bismillah, Alhamdulillahi Wassalatu Wassalamu Ala Rasulillah, Waala Alihi Wasahbihi Waba’d. Ang tunay na Pagbabalik-loob sa Allah (Tawbah) sang-ayon sa napagkaisahan ng mga pantas sa Islam ay ang pagsisisi ng sarili sa nagawang kasalanan, pagpasya upang tigilan ang nagawang kasalanan, paghingi ng kapatawaran sa Allah dahil sa nagawang kasalanan, upang mangakong hindi na gawin muli ang nagawang kasalanan at ang pagsagawa ng mga mabubuting gawa. Iyan ang mga kondisyon ng Al-Tawbah o Pagbabalik-loob kung ang nagawang kasalanan ay sa Allah lamang. Kabilang ang paghingi ng tawad sa kapwa tao kung ang nagawang kasalanan ay mayroong ugnayan sa tao, at kung mayroong ugnayan sa karapatan o sa ari-arian ay ang pagbabalik nito sa may-ari halimbawa sa salapi, sa kahit anumang paraan.
Kaya, anumang kasalanan pag-inom ng alak, pangangalunya at kahit na rin ang pagtatambal (Shirk), ang pinakamalaking kasalanan sa Allah, sinadya o hindi sinadya ay pawang napapatawad ng Allah, Ang Higit na Maawain at Higit na Mapatawarin. Sinabi Niya ayong sa pagpapaliwanag ng kahulugan: “Ipagbadya: O Aking mga alipin na nagkasala laban sa kanilang sarili! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa habag ng Allah; sapagkat katotohanang ang Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Katotohanang Siya ay lagi nang nagpapatawad, ang Pinakamaawain.†Qur’an 39: 53. Nabanggit natin din ang mga Hadith ni Propeta Mohammad (Sumakanya ang kapayapaan) sa naunang pagpapaliwanag natin tungkol sa pagpapatawad ng Allah Sa kasalanan, na ang pagbabalik-loob ay nakabubura sa mga naunang kasalanan. Nabanggit ni Al-Kalabi na si Wahshi Ibn Harb, ang pumatay sa tiyuhin ni Propeta (Sumakanya ang kapayapaan) at ang kanyang mga kasamahan ay nagpasya silang magbalik-loob sa Allah at yumakakap sa Islam ng dahil sa talatang ito.
Subalit, ang Pagbabalik-loob sa Allah ay habang may pag-asa pa ang taong nagkasala sa buhay o hanggang hindi pa mawalaan ng pag-asa sa kanyang buhay; bago makaranas ng matinding pagkasakit, bago tumingin sa kanyang itaas, bago sumikip ang kanyang dibdib, bago makarating ang kanyang hininga o espiritu sa kanyang lalamunan, at bago makita ang Anghel ng kamatayan (Malak Al-Mawt), at bago rin mangyari ang paglubog ng Araw sa kanluran. Basahin ang mga talatang karugtong ng sa Qur’an 39: 53, at sa 4: 18 ayon din sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng talata: “Walang katuturan ang pagtitika (pagsisisi) ng mga nagpapatuloy pa rin sa paggawa ng kasamaan, hanggang ang kamatayan ay dumatal sa isa sa kanila, at siya ay magsabi: (ngayon, ako ay tunay na nagsisisi) gayundin naman ang mga dinatnan ng kamatayan habang sila ay nagtatakwil sa pananampalataya (sa Islam); sa kanila ay aming inihanda ang kasakit-sakit na kaparusahanâ€. Sinabi ni Propeta (Sumakanya ang kapayapaan): “Katotohanang ang Allah ay tumatanggap ng Pagbabalik-loob ng kanyang alipin hanggang hindi pa naghihingaloâ€, at sinabi rin: “Sinuman ang magbalik-loob bago sumikat ang Araw sa kanlungan ay tatanggapin sa kanya ng Allahâ€. At kung naisip niyang magbalik-loob pagkatapos ay namatay nang wala ng nagawang kabutihan o pagbabago ay mapatawad din ng Allah kung naisin Niya (Allah). Malinaw sa isang Hadith ni Propeta (Sumakanya ang kapayapaan) tungkol sa isang lalaki na nakapatay ng siyamnapu’t siyam na tao at marami pang bisyo hanggang sa pinatay bilang ika isang daan ang lalaking maka-diyos na natanong niya at nagsabing wala ng pag-asa sa kanyang Pagbabalik-loob o hindi na siya mapatawad sa kanyang mga kasalanan..
May dalawang talata sa banal na Qur’an na hindi gaano malinaw sa karamihan, bagkus akala ng iba ay labag o kontra sa mga nabanggit natin na mga talata at mga Hadith ni Propeta (Sumakanya ang kapayapaan) at labag sa katotohanang ang Allah ay nagpapatawad sa lahat ng kasalanan. Ito ay ang mga sumusunod:
1- “Ang Allah ay tumatanggap ng pagsisisi ng mga nakagawang kasamaan sa kawalan ng muwang (pagiging inosente)..†Qur’an 4: 17. Nabanggit ni Al-Baghawi at ni Al-Qortubi na ang ibang nakababasa sa talatang ito ay nag-aakalang ang isang taong nagkasala at sa kanyang paggawa ng kasalanan ay batid niya na iyon ay kasalanan, ay hindi na mapatawad kahit na siya ay magbalik-loob sa Allah. Kaya, banggitin natin ang iba sa mga paliwanag ng mga pantas o mga nagpapaliwanag sa kahulugan ng mga talata (Al-Mufassiroon); sinabi ni Qatadah: (Nagkaisa ang mga kasamahan ni Propeta (Sumakanya ang kapayapaan) na ang anumang pagkakasala sa Allah ay pagiging inosente (Jahalah), ito man ay sinadya o kaya ay hindi sinadya), at lahat ng nagkasala sa Allah ay inosente (Jahil)). Sinabi ni Mojahid at bukod sa kanya: (Lahat ng nagkasala sa Allah bilang pagkakamali o kaya ay sinadya, siya ay inosente (Jahil) hanggang sa iwasan ang kasalanan). Sinabi rin ni Mojahid: (Lahat ng taong gumawa ng kasalanan sa Allah, siya ay inosente (Jahil) sa panahon na kanyang ginagawa). Ayon sa paliwanag ni Al-Kalabi: (Hindi man siya naging inosente (Jahil) na iyon ay kasalanan, subalit naging inosente sa kaparusahan nito). At may nagpaliwanag din sa mga panatas na kung nakagawa ang tao ng kasalanan ay inosente (Jahil) din sapagkat sa oras na ginawa ito, ay mas pinili ang pansamantalang kasiyahan kaysa sa walang hanggan na kasiyahan). Si Akramah ayon sa kanya: (Ang ibig sabihin ng pagiging inosente (Jahalah) dito ay anumang kasalanan sa mundo at ang mundo ay pagiging inosente o kamangmangan). Kaya, hindi ibig sabihin ng JAHALAH sa talatang ito ay ang salungat sa ‘ILM o karunungan, bagkus si Ibno Abbas (Kalugdan siya ng Allah) ayon sa kanya, ang mismo paggawa ng kasalanan ay Jahala o pagiging inosente.
2- “Katotohanang ang Allah ay hindi magpapatawad ng pagtatambal sa Kanya, datapuwa’t Siya ay magpapatawad kung ano ang kulang sa sinumang Kanyang maibigan..†Qur’an 4: 48. Ipinaliwanag ng mga pantas sina Al-Sheikh Abdulaziz Bin Baz, Mohammad Bin Salih Al-Fawzan at iba pa (Kaawaan sila ng Allah) na ang ibig sabihin ng talatang ito ay ang sinumang nagtatambal at namatay sa kanyang pagtatambal nang hindi na nakapagbalik-loob sa Allah. Kaya paano siya mapatawad kung hindi na rin nagbalik-loob! Ang namatay sa kasalanang pagtatambal (Shirk) at hindi nakapagbalik-loob (Tawbah) ay wala na siyang pag-asa na mapatawad sapagkat ipinagbawal na sa kanya ang Paraiso, subalit ang namatay sa ibang kasalanan bukod sa pagtatambal sa Allah ay nasa ilalim ng pagpapasya ng Allah (Tahtal Mashi’ah), kung naisin Niya ay mapatawad at kung hindi naman ay maparusahan dahil sa kanyang kasalanan o kaya ay makapasok sa Impiyernong Apoy subalit may pag-asa din na mapatawad o mailigtas mula sa Impiyerno at makamit ang Malaking Pagtubos o Malaking Kaligtasan (Al-Shafa’ah Al-Kubra) kung siya ay namatay na Muslim, naniniwala sa Kaisahan ng Allah at kay Propeta (Sumakanya ang kapayapaan), kahit pa minsan ay nagkakasala.
Ang Allah lamang ang higit na nakakaalam.