Kung titingnan mo ang buwan, ang mukha nito ay may hindi pantay na liwanag, na mayroong maliwanag at medyo may kadilimang bahagi. Ito ang tinatawag na Lunar Formations.
Noong 1651, si Joannes Baptista Riccioli na isang Jesuit professor ng astronomy at Philosophy sa Bologna, Italy, ay nag compile ng isang komprehensibong aklat sa astronomy na tinawag na Almagestum Novum, at dito ay may kumpletong mapa ng buwan. Pinangalanan niya ang mga Lunar Formations mula sa mga kilalang tanyag na mga astronomers sa middle ages. Sampu dito ay mga pangalan ng mga Muslim astronomers at mathematicians. Ang mga pangalang ito ay inaprobahan sa isang conference ng International Astronomical Union noong 1935. Sa 672 lunar formations, 13 ang binigyang pangalan na hango sa pangalan ng mga pangunahing Muslim astronomers at simula noon ay marami pang naidagdag. Kalakip sa mga pangalang ito ay:
1- Messala, ito ay isang lambak sa 13th section ng buwan mula kay MashaAllah, na aktibo noong 809. Siya ay isang Judyo sa Ehipto na yumakap sa Islam sa panahon ng Abbasid Caliph na si Al-Mansur. Dalawa sa kanyang libro sa astronomy ay naisalin sa latin noong 16th century: “De Scientia Motus Orbis†at “De compositione et utilitate astrolabii.
2- Almanon, isang crater sa 9th section ng buwan mula sa pangalan ni Caliph Al-Ma’mun, anak ni Harun Al-Rashid, tanyag sa “The Thousand and One Nightsâ€. Noong 829, si Al-Ma’mun ay lumikha ng isang observatory sa Baghdad. Sa Academy na ito na tinawag na Bayt Al-Hikmah o the House of Wisdom, ang mga pinaka pangunahing mga scientists at philosophers sa kanyang panahon ay nagsagawa ng kanilang mga pag-aaral.
3- Alfraganus, isang crater sa 2nd section ng buwan mula kay Al-Farghani na namatay noong 861. Siya ay kabilang sa team of researchers in astronomy ni Al-Ma’mun. Ang kanyang pinaka tanyag na aklat ay ang: Book of the Summary of Astronomy, at ito ay siyang pangunahing nakaimpluwensiya sa Italian poet na si Dante.
4- Albategnius, isang lambak sa 1st section ng buwan mula kay Al-Battani, na ipinanganak noong 858. Siya ay nag tumukoy sa maraming astronomical measurements with great accuracy.
5- Thabit, isang prominent circular plain sa 8th section ng buwan na mula kay Thabit ibn Qurra, na namatay sa Baghdad noong 901. Isinalin niya sa arabic ang napakaraming scientific works mula sa greek and syrian, siya din ay naka ambag ng maraming mahahalagang contributions sa pure mathematics.
6- Azophi, isang moutainous ring sa 9th section mula kay 10th century Abd Al-Rahman As-Sufi. Siya ay isa sa pinaka outstanding practical astronomers noong middle ages. Ang kanyang illustrated book, “The Book of Fixed Stars†ay isang masterpiece sa stellar astronomy.
7- Alhazen, isang ring shaped plain sa 12th section mula kay Abu Ali Al-Hasan ibn Al-Haytham, tanyag sa tawag na Al-Haytham. Siy ay pinanganak sa Basrah noong 956.Siy ay nagsulat ng ilang daang aklat at mahigit kumulang 55 ay nai preserve ngayon, at ito ay may kaugnayan sa mathematics, astronomy at optics.
8- Arzachel, isang lambak sa 8th section mula kay Al-Zarqali na namatay noong 1100. Siya ay nagtrabaho sa Muslim Spain kasama ang iba pang mga Muslim at Jewish astronomers at inihanda nila ang tanyag na Toledan Tables. Ang kanyang gawa ay siyang naka impluwensiya kay Copernicus.
9- Geber, isang circular flat plain sa 9th section mula kay Jabir bin Aflah na namatay noong 1145. Siya ay isang Spanish Arab na siyang pinakaunang nag design sa isang portable celestial sphere upang e measure ang celestial coordinates, na tinawag ngayon na torquetum.
10- Nasireddin, isang crater na 30 miles in diameter mula kay Nasir Al-Din Al-Tusi, ipinanganak noong 1201. Siya ay ministro kay Hulagu Khan, Ilkhanid na ruler ng Persia mula 1256 haggang 1265. Siya ang inilagay na in-charge sa observatory sa Maragha at sa paghahanda sa “Ilkhanid tables†at “catalog of fixed starsâ€, na siyang ginamit sa buong mundo sa loob ng iilang siglo mula China hanggang Europe.
11- Alpetragius, isang crater sa 8th section mula kay Nur al-Din ibn Ishaq al-Bitruji na ipinanganak sa Morocco at tumira sa Ishbiliah (Seville), namatay noong 1204. Siya ay nagsikap ng mabuti, ngunit unsuccessfully, sa pag modify sa system of planetary motions ni Ptolemy. Ang aklat ni Al-Bitruji na “On Astronomy†ay tanyag noong 13th century sa Europe sa latin translation nito.
12- Abulfeda, isang circular plain sa 9th section mula kay Abu Al-Fida’, na ipinanganak noong 1273 sa Syria. Siya ang huling Muslim geographer at astronomer na na train sa tradisyon na na establish ni Caliph Al-Ma’mun. Siya ay isa ding tanyag na historian, ang pinaka sikat sa kanyang mga gawain ay ang “Survey of Countries.â€
13- Ulugh Beigh, isang prominent elliptical ring sa 18th section mula kay Ulugh Beigh, na ipinanganak noong 1394 at nagtayo noong 1420 nang isang magnificent observatory sa Samarkand, na may mga excellent at accurate astronomical instruments. His most commendable at enduring work ay ang new catalog of stars.
Kayat kung kayo ay titingin sa buwan ngayong gabi, ay alalahanin ninyo ang mga Muslim na ito na na immortalized bilang craters, plains at elliptical rings, mga Muslim na nagdulot ng malaking pagbabago at kaalaman sa ating buhay.