Alam ng mga Muslim noon pa man na ang oras ay hindi pweding pigilan at patuloy itong nawawala sa atin kayat ang mga Muslim ay patuloy na nagmamasid dito, upang malaman ang tamang oras sa pagsapit ng pagsamba, gaya ng tamang oras sa pagsapit ng pagtatawag ng adhan sa salah, ang tamang oras ng pagdarasal, kung kailan sasapit ang ramadan, anong oras titigil sa pagkain o sisimulang kumain, o kaya ang pag diriwang ng eid pati na ang tamang oras sa pagpunta sa Makkah tuwing Hajj.
Ang ating kwento ay magsisimula sa isang Muslim na engineer mula sa Diyabarkir, Turkey noong 13th century na siyang nagdulot ng kapanganakan ng konsepto ng automatic machines. Siya ay si Al-Jazari at noong 1206, siya ay nakagawa ng maraming relo sa iba’t ibang hugis at laki habang nagtatrabaho sa Artuq Kings of Diyabarkir. Kaya’t si King Nasir al-Din ay nagsabi sa kanya, “You have made peerless devices, and through strength have brought them forth as works; so do not lose what you have wearied yourself with and have plainly constructed. I wish you to compose me a book which assembles what you have created separately, and brings together a selection of individual items and pictures.”
Ang resulta nito ay isang walang kapantay at tanyag na libro sa engineering na tinawag na “The book of knowlegde of ingenious Mechanical device.” Ang librong ito ay siyang naging mahalagang pinagmumulan ng kaalaman sa mga taong may iba’t ibang engineering backgrounds.