Ang kwento ng pagyakap ni Ceasar Eleuterio Chiong sa Islam

In Shahada

Ako si Ceasar Eleuterio Chiong, isang OFW na tubong Tayum, ABRA. Isang certified Ilokano.

Dati akong OFW sa Riyadh, Saudi, Arabia noong taong 2002 to 2005 at dito ko unang nakasalamuha ang mga muslim. Noong time na iyon, ang aking boss na Jordanian ay nagsabi na si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay isang propeta lamang kaso lang di naman niya ipinaliwanag kung bakit siya propeta at di naman ako inimbitahan sa Islam kaya’t sa aking isipan sabi ko “paki ko sa iyo.” Noong time na nasa Saudi ako iyon naman ang time na ginegiyera ng US forces ang Iraq at sabi ko sige patayin ninyo lahat ng mga muslim at magpadala kayo ng nuclear bomb sa Makkah para maubos na silang lahat at wala nang mga terorista sa mundo. That time may galit sa puso ko para sa mga muslim dahil sa pinapakita sa TV na pinaparatang sa kanila gaya ng 911 at mga Al Qaeda, etc… Para sa akin ang mga muslim ay mga masasama at mga terorista at namumugot ng ulo.… Nakikita ko ngang nagdadasal sila ng limang beses isang araw pero ang sasama naman ng ugali. Hanggang sa napagpasyahan kong umuwi ng pinas for good after more than 3 years kasi parang mababaliw ako sa Riyadh dahil walang entertainment baga kagaya sa Pinas na mga movie houses. Ang kanilang mga babae doon ay parang mga ninja at wala kang makita kundi mata lamang at bawal tumitig kasi nga huhulihin ka ng mutawa (nagpapatupad ng batas kasama ng mga police) nila doon at bawal din ang alak (di naman tayo manginginom pero pag may occasions lang kagaya ng pasko, etc). Ang naappreciate ko lang na maganda talaga sa Saudi that time ay iyong pag tawag ng dasal ay talagang sarado lahat ng establishments at pumupunta sa masjid ang mga tao para magdasal.

After 6 months na nasa pinas ako pagkatapos mag-exit mula Saudi ay napagpasyahan kong mag-apply ulit sa abroad at this time pinalad tayo sa bansang Qatar. Sabi ko sa aking sarili, at least dito semi open country di kagaya sa Saudi na closed country ika nga at daming bawal. Dito sa aming kumpanya ay marami akong nakasamang mga Pilipinong muslim dahil ang policy ng company before ay kukuha lang ng Pilipino pero mga muslim at kaming sumunod na batches ay mga kristyano na. Dito ako nagkaroon ng mga kaibigang mga Pilipinong muslim sa iba’t ibang tribo, may Tausog, may Maranao, Maguindanon, may Calagan, Iranon at mga reverts sa Islam na ang tawag sa kanila ay balik-Islam. Dito ko nakita na may mababait naman palang mga muslim hindi kagaya ng mga nakasama ko sa Saudi at napapanood ko sa TV.

Since aktibo tayo sa simbahan at church bilang sacristan at gitarista ng simbahang katoliko at born again, naghanap ako kaagad ng church at doon kami nag-attend ng kasama ko sa work na born again. Ako kasi ay laking katoliko at naging aktibo dito bilang sakritan/gitarista at noong college ay presidente ng youth charismatic org. (Christ Youth in Action-PLM chapter) at dito ko na rin nameet ang aking butihing asawa. Parehas kami ng paniniwala na freelance Christian kami na kahit sa katolikong simbahan or sa born again church ka magsimba ay parehas lang naman ito dahil ang basic doctrine nila ay sa trinity din.

Since wala akong kaalam alam sa paniniwalang Islam at akala ko ay ang Diyos nila ay ang buwan o iyong black box sa Makkah at bilang Kristyano ay ini-invite ko silang sumama sa akin sa church every Friday at maging kasapi para maligtas sila sa ngalan ni Hesus, kaso lang di naman sila tumutugon sa aking paanyaya bagkus ako ay binibigyan nila ng mga babasahin about Islam. Para mas malaman ko ang kanilang paniniwala at mas mahikayat ko silang sumapi ay unti unti kong pinag-aralan ang Islam sa mga babasahing ibinibigay nila sa akin.

Bilang nasa field ng IT, nanood ako ng videos sa youtube about Islam at pumunta sa mga websites about Islam at dito ko nakita halos parehas lang naman pala ang Islam at Christianity sa paniniwala. Naniniwala silang nag-iisa ang Diyos, naniniwala din sila sa mga propetang gaya ni Noah, Abraham, Moses, David, etc., sa mga anghel, sa langit at impyerno, sa araw ng paghuhukom, etc. Nagkatalo lang kay Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) dahil sa mga muslim siya ay isang propeta at hindi anak ng Diyos. At dito ko itinuon ang aking pag-aaral for 3 months, kung bakit nila sinasabing si Hesus ay hindi Diyos at anak ng Diyos kundi isang propeta lamang. Kung baga sa aming talakayan ay may puntos ang kanilang pinagbabatayan. Pinalad akong magkaroon ng kopya ng Gospel of Barnabas, Quran in English–Arabic at mga babasahing gawa ng mga reverts sa Islam na Pilipino, nakapanood at nakabasa ng mga stories ng mga bishops, pari, madre, archbishops, pastors, etc.. na nagmumuslim at kung bakit. Mga debate ng mga muslim at kristyano, etc. at dito ko napagtanto na “ooopss! teka lang” parang mali nga itong aking nakagisnang paniniwala at sa puntong ito ako ay lumapit sa aming pastor at sinabi ko sa kanyang nagugustuhan ko ang Islam at parang gusto kong magmuslim kako at sabi niya huwag at ako ay binigyan niya ng mga babasahin na entitled “How to get/convince a Muslim to Christianity” at dito noong nabasa ko ito ng buong buo ay nawala ang aking pagnanasang pumasok sa Islam dahil may mga Quranic verses pa ito at noong ipinakita ko sa mga brothers na nagcoconvince sa aking magmuslim ay wala din silang maisagot.

After 2 weeks, binalikan ako ng isang brother at sabi niya: “Bro halika” at pinabasa niya sa akin ang iniwan kong babasahin sa kanila for them to research at siya ay naglabas ng kopya ng Quran na may English translation at sabi niya “ito bro basahin mo itong nakasulat sa babasahin na ibinigay ng pastor mo sa’yo at itong nakasulat sa Quran.” At noong nabasa ko ako ay napamura sa aking sarili dahil hindi tama ang pagkakatranslate nila ng Quranic verse na ito at iyong future tense ay ginawang past tense… kung baga ang “is” ay ginawang “was” at dito sinasabi nilang si Hesus ay namatay whereas sa Quran ay hindi… kung baga isang lantarang panloloko ang ginawa nila para lang mapaniwala ang tao na tama ang kanilang sinasabi at dito bumalik ulit ang aking kagustuhan na yakapin ang Islam. Sayang nga lang at di namin napa xerox ang ibinigay sa akin ng pastor ko at nawala na rin ito pero “wallahi” I swear by Allah maihaharap ko sa inyo ang mga taong nakabasa nito at mga brothers na nagtiyaga para iresearch kung saan ito may mali. Kaso lang may isa pang pumipigil sa akin at ito ay ang aking takot, takot sa aking asawa, sa aking pamilya at mga kaibigan dahil ni isang muslim wala akong kakilala sa aming nayon, sa aming angkan at mga kapamilya.

Pagkatapos ng ilang araw, tinanong ulit ako ng brother, “bro kailan ka magmuslim?” sabi ko bro natatakot ako dahil malaking gulo ito sa aking pamilya, sa aking asawa lalo na, pero noong sinabi niya ang mga salitang ito “ bro, sa tingin mo ba maliligtas ka ng pamilya mo or asawa mo pag namatay ka ngayon at alam mo na ang katotohanan pero di mo pa tinanggap?” Doon ako nakapag-isip at sabi ko “hindi” at later on sa aming ta’alim (Pag-aaral ng quran studies at Q&A) ay tinanong ako ulit at di na ako nagdalawang isip pa para magshahada (declaration of faith/ sumaksi na walang ibang dapat sambahin maliban sa Allah) dahil para sa akin wala na akong mukhang ihaharap pa sa Poong Maykapal (ang Maylikha ng langit at lupa) kung hindi ko pa tatanggapin ang ISLAM (pagsunod, pagsuko, pagtalima sa kalooban ng Diyos) dahil pinag-aralan ko ito. Kumbaga that time kasi kinocompare ko ang Islam sa tao hindi sa katuruan at ngayon ikinompare ko sa katuruan, ay wala na akong maikakatwiran sa Allah (swt) kung bakit di ko pa ito tinanggap.

Alhamdulillah noong sinabi ko ang aking SHAHADA (my covenant to God/declaration of faith) na ako ay “Sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at si Mohammad (sknp) ay huling sugo at propreta ng Allah at si Hesus (sknp) ay propeta ng Allah” ay tumulo ang aking luha at ako ay nakaramdam ng lightness sa aking puso. That feeling that you can never feel if you have not gone through this same process and Alhamdulillah ako ay taos pusong nagpapasalamat sa Allah swt for guiding me to Islam and I consider this as the GREATEST decision I have ever made in my life and never regretted it but loving it every moment that I live. The more na dumarami ang aking kaalaman sa Islam, the more that I am willing to sacrifice and die for Islam.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu