Marami sa mga tao ang nais makasaksi ng isang dakilang himala. Ang iba sa kanila ay dumadayo pa sa iba’t ibang lugar at naglulustay ng salapi. Nang dahil sa pagnanais na ito, marami sa kanila ang napapaniwala sa mga negosyong panlilinlang, nalilinlang sila at naliligaw ng landas.
Kung nais mong makasaksi ng isang himala, hindi mokailangang mangibang bansa, maglustay ng salapi o magpaloko sa mga panlilinlang ng ibang tao. BAKIT HINDI KA TUMINGIN SA IYONG SARILI? Hindi pa ba sapat na himala para sa iyo na ika’y nakakakita, nakakarinig, nakakaramdam, nakakaamoy, nakakalasa, nakakapagsalita, nakakabasa, nakakapag-isip, nakakangiti at nakakasimangot, humihinga, tumitibok ang puso, nakakatulog at nagigising? Hindi pa ba sapat na himala para sa iyo na ika’y nilikha sa pinakamahusay na anyo bilang isang tao? Anong hayop sa mundo ang hihigit sa iyong likas na pagkakalikha? Hindi pa ba sapat na himala para sa iyo na ika’y buhay pa sa kabila ng maraming araw at gabing lumipas? Hindi pa ba sapat na himala para sa iyo ang mga biyaya na iyong tinatamasa?
Ang sabi ni Allah:
وَاللَّه٠أَخْرَجَكÙمْ Ù…Ùنْ بÙØ·Ùون٠أÙمَّهَاتÙÙƒÙمْ لَا تَعْلَمÙونَ شَيْئًا وَجَعَلَ Ù„ÙŽÙƒÙم٠السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَÙْئÙدَةَ لَعَلَّكÙمْ تَشْكÙرÙونَ
Si Allah ang Siyang nagpaluwal sa inyo mula sa mga sinapupunan ng inyong mga ina na wala kayong nalalaman na anumang bagay, at pagkatapos ay pinagkalooban Niya kayo ng pandinig, paningin at mga puso upang kayo ay maging mapagpasalamat (sa Kanya sa mga biyayang ito at Siya lamang ang inyong bukod-tanging sasambahin). (Qur’an 16:78)
*
Ngunit kung hindi pa rin sapat para sa iyo ang mga biyayang ito, BUKSAN MO ANG QUR’AN, – isang Dakilang Himala mula sa Dakilang Lumikha na walang pag-aalinlangan at walang panlilinlang; basahin ito ng buong-puso at may pang-unawa.
Ang sabi ni Allah:
سَنÙرÙيهÙمْ آيَاتÙنَا ÙÙÙŠ الْآÙَاق٠وَÙÙÙŠ أَنْÙÙسÙÙ‡Ùمْ Øَتَّى يَتَبَيَّنَ Ù„ÙŽÙ‡Ùمْ أَنَّه٠الْØَقّ٠أَوَلَمْ يَكْÙ٠بÙرَبّÙÙƒÙŽ أَنَّه٠عَلَى ÙƒÙلّ٠شَيْء٠شَهÙيدٌ
Walang pag-aalinlangan, ipapakita Namin sa kanila (na mga hindi naniniwala) ang Aming mga Tanda sa mga kalangitan at kalupaan at sa kanila mismong mga sarili hanggang mapatunayan nila mula sa mga tandang ito ang patunay na walang pag-aalinlangang ang Dakilang Qur’an ay katotohanan (na ipinahayag mula kay Allah na Tagapaglikha ng lahat ng nilalang). (Qur’an 41:53)
Ø£ÙŽÙَلَا يَتَدَبَّرÙونَ الْقÙرْآنَ أَمْ عَلَى Ù‚ÙÙ„Ùوب٠أَقْÙَالÙهَا
Hindi ba nila pinag-iisipan (ng mabuti) ang Qur’an o ang kanilang mga puso ay nakasara (na kung kaya hindi nila napagtanto ang mga aral nito)? (Qur’an 47:24)
Ø£ÙŽÙَلَا يَتَدَبَّرÙونَ الْقÙرْآنَ وَلَوْ كَانَ Ù…Ùنْ عÙنْد٠غَيْر٠اللَّه٠لَوَجَدÙوا ÙÙيه٠اخْتÙلَاÙًا ÙƒÙŽØ«Ùيرًا
Hindi ba nila pinag-iisipan (ng mabuti) ang Qur’an na kung ito ay nagmula pa sa iba maliban kay Allah, katiyakan sila ay makakatagpo rito ng maraming pagkakasalungatan. (Qur’an 4:82)
Ù‚Ùلْ لَئÙن٠اجْتَمَعَت٠الْإÙنْس٠وَالْجÙنّ٠عَلَى أَنْ يَأْتÙوا بÙÙ…Ùثْل٠هَذَا الْقÙرْآن٠لَا يَأْتÙونَ بÙÙ…ÙثْلÙه٠وَلَوْ كَانَ بَعْضÙÙ‡Ùمْ Ù„Ùبَعْض٠ظَهÙيرًا
Sabihin mo sa kanila (O Muhammad): “Kahit na magsama-sama pa ang mga tao at ang mga jinn upang gumawa ng katulad nitong Qur’an (na mahimala), hindi nila ito makakayanang gawin kahit na magtulung-tulong pa silang lahat para sa ganitong layunin. (Qur’an 17:88)
لَقَدْ أَنْزَلْنَا Ø¥ÙلَيْكÙمْ ÙƒÙتَابًا ÙÙيه٠ذÙكْرÙÙƒÙمْ Ø£ÙŽÙَلَا تَعْقÙÙ„Ùونَ
Katiyakan, ipinadala Namin sa inyo ang Aklat (Qur’an) na naglalaman ng inyong karangalan (dito sa daigdig at sa kabilang-buhay), hindi ba kayo nakakaunawa? (Qur’an 21:10)
Ø°ÙŽÙ„ÙÙƒÙŽ الْكÙتَاب٠لَا رَيْبَ ÙÙيه٠هÙدًى Ù„ÙلْمÙتَّقÙينَ
Ang Aklat na ito (Qur’an) ay walang pag-aalinlangan (mula kay Allah) na naglalaman ng gabay (patnubay) para sa mga may takot kay Allah. (Qur’an 2:2)
Maniwala sa Nag-iisang Lumikha. Magbalik-loob kay Allah.
**
Mula sa mga notes ni Sheikh Haron Guro