Ang buhay pagkatapos ng kamatayan

In Artikulo

Ang lahat  ng  Propeta  ng  Diyos  ay  nag-anyaya sa kani-kanilang  mamamayan  na   sumamba   lamang  sa   Diyos na tagapaglikha at (nag-aanyaya rin  na) maniwala sa Buhay pagkaraan   ng   Kamatayan.

Higit  na  binigyan-diin   ng   mga Propeta  ang  paniniwala  sa Buhay pagkaraan  ng Kamatayan      kaya naman     ang anumang butil ng pag-aalinlangan   tungkol dito   ay  isang pagpapahiwatig na  ginagawang    walang    kabuluhan     ng  iba Na   walang   kaakibat   na paniniwala   Katotohanan, ang   lahat ng    Propeta  ng  Diyos  ay  matatag at nagkaisang pinanindigan   ang metapisikal  na  katanungan   ng  Buhay Pagkaraan   ng  kamatayan —    na  ang   pagitan   ng  kanilang mga  panahon   ay  mga  libong  taon,   at  ito   ay  isang   matibay na   patunay     na   ang   kanilang   pinagmulan   ng   karunungan tungkol   sa  konsepto  ng  Buhay  Pagkaraan  ng  Kamatayan  na kanilang   ipinahayag at  ipinag-anyaya    ay   magkakatulad   na Banal  na kapahayagan   mula   sa Nag-iisang   Diyos.

Nalaman  din  natin  na  ang mga masidhing  pang-aalipusta mula   sa  kanilang mga  mamamayan  lalo  na  tungkol  sa paksang  nakaugnay  sa Buhay  Pagkaraan  ng  Kamatayan ay  sapagka’t   karamihan  sa  mga tao  ay  nag-aakala   na ito    ay  sadyang  imposibleng   mangyari,   samakatwid   ito ay  itinuturing   bilang   malayo  sa  katotohanan.

Subalit   sa   kabila  ng   pagtatakwil,   ang   mga Propeta ay  nagtagumpay  na maiparating    ito    sa  kani-kanilang matapat  na  tagasunod  at tinanggap  ito  ng  buong  puso. Ang  lahat  ng  mga  Propeta  habang   sila  ay  nanawagan sa  pagsamba  at  paniniwala  sa Dakilang  Lumikha,  itong paniniwala    sa  Buhay    Pagkaraan   ng   Kamatayan   ay siyang  nagbigay  ng  pang-akit sa  moral   at  makatwirang kaisipan     ng     tao.     Halimbawa,     nang       ang     mga sumasamba   sa  mga  idolo  (diyos-diyusan)   ng   Lungsod ng   Makkah   sa Arabia   ay  tumanggi    sa paniniwala   na mayroong  Buhay  Pagkaraan  ng  Kamatayan,  ang  Banal na   Qur’an   ay   nagpahayag   ng   isang   makatuwiran   at matatag   na   patunay   laban   sa   kanilang   nakagisnang maling  paniniwala  o  pamahiin:

At siya (tao)  ay  nagbigay  ng  isang  talinghaga  sa  Amin, (samantalanq)   at  kaniyang   nalimutan   ang  katotohanan ng   kanyang   sariling   pagkakalikha,    (at   siya [tao]   ay) nagsabing:  “sino nga  kaya  ang  makapagbibigay muli ng  buhay   sa   mga   buto [mga   kalansay]  na ito pagkaraang  ito  ay  mabulok  at  maging  alabok?”

lpinahayag  (o  sabihin):   Siya    na    magbibigay  (muli   ng)  buhay sa    mga    ito   ay    Siyang    lumikha    sa    kanila   noong    una  pa, sapagka’t  Siya   ang    nakababatid  ng  bawat   nilikha!   Na   siyang naggawad sa  inyo  ng  apoy  (na  inyong  ginagamit sa  panggatong) mula    sa   sariwang   punong   kahoy    ay   nakapagpaningas    dito. Hindi   ba  siya  na  lumikha  ng  mga   kalangitan   at  kalupaan  ay may   kakayahang   lumikha   ng katulad  ng mga  ito?   Tunay   nga, at  siya     ay   sadyang   Dakilang   Tagapaglikha,   ang     ganap    na Maalam. (Qur’an  36:78-81)

At  sa isa  pang  pagkakataon,  maliwanag na  ipinahayag  ng  banal na  Qur’an  na  ang mga taong  walang paniniwala  o pananalig  sa Diyos     ay   walang   matatag   na   batayan   tungkol   sa   kanilang pagtatakwil sa pagkakaroon  ng  Buhay  Pagkaraan ng  Kamatayan. Ang  kanilang  paniniwala   ay  pawang  haka-haka   lamang.

“At   sila  ay  nangagsabi,  wala    ng  iba  (pang   buhay  pagkaraan ng  kamatayan)    maliban  sa  aming   kasalukuyang  buhay;   kami ay   nabubuhay,   at  kami    ay   mamamatay,   at   wala   ng   iba  pa maliban   sa   ang    panahon   ang    siyang    magbibigay   wakas  (sa buhay)  sa  amin.”   Hinggil   dito,   sila   ay  walang  kaalaman; sila ay  nagbigay  ng  haka-haka  lamang.”   (Qur’an 45:24)

Katiyakan ang Dakila at Makapangyarihang Diyos ay ibabangong  muli    ang  lahat  ng mga  patay.  Ngunit, ang Makapangyarihang  Diyos  ay may sariling  layun  para   sa lahat  ng kanyang  nilikha.    May  isang   natatanging  Araw  na   darating   na kapag ang boung  santinakpan  ay mawawasak ( at  magwawakas) at ang mga nangamatay ay muling bubuhayin  upang  humarap  sa Makapangyarihang  Diyos.   lyon  ang Araw ng  magiging simula ng buhay   na  walang   katapusan, at  iyon   ang Araw  na  ang    bawat tao   ay   gagantimpalaan    ng   Makapangyarihang   Diyos   ayon  sa kanyang mga mabubuti  o masasamang gawa.

Ang    paliwanag   na  ibinigay   ( o  ipinag-anyaya)   ng  Banal  na Qur’an        tungkol    sa    kahalagahan,       pangangailangan     at pagkakaroon  ng  buhay  Pagkaraan  ng   Kamatayan   ay  siyang likas    na   hinahanap    ng   moral   na   kaisipan   ng   tao.   Kung walang    Buhay   pagkaraan  ng  Kamatayan,    ang    paniniwala na       mayroong      nag-iisang    Makapangyarihang    Diyos    ay walang      kahalagahan      at     maging     ang     paniniwala      sa Makapangyarihang   Diyos  ay   hindi  makatarungan  at  tila  Siya ay  kakaibang   Diyos  na  nilikha  ang  tao   na  walang  hangarin sa   kahihinatnan    nito.     Subalit,     katiyakan,     ang   Dakila   at Makapangyarihang  Diyos ay ganap na Makatarungan. Parurusahan  niya   ang  taong  kriminal   na  nagkasala   ng  mga di mabilang na kasamaan, pumatay,  naghasik ng  mga katampalasanan,     kapalaluan,      at    katiwalian    sa    lipunan, umalipin   ng   maraming   tao   upang   malasap     lamang   ang pansariling  pagnanasa.  At   dahil   sa pagkakaroon  ng  maikling panahon  ng buhay  ng tao  sa mundong  ito  ay  may hangganan (at  maglalaho)  ang  parusa  o gantimpala  ng tao  na katumbas ng  kanyang  kasamaan   o  kabutihan   ay  hindi  posible  dito  sa mundong   ito.  Ang Banal  na  Qur’an ay nagpahayag  na ang Araw ng Paghuhukom ay sadyang darating at ang Makapangyarihang     Diyos     ay     magpapasiya     tungkol     sa kahihinatnan   ng  bawat  kaluluwa  ayon  sa  kanyang  talaan  ng mga  gawa:

 

At sila  na  walang  paniniwala   ay  nangagsabi: Ang   oras  ay hindi darating  sa  amin.  Sabihin: Hindi!  Sa pamamagitan  ng (kapangyarihan    ng)   aking   Panginoon,    ito   ay  darating   sa inyo  nang may  katiyakan.   (Siya)  ang  nakababatid  ng  hindi nakikitang  bagay.    Walang   isang   butil   na   bigat   ng   isang bagay   o  magaan   o  higit  pa   sa  kaysa    rito  ang   maaring makaligtaan  niya  sa  Kalangitan  o sa Kalupaan,   maliban  na ito   ay  nakalimbag  sa   maliwanag   na   talaan.     Na  kanyang gagantimpalaan  yaong  mga  may  mabubuting  gawa. Sa  kanila ay  kapatawaran   at  isang  masaganang   kabuhayan.   ” Ngunit sila   na    nagsikhay    laban    sa   aming    mga    kapahayagan, hinahamon  (kami),   sa  kanila   ay  isang  mahapding  parusa “. (Quran 34:35)

 

Ang  Araw  ng  Pagkabuhay Muli ay isang  ltinakdang  Araw na  ang  katangian  ng  Makapangyarihang  Diyos  bilang Makatarungan  at Mahabagin ay ganap na matutunghayan. lpagkakaloob  niya  ang  kaniyang Awa  sa mga taong  nakaranas ng  kahirapan   ng  dahil  sa  pagsunod  nila   sa  Kanyang  Landas na umaasa na ang walang hanggang pagpapala ay kanilang matatamo.   Ngunit  yaong  mga  taong  inabuso  ang  biyaya  ng Diyos, (nalugmok  sa  mga  kasalanan  at  kasamaan)  na  walang malasakit  para  sa  buhay  na  walang  hanggan,  sila  ay masasadlak   sa   kasaki-sakit   na   kalagayan,   Bilang paghahalintulad  sa kanila,   ang  Banal  na  Qur’an  ay  nagsabi:

 

“Ang   isa   bang   pinangakuan   Namin    ng   isang   mabuting pangako   na   ang  katuparan  nito  ay kanyang  kakaharapin   ay katulad  ng isa na binigyan  ng magandang  biyaya sa mundong ito   at  pagkaraan   sa  Araw   ng   Pagkabuhay   Muli,   siya   ay nabibilang  sa  mga  ihaharap  ( sa Impyerno)?” (Quran  28:61)

 

Ang paniniwala   (at  pananalig)   sa   Buhay  pagkaraan   ng Kamatayan  ay hindi  lamang  nagbibigay  katiyakan  ng  tagumpay sa   kabilang   buhay   kundi   isinasaayos   nito   ang    buhay   sa mundong  ito  nang  may  ganap  na  kapayapean’ at  kaligayahan sa   pamamagitan   ng   pagiging   responsable   ng   bawat  tao  at maging  matapat  at  masunurin  sa  kanilang  mga  Gawain.

 

Alalahanin  natin  ang  mga tao  sa Arabia  noong  mga  nagdaang panahon. Sugal, alak, awayan ng ibat-ibang tribo o angkan, pagnanakaw  at  pagpatay,  ang  kanilang  pangunahing  katangian nang panahong wala silang paniniwala sa buhay pagkaraan ng kamatayan. Subalit, nang tanggapin nila ang paniniwala sa buhay pagkaraan ng kamatayan sila ay nagging mabubuti at disiplinadong mamamayan ng boung  mundo.  Tinalikdan nila  ang masasamang bisyo  at gawain,  nagtulungan sila  sa mga oras ng pangangailangan,  at inayos ang kanilang mga hidwaan batay sa batas  ng  Katarungan  at pagkakapantay-pantay.  Ang  pagtakwil  o kawalan  ng  paniniwala sa  Buhay  Pagkaraan  ng  Kamatayan  ay nagkakaroon  ng  masamang  bunga  hindi  lamang  sa  kabilang buhay kundi  maging sa mundong ito.  Kung ang kabuuang bansa ay  nagtakwil  o  pinabulaanan  ang paniniwalang  ito,   lahat  ng  uri ng  kasamaan  at  katiwalian  ay  magiging   laganap  sa lipunan  at sa kalaunan,  ito ay mawawasak.  Binannggit  ng Banal  na Qur;an ang  kakila-kilabot  na  wakas  ng  mamamayan  ng  ‘Aad,   Thamud at  Paraon (Fir’awn)   sa  isang  masusing  pagkakasalaysay  nito upang   maging   aral   at   babala   sa sangkatauhan   na   walang pagpapahalaga tungkol  sa Kabilang  Buhay:

 

 

“Ang  (Tribu  ng)  Thamud  at  ang (mamamayan  ng) ‘Aad  ay nagtakwil  sa  (katotohanan ng) Qariah  (ang  nakatutulig  na  Oras  ng paghuhukom). At ang ( tungkol sa  kasaysayan ng Tribu ng Thamud, sila ay pinuksa ng isang Taghiyah (kakila-kilabot at malagim na Panaghoy)!   At  ang  tungkol  sa   kasaysayan  ng  mamamayan  ng )

‘Aad;   sila ay pinuksa  ng isang Sarsar Atiyah matinding pangangalit

[  na  ihip]  ng  hangin!  Na  ipinataw  sa  kanila  (ng Allah)  ng  pitong gabi  at  walong  araw  na  Husum  (magkakasunod-sunod),    kaya’t, iyong  masilayan  ang  mga  taong  nilugmok  na  tila  mga  puno  ng datiles  na kwawiyah (sinalanta at nakahandusay)! Mayroon ka bang nakikita (o Muhammad) sa mga labi (bakas ng kasaysayan) nila? At si  Fir’awn ( paraon), at yaong (lahing) nauna sa kanya, at ang mga lungsod na winasak ( ang mga bayan  ng mga mamamayan  ni Lot) ay gumawa  ng malaking  kasalanan.  At  kanilang  nilabag ang  Sugo ng kanilang Panginoon, kaya sila ay sinakmal ng isang Rabiyah (matinding kaparusahan)!  Katotohanan, nang  ang  tubig ay umapaw (higit)  sa  hangganan nito,  (ito  ang  malaking  baha  o  delubyo  ni Noah),   kayo  ay  aming  dinala  ( o  sangkatauhan)   sa  naglalayag    ( na  sasakyang-dagat  na  ginawa  ni  Noah).  Na  aming  itinakda  ito upang   sakali,   ito   ay   magsilbing   alaala   sa   inyo,   at   ang   mga matatalas  na mga  tainga  ( ng tao)  ay makarinig at makaunawa.”

(Quran  69:4-12)

Samakatuwid,  mayroong  mga  patunay  na  mga  dahilan upang maniwala  sa  Buhay  Pagkaraan  ng  Kamatayan ..

Una, lahat ng  mga  Propeta ng  Dakila  at makapangyarihang Diyos  ay  nanawagan   sa  kani-kanilang  mga  mamamayan   na manalig at maniwala  sa  konseptong   ito.

Ikalawa,  ang   alinmang  lipunan   ng   tao  na nananalig  sa paniniwalang   ito   ay   nagiging    huwaran   ng     mapayapang lipunan,   malaya  sa  mga  imoral at  panglipunang kasamaan  at mga  sakit.

Ikatlo, ang kasaysayan ay  sumasaksi na kapag  ang paniniwalang ito  ay  tinalikdan o itinakwil ng  lahat  ng  pangkat ng  tao  o   mamamayan  sa  kabila   ng  paulit-ulit na  paalala  ng Propeta,   ang   mga   pangkat   bilang   pangkalahatang  lipon   ng tao   ay   pinarurusahan  ng   makapangyarihang  Diyos    maging dito   pa  sa  mundo.

Ika-apat,  ang  moral   o  dangal,  ang  diwa   at  makatuwirang kaisipan  ng  tao  ay  (likas na)  nagpapatunay  ng  pagkakaroon ng  Buhay  Pagkaraan  ng  Kamatayan.

Ikalima, ang  Ganap   na  katarungan  at  Habag  bilang   mga katangian  ng  Makapangyarihan  Diyos   ay   walang   kahulugan, walang   kabuluhan  at   walang   katuturan  kung   walang    Buhay Pagkaraan  ng  Kamatayan.

Sadyang  napakahalaga  para  sa isang  tao  ang  magkaroon ng  lubos  na  paniniwala sa  Buhay  pagkaraan  ng  Kamatayan, sapagkat ito ay paraan ng paghahanda upang harapin ang kamatayan  nang  buong  puso.

Bawat  nilikhang may  buhay  ay  makararanas  ng  kamatayan. Ito  ay  dumarating  sa  sinuman sa isang  panahon  na  walang nakababatid maliban sa Dakilang Tagapaglikha.  Kaya  naman, higit  na   maka-buluhan  kung   ang   isang  tao   ay   lagi   nang gumagawa  ng  lahat  ng  kabutihan at  tuwina  ay  humihingi ng kapatawaran.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu