Ang al-qahwa o kape

In Trivia

Ang naging dahilan kung bakit nadiskubre na ang kape ay pweding gawing inumin ay ang mga kambing at ang naka diskubre nito ay isang Muslim na nakilala sa pangalan na Khalid, the goat herder (tinawag siyang Kaldi ng mga taga west) Habang ang kanyang mga kambing ay pinapastol sa libis ng Ethiopia, napuna niyang sila ay nagiging masigla pagkatapos kumain ng isang partikular na “berry”. Kaya sinubukan niya itong kainin pero matigas ito kaya kanya itong niluto at pinakuluan at ito ang siyang pinagmumulan ng Al-Qahwa.

Dinala ito ni Khalid at ipinakilala sa mga Muslim na nakapagbibigay ang inuming ito ng kakaibang sigla sa katawan, kaya uminom sila nito upang sila ay manatiling gising sa mga pagdarasal sa gabi. Mabilis na nakilala ang kape at marami ang nagpatayo ng mga kapehan kung saan ang sila ay nagpapalipas ng kanilang mga oras, nag uusap habang umiinom nito.

Isang mangangalakal na mula sa Turkey, si Pascua Rosee ang siyang pinakaunang nagdala ng kape sa Englatera noong 1650, at kanya itong benenta sa lugar na nakilalang Coffeehouse sa George-yard, Lombard street, London. Ang pag inom ng kape sa Europa ay ayon sa kung papaano ito hinahanda ng mga Muslim sa kanilang tradisyon at pamamaraan.

Ngunit, hindi ganon kadaling tinanggap ang kape sa Europe. Nung marinig ng mga tao doon ang mga usap-usapan patungkol sa isang itim na inumin na nakapagbibigay ng liksi sa katawan, sila ay nagkaroon ng pagdududa at takot, at tinawag pa itong “bitter invention of Satan”. kinondina ng pamahalaan ng Venice ang pag-inom nito noong 1615. Dahil sa malubhang sitwasyon ay ipinarating nila ito sa kasalukuyang Santo Papa na si Clement VIII, at bago siya nagbigay ng desisyon ay tinikman niya muna ito. Nagustohan niya ang lasa nito at binigyan niya sa wakas ng papal approval.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu