Hindi ang ama o kaya sino pa maliban sa ama ang maaring pumilit sa isang babae na nasa ilalim ng kanyang pag-iingat na pakasalan ang isang lalaki na ayaw niyang maging asawa. Sa katunayan, ang kanyang pagsang-ayon (ng babae) ay kailangan. Ang Mensahero ni Allah (ang kapayapaan ay sumakanya nawa) ay nagsabi,
“Ang hindi na birhen [na walang asawa] ay hindi ipapakasal hanggat sa siya ay sinangguni. Ang isang birhen ay hindi ipapakasal hanggat ang kanyang pahintulot ay natamo.” Sila ay nagsabi, “Oh Mensahero ni Allah (sumakanya nawa ang kapayapaan) papaano matatamo ang kanyang pahintulot?” Siya ay nagsabi, “Sa pamamagitan ng kanyang pananahimik.” Ang ibang salaysay ay nagsabi, “Ang kanyang pananahimik ay ang kanyang pahintulot.” At ang pangatlong salaysay ay nagsabi, “Ang ama ng isang birhen ay hihingi ng kanyang pahintulot at ang kanyang pahintulot ay ang kanyang pananahimik.”
Ang ama ay dapat na hingin ang pahintulot kung siya ay siyam na taong gulang o pataas. Gayundin, ang kanyang ibang tagapangalaga ay hindi maaring ipakasal siya maliban sa kanyang pahintulot. Ito ay obligado para sa kanilang lahat. Kung ang isa ay ikinasal na wala ang kanyang pahintulot, kung gayun ang kasal ay hindi tanggap. Ito ay dahil ang isa sa mga kondisyon ng kasal ay ang dalawang magkabiyak ay tumanggap sa kasal. Kung siya ay ikinasal na wala ang kanyang pahintulot, sa pamamagitan ng pananakot o pamimilit, kung gayun ang kasal ay hindi tanggap. Ang tanging kataliwasan lamang ay sa kalagayan ng ama at ng kanyang anak na kulang sa siyam na taong gulang. Walang masama kung kanya siyang pinakasal habang siya ay kulang sa siyam na taong gulang, ayon sa tamang opinyon. Ito ay base sa pagpapakasal ng Mensahero ni Allah kay Aisha na wala ang kanyang pahintulot nung siya ay kulang sa siyam na taong gulang, gaya ng nakasaad sa mga mapapanaligang hadith. Gayunman, kung siya ay siyam na taong gulang o higit pa, hindi siya maaring ipakasal, kahit pa ng kanyang ama, maliban sa kanyang pahintulot. Ang asawang lalaki ay hindi maaring lumapit sa babae kung alam niyang hindi niya (ng babae) siya gusto (ang lalaki), kahit pa ang ama ay nagpahintulot nito. Dapat siyang matakot kay Allah at huwag lumapit sa sinomang asawa na ayaw sa kanya kahit pa ang kanyang ama ay nagpahayag na hindi niya siya (ang babae) pinilit. Dapat niyang layuan ang mga ipinagbawal sa kanya ni Allah. Ito ay dahil ang Mensahero ni Allah (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagutos na ang kanyang pahintulot ay dapat hingin. Amin ding pinapayuhan ang babae na matakot kay Allah at tanggapin ang lalaki kung nakita ng kanyang ama na siya ay karapat-dapat sa kanya, hanggat sa ang kanyang mapapangasawa ay mabuti sa kanyang relihiyon at katangian. Ito ay totoo din kahit pa ang isang nagsagawa ng pagpapakasal ay hindi ang ama ng babae [ngunit ang kanyang legal na tagapangalaga]. Ginawa namin ang payong ito dahil mayroong maraming kabutihan at maraming benepisyo sa kasal. At, maraming mga panganib sa pamumuhay bilang dalaga. Ako ay nagbibigay payo sa inyong lahat na mga dalaga na tanggapin ang sinomang lalaking naghahangad sa inyo kung sila ay kaaya-aya. Hindi nila marapat na gamitin ang pag-aaral, pagtuturo o iba pang kadahilanan upang makaiwas sa kasal.
Shaikh ibn Baz
——————————————————————————–
Footnote
1. Ang mga salaysay na ito ay naitala ni al-Bukhari, Muslim at iba pa.