May makikita ba tayong paliwanag sa kahanga-hangang sandaigdigan? Mayroon bang kapani paniwalang kahulugan ang lihim ng buhay? Batid ba natin na walang pamilya na mahusay ang pamumuhay kung walang responsableng pinuno; walang lungsod na mananatiling maunlad kung walang matatag na pamamahala; walang bansang mamamalagi kung walang pamunuan. Batid din natin na walang bagay na nabubuhay ng sarili nito lamang. Alam din natin na ang sandaigdigan ay nananatili at gumagalaw sa pinakamaayos na paraan, at ito’y patuloy na namamalagi nang napakahabang panahon. Masasabi ba natin na ang lahat ng ito ay hindi sinasadya? Maidadahilan ba natin na ang pananatili ng tao at ng buong sandaigdigan ay nagkataon lamang?
Ang tao ay maliit na bahagi lamang sa kabuuan ng sandaigdigan. Kung ang tao ay nagpaplano at kanyang pinahahalagahan ang kabutihan ng pagpaplano, samakatuwid, ang sarili niyang buhay at pamamalagi ay batay din sa nakaplanong patakaran. Ito ay nangangahulugan na may isang Kalooban na nagpaplano sa ating pananatili, at may isang Pambihirang Kapangyarihan na lumikha ng mga bagay at pinamamalagi silang kumikilos ng mahusay.
Dito sa daigdig, tiyak na may isang Kahanga-hanggang Lakas na kumikilos upang mapanatiling maayos ang lahat ng bagay. Sa kagandahan ng kalikasan, tiyak na may isang Dakilang Lumikha na lumalalang sa pinakamagandang sining at tumutustos sa lahat ng bagay na may natatanging layunin sa buhay.
Ang mga taong taos-pusong naka-uunawa ay kumikilala sa Lumikhang ito at tinatawag Siyang Allah (Diyos). Hindi Sya tao sapagkat ang tao ay hindi kayang makalikha ng ibang tao. Hindi Sya idolo, ni hindi Sya istatwa sapagka’t isa man sa mga ito ay hindi malilikha ang sarili o ang ano pa man. Siya ay iba sa lahat ng mga ito. Siya ang Lumikha at tagapanustos sa lahat ng mga ito. Ang lumikha ng anumang bagay ay tiyak na kakaiba at nakahihigit sa mga bagay na kanyang nilikha.
Maraming paraan upang makilala natin ang Allah (Diyos), at maraming bagay na masasabi tungkol sa kanya. Ang mga kahanga-hanga at kagila gilalas na bagay sa mundo ay tulad ng bukas na aklat na kung saan mabababasa ang tungkol sa Allah. Bukod dito, ang Allah ang tumutulong sa atin na makilala Sya sa pamamagitan ng maraming Propeta at mga Pahayag na kanyang ipinadala sa tao. Ang mga Propeta at mga Pahayag na kanyang ipinadala sa tao. Ang mga Propeta at pahayag na ito ay nagtuturo ng lahat na dapat nating malaman tungkol sa kanya.
Ang lubusang pagtanggap sa mga aral at patnubay ng Allah na ipinahayag kay Propeta Muhammad (saws) ay siyang kabuuan ng relihiyong Islam. Sa Islam, ipinag uutos ang paniniwala sa kaisahan at kapangyarihan ng Allah na nagbibigay sa tao ng kaalaman sa kahulugan ng sandaigdigan at sa kanyang bahagi dito. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay sa kanya ng laya sa lahat ng pangamba at pamahiin sa pamamagitan ng laging paggunita sa Makapang yarihang Allah at ang tungkulin ng mga tao sa kanya. Ang pananampalatayang ito ay dapat na ipakita at isagawa. Ang paniniwala ay hindi sapat. Ang paniniwala sa isang Diyos (Allah) ay nangangailangan ng pagtanaw sa sangkatauhan bilang isang pamilya sa ilalim ng kapangyarihan ng Allah, ang Lumikha at Tagapanustos ng lahat. Labis na tinatanggihan ng Islam ang kuro-kuro na may natatanging tao, Ang paniniwal sa Allah at paggawa ng mabuti ang tanging landas patungo sa langit. Kaya ang tuwirang pakikipag-ugnayan sa Allah ay naisasagawa na hindi na kailangan pa ang tagapamagitan.
Ang islam ay hindi bagong relihiyon. Ito rin ang mensahe at patnubay na ipinahayag ng Allah sa lahat ng mga Propeta. Ang ilan sa kanila ay sina Adam, Noah, Abraham, Ismail, David, Moses at Hesus (as). Ngunit ang mensahe na ipinahayag kay Propeta kay Muhammad ay Islam sa malawak , ganap at pangwakas na anyo. Ang Qur’an ang huling pahayag ng Allah at ito ang saligang pinagkukunan ng aral at batas lslamiko. Ang Qur’an ay nagbibigay ng batayan sa lahat ng bagay: pananampalataya, kagan-dahang-asal, kasaysayan ng sangkatauhan, pagsamba, kaalaman, karunungan, ugnayan ng tao at Diyos, at ugnayang pangkapwa-tao. Sa malawakang pagtuturo nito ay naitatayo ang matatag na paraan sa panlipunang katarungan, karununungang pangkabuhayan, pama-halaan, batasan, hurisprudensya, at batas sa pakikipag ugnayang pandaigdigan. Ang “Hadith” ay nagpapaliwanag at nagbibigay ng detalye sa mga talata ng Banal na Qur’an.
Mga Pangunahing Paniniwala Sa Islam
Ang tunay at matapat na muslim ay naniniwala sa mga sumusunod na pangunahing saligan ng pananampalataya.
- Siya ay naniniwala sa iisang Diyos (Allah), ang kataas• taasan at Walang Haanggan, Ang Makapangyarihan, Mahabagin, At Madamayin, ang Lumilikha at Tagapanustos.
- Siya naniniwala sa lahat ng Propeta ng Allah nang walang pagtatangi-tangi. Bawat lahi ay nagkaroon ng Tagapagbabala o Propeta mula sa Diyos. Sila ay pinili ng Allah upang turuan ang sangkatauhan at upang ipahayag ang Banal na mensahe. Ang banal na Qur’an ay nag sasaad ng mga pangalan ng dalawampu’t limang Si Propeta Muhammad (saws) ang panghuling Propeta.
- Ang Muslim ay naniniwala sa mga kasulatan at pahayag ng Allah. Ito ang mga patnubay na tinanggap ng mga Propeta upang ipakita sa sangkatauhan ang tamang landas tungo sa Allah. Ang banal na Qur’an ay may natatanging pagbanggit sa mga kasulatan nina Abraham, Moses, David, Hesus (as). Bago ipinahayag kay Propeta Muhammad (saws) ang Banal na Qur’an, marami sa mga naunang kasulatan at Pahayag ang nangawala na o binago ng Ang tanging tunay at buong mensahe ng Allah na nanatili ngayon ay ang Banal na Qur’an.
- Ang Muslim ay naniniwal sa mga Anghel ng Allah. Sila ay mga ispirituwal at mga kahanga-hangang nilikha na likas na hindi nangangailangan ng pagkain, inumin, o tulog. lniuukol nila ang kanilang panahon sa pagsamba sa Allah. Sila ay mga mararangal na tagapag lingkod na may kanya-kanyang tungkulin. Sila ay nangungusap lamang pagkatapos magsalita ng Allah, at kumikilos lamang bilang tanging pagsunod sa kanyang iniuutos.
- Ang Muslim ay naniniwala sa araw ng Darating ang araw na ang mundong ito ay magwawakas. Ang mga patay ay ibabangon upang humarap sa makatarungang paglilitis. Ang mga taong may magagandang talaan ay mabibigyan ng masaganang gantimpala at sila’y sasalubungin sa Kalangitan ng Allah. At ang mga taong may masasamang talaan ay mapaparusahan at itatapon sa impyerno.
- Ang Muslim ay naniniwala sa Tadhana mabuti man o masama Ang Allah ay nagbibigay sukat at pasiya sa tadhana ng lahat na nilikha ayon sa kanyang kaalaman at sa kanyang walang hanggang karunungan. Ang Muslim ay naniniwala sa kapangyarihan ng Allah na magplano at isagawa ang Kanyang nais. Ang kanyang Kaalaman at kapangyaaarihan ay nananatiling umiiral sa lahat ng kanyang nilikha sa lahat ng sandali. Siya ay maalam at maawain, at ano man ang kanyang naisin ay may makahulugang layunin. Kung ito ay mailagay sa ating mga isip at puso, tatanggapin natin nang buong pananampalataya ang lahat ng kanyang loobin kahit ito ay hindi natin maunawaan nang ganap.
Ang Limang Haligi Ng Islam
Sa Islam, ang pananampalataya na walang pagganap at kulang sa paggawa ay walang buhay. Ang pananampalataya ay likas na sensitibo at maaring maging napakamabisa. Ngunit sa sandaling mawalan ng kaukulang pagganap o hindi nagagampanan, ito ay madaling mawalan ng sigla at kakayahayang mangganyak.
Ang mga sumusunod ay limang haligi ng Islam:
- SHAHADATAIN:
(Ang pagsaksi sa kaisahan ng Allah at pagkapropeta ni Muhammad)
Ang pagsumpa na walang dapat sambahin maliban sa Allah, At si Propeta Muhammad (saws) ay kanyang Propeta sa lahat ng sangkatauhan hanggang sa araw ng Paghuhukom. Ang pagkapropeta ni Muhammad ay nagbibigay tungkulin sa lahat ng muslim na sundin ang kanyang ulirang pamumuhay bilang huwaran.
- salah:
(Ang Pagdarasal)
Ang pagdarasal ay isinasagawa limang ulit sa isang araw bilang tungkulin sa Allah. Pinatitibay nito ang pananampalataya sa Allah at nagbibigay ito ng inspirasyon upang magkaroon ng mataas na moralidad. Pinadadalisay nito ang puso at iniiwas ang tao sa tukso ng kasamaan. Ang mga Salah at mga takdang oras ng mga ito:
::: Salatul Fajr ::: (pagdarasal sa madaling araw)
::: Salatul Duhr ::: (pagdarasal sa tanghali)
::: Salatul Asr ::: (pagdarasal sa hapon)
::: Salatul Magrib ::: (pagdarasal sa takipsilim)
::: Salatul lsha ::: (pagdarasal sa gabi)
- Zakah
(Ang nagpapadalisay na limos)
Ang literal na kahulugan ng Zakah ay kadalisyan. Ang teknikong kahulugan nito ay ang paglalaan ng taunang halaga sa ano mang uri ng kayamanan upang ipamigay sa mga nararapat makinabang. Ngunit ang pangrelihiyon at ispirituwal na kahulugan ng Zakah ay higit na malalim at masigla. Ito ay makatao at may panlipunang kahalagahan.
- sawm:
(Ang Pag-aayuno)
Sa buwan ng Ramadan, Simula sa bukang liwayway hanggang sa takipsilim, ang mga muslim ay umiiwas sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa. Gayon din sila ay pangkaraniwan nang umiiwas sa mga masasamang layunin at pagnanasa sa lahat ng buwan ng taon lalung-lalo na sa buwan ng Ramadan. Ito ay nagtuturo ng pagmamahal, pagkamatapat at pagsamba. Nagdudulot ito ng matatag na pagmamahal sa kapwa, pagkamatiisin, pagkamatulungin at katatagan ng loob.
- Hajj:
(Ang Paglalakbay sa Makkah)
Ito ay dapat maisagawa minsan sa tanang buhay ng sinumang Muslim na kayang tustusan ang paglalakbay at nasa mabuting kalusugan. Ito ang pinakamalaking taunang pagtitipon na kung saan ang mga Muslim ay nagkikita-kita upang magkakilala at pag-aralan at itaguyod ang kapakanan ng lahat. Ito ay isang pagpapatunay sa pangkahalatan ng Islam at sa pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay ng mga Muslim.