Ang lahat ng Propeta ng Diyos ay nag-anyaya sa kani-kanilang mamamayan na sumamba lamang sa Diyos na tagapaglikha at (nag-aanyaya rin na) maniwala sa Buhay pagkaraan ng Kamatayan.
Higit na binigyan-diin ng mga Propeta ang paniniwala sa Buhay pagkaraan ng Kamatayan kaya naman ang anumang butil ng pag-aalinlangan tungkol dito ay isang pagpapahiwatig na ginagawang walang kabuluhan ng iba Na walang kaakibat na paniniwala Katotohanan, ang lahat ng Propeta ng Diyos ay matatag at nagkaisang pinanindigan ang metapisikal na katanungan ng Buhay Pagkaraan ng kamatayan — na ang pagitan ng kanilang mga panahon ay mga libong taon, at ito ay isang matibay na patunay na ang kanilang pinagmulan ng karunungan tungkol sa konsepto ng Buhay Pagkaraan ng Kamatayan na kanilang ipinahayag at ipinag-anyaya ay magkakatulad na Banal na kapahayagan mula sa Nag-iisang Diyos.
Nalaman din natin na ang mga masidhing pang-aalipusta mula sa kanilang mga mamamayan lalo na tungkol sa paksang nakaugnay sa Buhay Pagkaraan ng Kamatayan ay sapagka’t karamihan sa mga tao ay nag-aakala na ito ay sadyang imposibleng mangyari, samakatwid ito ay itinuturing bilang malayo sa katotohanan.
Subalit sa kabila ng pagtatakwil, ang mga Propeta ay nagtagumpay na maiparating ito sa kani-kanilang matapat na tagasunod at tinanggap ito ng buong puso. Ang lahat ng mga Propeta habang sila ay nanawagan sa pagsamba at paniniwala sa Dakilang Lumikha, itong paniniwala sa Buhay Pagkaraan ng Kamatayan ay siyang nagbigay ng pang-akit sa moral at makatwirang kaisipan ng tao. Halimbawa, nang ang mga sumasamba sa mga idolo (diyos-diyusan) ng Lungsod ng Makkah sa Arabia ay tumanggi sa paniniwala na mayroong Buhay Pagkaraan ng Kamatayan, ang Banal na Qur’an ay nagpahayag ng isang makatuwiran at matatag na patunay laban sa kanilang nakagisnang maling paniniwala o pamahiin:
At siya (tao) ay nagbigay ng isang talinghaga sa Amin, (samantalanq) at kaniyang nalimutan ang katotohanan ng kanyang sariling pagkakalikha, (at siya [tao] ay) nagsabing: “sino nga kaya ang makapagbibigay muli ng buhay sa mga buto [mga kalansay] na ito pagkaraang ito ay mabulok at maging alabok?”
lpinahayag (o sabihin): Siya na magbibigay (muli ng) buhay sa mga ito ay Siyang lumikha sa kanila noong una pa, sapagka’t Siya ang nakababatid ng bawat nilikha! Na siyang naggawad sa inyo ng apoy (na inyong ginagamit sa panggatong) mula sa sariwang punong kahoy ay nakapagpaningas dito. Hindi ba siya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan ay may kakayahang lumikha ng katulad ng mga ito? Tunay nga, at siya ay sadyang Dakilang Tagapaglikha, ang ganap na Maalam. (Qur’an 36:78-81)
At sa isa pang pagkakataon, maliwanag na ipinahayag ng banal na Qur’an na ang mga taong walang paniniwala o pananalig sa Diyos ay walang matatag na batayan tungkol sa kanilang pagtatakwil sa pagkakaroon ng Buhay Pagkaraan ng Kamatayan. Ang kanilang paniniwala ay pawang haka-haka lamang.
“At sila ay nangagsabi, wala ng iba (pang buhay pagkaraan ng kamatayan) maliban sa aming kasalukuyang buhay; kami ay nabubuhay, at kami ay mamamatay, at wala ng iba pa maliban sa ang panahon ang siyang magbibigay wakas (sa buhay) sa amin.” Hinggil dito, sila ay walang kaalaman; sila ay nagbigay ng haka-haka lamang.” (Qur’an 45:24)
Katiyakan ang Dakila at Makapangyarihang Diyos ay ibabangong muli ang lahat ng mga patay. Ngunit, ang Makapangyarihang Diyos ay may sariling layun para sa lahat ng kanyang nilikha. May isang natatanging Araw na darating na kapag ang boung santinakpan ay mawawasak ( at magwawakas) at ang mga nangamatay ay muling bubuhayin upang humarap sa Makapangyarihang Diyos. lyon ang Araw ng magiging simula ng buhay na walang katapusan, at iyon ang Araw na ang bawat tao ay gagantimpalaan ng Makapangyarihang Diyos ayon sa kanyang mga mabubuti o masasamang gawa.
Ang paliwanag na ibinigay ( o ipinag-anyaya) ng Banal na Qur’an tungkol sa kahalagahan, pangangailangan at pagkakaroon ng buhay Pagkaraan ng Kamatayan ay siyang likas na hinahanap ng moral na kaisipan ng tao. Kung walang Buhay pagkaraan ng Kamatayan, ang paniniwala na mayroong nag-iisang Makapangyarihang Diyos ay walang kahalagahan at maging ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay hindi makatarungan at tila Siya ay kakaibang Diyos na nilikha ang tao na walang hangarin sa kahihinatnan nito. Subalit, katiyakan, ang Dakila at Makapangyarihang Diyos ay ganap na Makatarungan. Parurusahan niya ang taong kriminal na nagkasala ng mga di mabilang na kasamaan, pumatay, naghasik ng mga katampalasanan, kapalaluan, at katiwalian sa lipunan, umalipin ng maraming tao upang malasap lamang ang pansariling pagnanasa. At dahil sa pagkakaroon ng maikling panahon ng buhay ng tao sa mundong ito ay may hangganan (at maglalaho) ang parusa o gantimpala ng tao na katumbas ng kanyang kasamaan o kabutihan ay hindi posible dito sa mundong ito. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag na ang Araw ng Paghuhukom ay sadyang darating at ang Makapangyarihang Diyos ay magpapasiya tungkol sa kahihinatnan ng bawat kaluluwa ayon sa kanyang talaan ng mga gawa:
At sila na walang paniniwala ay nangagsabi: Ang oras ay hindi darating sa amin. Sabihin: Hindi! Sa pamamagitan ng (kapangyarihan ng) aking Panginoon, ito ay darating sa inyo nang may katiyakan. (Siya) ang nakababatid ng hindi nakikitang bagay. Walang isang butil na bigat ng isang bagay o magaan o higit pa sa kaysa rito ang maaring makaligtaan niya sa Kalangitan o sa Kalupaan, maliban na ito ay nakalimbag sa maliwanag na talaan. Na kanyang gagantimpalaan yaong mga may mabubuting gawa. Sa kanila ay kapatawaran at isang masaganang kabuhayan. ” Ngunit sila na nagsikhay laban sa aming mga kapahayagan, hinahamon (kami), sa kanila ay isang mahapding parusa “. (Qur‘an 34:3–5)
Ang Araw ng Pagkabuhay Muli ay isang ltinakdang Araw na ang katangian ng Makapangyarihang Diyos bilang Makatarungan at Mahabagin ay ganap na matutunghayan. lpagkakaloob niya ang kaniyang Awa sa mga taong nakaranas ng kahirapan ng dahil sa pagsunod nila sa Kanyang Landas na umaasa na ang walang hanggang pagpapala ay kanilang matatamo. Ngunit yaong mga taong inabuso ang biyaya ng Diyos, (nalugmok sa mga kasalanan at kasamaan) na walang malasakit para sa buhay na walang hanggan, sila ay masasadlak sa kasaki-sakit na kalagayan, Bilang paghahalintulad sa kanila, ang Banal na Qur’an ay nagsabi:
“Ang isa bang pinangakuan Namin ng isang mabuting pangako na ang katuparan nito ay kanyang kakaharapin ay katulad ng isa na binigyan ng magandang biyaya sa mundong ito at pagkaraan sa Araw ng Pagkabuhay Muli, siya ay nabibilang sa mga ihaharap ( sa Impyerno)?” (Qur‘an 28:61)
Ang paniniwala (at pananalig) sa Buhay pagkaraan ng Kamatayan ay hindi lamang nagbibigay katiyakan ng tagumpay sa kabilang buhay kundi isinasaayos nito ang buhay sa mundong ito nang may ganap na kapayapean’ at kaligayahan sa pamamagitan ng pagiging responsable ng bawat tao at maging matapat at masunurin sa kanilang mga Gawain.
Alalahanin natin ang mga tao sa Arabia noong mga nagdaang panahon. Sugal, alak, awayan ng ibat-ibang tribo o angkan, pagnanakaw at pagpatay, ang kanilang pangunahing katangian nang panahong wala silang paniniwala sa buhay pagkaraan ng kamatayan. Subalit, nang tanggapin nila ang paniniwala sa buhay pagkaraan ng kamatayan sila ay nagging mabubuti at disiplinadong mamamayan ng boung mundo. Tinalikdan nila ang masasamang bisyo at gawain, nagtulungan sila sa mga oras ng pangangailangan, at inayos ang kanilang mga hidwaan batay sa batas ng Katarungan at pagkakapantay-pantay. Ang pagtakwil o kawalan ng paniniwala sa Buhay Pagkaraan ng Kamatayan ay nagkakaroon ng masamang bunga hindi lamang sa kabilang buhay kundi maging sa mundong ito. Kung ang kabuuang bansa ay nagtakwil o pinabulaanan ang paniniwalang ito, lahat ng uri ng kasamaan at katiwalian ay magiging laganap sa lipunan at sa kalaunan, ito ay mawawasak. Binannggit ng Banal na Qur;an ang kakila-kilabot na wakas ng mamamayan ng ‘Aad, Thamud at Paraon (Fir’awn) sa isang masusing pagkakasalaysay nito upang maging aral at babala sa sangkatauhan na walang pagpapahalaga tungkol sa Kabilang Buhay:
“Ang (Tribu ng) Thamud at ang (mamamayan ng) ‘Aad ay nagtakwil sa (katotohanan ng) Qariah (ang nakatutulig na Oras ng paghuhukom). At ang ( tungkol sa kasaysayan ng Tribu ng Thamud, sila ay pinuksa ng isang Taghiyah (kakila-kilabot at malagim na Panaghoy)! At ang tungkol sa kasaysayan ng mamamayan ng )
‘Aad; sila ay pinuksa ng isang Sarsar Atiyah matinding pangangalit
[ na ihip] ng hangin! Na ipinataw sa kanila (ng Allah) ng pitong gabi at walong araw na Husum (magkakasunod-sunod), kaya’t, iyong masilayan ang mga taong nilugmok na tila mga puno ng datiles na kwawiyah (sinalanta at nakahandusay)! Mayroon ka bang nakikita (o Muhammad) sa mga labi (bakas ng kasaysayan) nila? At si Fir’awn ( paraon), at yaong (lahing) nauna sa kanya, at ang mga lungsod na winasak ( ang mga bayan ng mga mamamayan ni Lot) ay gumawa ng malaking kasalanan. At kanilang nilabag ang Sugo ng kanilang Panginoon, kaya sila ay sinakmal ng isang Rabiyah (matinding kaparusahan)! Katotohanan, nang ang tubig ay umapaw (higit) sa hangganan nito, (ito ang malaking baha o delubyo ni Noah), kayo ay aming dinala ( o sangkatauhan) sa naglalayag ( na sasakyang-dagat na ginawa ni Noah). Na aming itinakda ito upang sakali, ito ay magsilbing alaala sa inyo, at ang mga matatalas na mga tainga ( ng tao) ay makarinig at makaunawa.”
(Qur‘an 69:4-12)
Samakatuwid, mayroong mga patunay na mga dahilan upang maniwala sa Buhay Pagkaraan ng Kamatayan ..
Una, lahat ng mga Propeta ng Dakila at makapangyarihang Diyos ay nanawagan sa kani-kanilang mga mamamayan na manalig at maniwala sa konseptong ito.
Ikalawa, ang alinmang lipunan ng tao na nananalig sa paniniwalang ito ay nagiging huwaran ng mapayapang lipunan, malaya sa mga imoral at panglipunang kasamaan at mga sakit.
Ikatlo, ang kasaysayan ay sumasaksi na kapag ang paniniwalang ito ay tinalikdan o itinakwil ng lahat ng pangkat ng tao o mamamayan sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng Propeta, ang mga pangkat bilang pangkalahatang lipon ng tao ay pinarurusahan ng makapangyarihang Diyos maging dito pa sa mundo.
Ika-apat, ang moral o dangal, ang diwa at makatuwirang kaisipan ng tao ay (likas na) nagpapatunay ng pagkakaroon ng Buhay Pagkaraan ng Kamatayan.
Ikalima, ang Ganap na katarungan at Habag bilang mga katangian ng Makapangyarihan Diyos ay walang kahulugan, walang kabuluhan at walang katuturan kung walang Buhay Pagkaraan ng Kamatayan.
Sadyang napakahalaga para sa isang tao ang magkaroon ng lubos na paniniwala sa Buhay pagkaraan ng Kamatayan, sapagkat ito ay paraan ng paghahanda upang harapin ang kamatayan nang buong puso.
Bawat nilikhang may buhay ay makararanas ng kamatayan. Ito ay dumarating sa sinuman sa isang panahon na walang nakababatid maliban sa Dakilang Tagapaglikha. Kaya naman, higit na maka-buluhan kung ang isang tao ay lagi nang gumagawa ng lahat ng kabutihan at tuwina ay humihingi ng kapatawaran.