(1) Ang Maikling Buhay dito sa lupa, at –
(2) Ang Buhay na Walang-Hanggan sa Kabila.
Ang buhay natin dito sa lupa ay sadyang napakaikling panahon kung ating ihahambing sa Kabilang Buhay. Sapagkat ang kasalukuyang buhay na ito ay panandalian lamang, na kung saan, walang sinuman sa atin ang nakababatid kung kailan darating ang kamatayan na siyang magiging hudyat ng panimula ng ating buhay sa Kabila.
Ang buhay na Walang-Hanggan sa kabila ay mayroong dalawang pintuan: Pintuan ng PARAISO at Pintuan ng IMPIYERNO.
Ang tanong: Aling pintuan ba natin nais ipasok ang ating pangalawang buhay?
Anong pagsusumikap at pagpupunyagi ba ang ginawa natin upang malaman ang katotohanan sa kabila ng mga naglipanang relihiyon sa kasalukuyan? Wala na nga ba tayong interes sa Tagumpay na ating minimithi (Paraiso)? Ipagpapalit ba natin ang Tagumpay na Walang-Hanggan sa Kabilang Buhay sa maikling buhay na ito? Nakilala na ba natin ang Tunay at Nag-iisang Diyos na Siyang sinamba at ipinangaral ng mga Propeta? Batid ba natin kung bakit Niya tayo nilikha dito sa mundong ibabaw? O baka naman tuluyan na nating pinili ang maikling buhay na ito, at bahala na kung APOY na naglalagablab sa Kabilang Buhay!? Huwag naman sana… Hindi pa huli ang lahat!
Kami po ay taos-pusong nag-aanyaya sa inyo sa Tagumpay at Kaligtasang ating minimithi sa Kabilang Buhay (Islam). Hindi pa ba ito ang tamang panahon upang ituwid ang dapat ituwid bago pa man tayo mapasa-ilalim ng lupa na kung saan ay wala nang pagbabalik upang ituwid ang lahat? Isa sa mga tanda ng huwad na relihiyon ay hindi makapagliligtas sa Kabilang Buhay. Malalaman natin ito sa mismong katuruan: “Hindi makapagliligtas ang relihiyon!”. Â Ang maling paniniwalang ito ay sinagot ng Dakilang Tagapaglikha (mahigit isang libo’t apat na raang taon na ang lumipas) sa Kanyang Huling Kapahayagan (ang Qur’an):
ÛžAt sinuman ang maghanap ng ibang Relihiyon maliban sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanya, at sa Kabilang Buhay, siya ay isa sa mga talunan.Ûž 3:85.Â
Ang buhay para sa mga Muslim ay kahalintulad ng isang paglalakbay na kung saan may simula at katapusan. Para sa mga Muslim ang maikling buhay na ito ay isang pag-iimpok at paghahanda tungo sa buhay na walang hanggan. Kaya ang bawat Muslim ay nagsusumikap na mamuhay ayon sa kautusan ng Diyos. Sapagkat ang bawat isa sa atin ay mayroong itinakdang katapusan na lingid sa ating kaalaman. Kapag dumating na ang takdang oras na yaon ay hindi maaaring iurong pa ng kahit isang segundo. Doon lamang maiisip ng tao ang kanyang mga sinayang na oras upang gumawa ng mabubuti. Ang tao kailanman ay hindi nakokontento at napupuno sa alinmang sulok ng buhay. Bigyan mo man ng isang bundok na ginto ay nanaisin pa rin niyang maging dalawa o maging tatlo. Magkagayon, para sa mga Muslim ang pinakamainam na pamumuhay dito sa ibabaw ng mundo ay ang ganap na pagsuko at pagsunod sa kalooban ng Diyos (Islam). Katotohanan, lahat tayo ay nagmula sa Diyos at sa Kanya tayo ay muling magbabalik. Tandaan natin na pagkatapos ng kamatayan ay wala nang pagbabalik muli dito sa lupa upang ituwid ang sarili at itama ang lahat! Sa Araw na yaon, walang mananagot sa ating mga ginawa dito sa mundo kundi ang ating sarili.
Kayo rin ba ay nasa relihiyong HINDI makapagliligtas? Nasa inyo ang pagpapasya…Â
Para po sa mga nais tahakin ang Tunay na Relihiyon ni Propeta Hesu Kristo (Sumakanya Nawa ang Kapayapaan) o mayroong mga katanungan hinggil sa Islam, karangalan po naming makapaglingkod sa inyo bilang alipin ng Dakilang Tagapaglikha (Allah). Hangad po namin ang Tagumpay (Paraiso) para sa lahat. Nawa’y ipagkaloob sa atin ni Allah ang Kanyang Gabay tungo sa Tuwid na Landas. Amen.
Haron M. Guro
Islamic University of Madinah, KSA