Si Jesus at si Maria sa Islam

In Artikulo

Tinipon ni Mujahid Navarra

 

SI MARIA SA ISLAM

 

Si Maryam ay anak ni Imran at isang mabuting babae at matuwid na babae. Siya ay nagsikap sa pagsamba hanggang sa wala siyang naging kapantay sa pagsamba. Siya ay binigyan ng mga anghel ng mabuting balita ng pagkakahiran sa kanya ni Allah. Sinabi ni Allah – subhanahu wa ta’ala,

 

إذ قالت الملائكة يا مريم إن الله اصطفاك وطهرك واصطفاك على نساء العالمين – يا مريم اقنتي لربك واسجدي واركعي مع الراكعين ) آل عمران / 42 – 43 .

 

Sinabi ng mga Anghel kay Maria na, ‘Tunay na si Allah ay humirang sa iyo at nagdalisay sa iyo at pumili sa iyo mula sa lahat ng kababaihan. O Maria, tumalima ka sa iyong Panginoon at magpatirapa at yumukod kasama ang mga yumuyukod.’ ~Surah Ali Imran: 42-43.

Matapos nito ay binigyan siya ng mga Anghel ng magandang balita na siya ay bibiyayaan ni Allah ng isang anak na lalaki na lilikhain ni Allah sa pamamagitan ng Kanyang salita na nagsasabing Kun Fayakun o sasabihin niyang mangyari at mangyayari nga. Ang batang ito ay magngangalang Eisa na Anak ni Maria ang Al Masih o ang Messiah. Siya ay marangal sa mundo at sa Kabilang-buhay at siya ay Sugo para sa Angkan ng Israel. Ittuturo ni Allah sa kanya ang aklat, Hikmah, Tawrah at Injil. Taglay din niya ang ilang mga katangian at mga himala na hindi tinaglay ng iba pa liban sa kanya. Sinabi ni Allah:

 

قال تعالى : ( إذ قالت الملائكة يا مريم إن الله يبشرك بكلمة منه اسمه المسيح عيسى ابن مريم وجيهاً في الدنيا والآخرة ومن المقربين  – ويكلم الناس في المهد وكهلاً ومن الصالحين – قالت رب أنى يكون لي ولدٌ ولم يمسسني بشر قال كذلك الله يخلق ما يشاء إذا قضى أمراً فإنما يقول له كن فيكون ) آل عمران /45-47.

 

Sinabi ng mga Anghel, ‘O Maria, tunay na si Allah ay nagbibigay sa iyo ng mabuting balita ng pagdating ng kanyang utos (ng pagsasabing maging) at ang kanyang pangalan ay ang Messiah na si Eisa na anak ni Maria. Marangal sa mundong ito at sa kabilang buhay at kabilang sa mga malalapit kay Allah. Kakausapin niya ang mga tao habang siya ay nasa duyan pa lamang hanggang sa libingan at siya ay kabilang sa mga matutuwid.’

 

Sinabi ni Maria, ‘O aking Panginoon, paanong mangyayari na ako ay magkakaroon ng anak samantalang wala namang gumalaw sa akin na tao?’ Sinabi ng Anghel, ‘Ganyan lumikha si Allah ng anumang Kanyang naisin na kapag ninais niya ang isang bagay ay ang sasabihin lamang niya ang ‘Kun – maging’ at ito ay mangyayari nga.’ ~Surah Ali ‘Imran 45-47.

 

SI JESUS SA ISLAM

 

Matapos nito ay ipinabatid ni Allah ang pagkakaganap ng mabuting balita na ipinarating ng Anghel kay Maryam sa kanyang anak na si Eisa. Sinabi ni Allah:

 

– ( ويعلمه الكتاب والحكمة والتوراة والإنجيل – ورسولاً إلى بني إسرائيل أني قد جئتكم بآية من ربكم أني أخلق لكم من الطين كهيئة الطير فأنفخ فيه فيكون طيراً بإذن الله وأبرئ الأكمه والأبرص وأحيي الموتى بإذن الله وأنبئكم بما تأكلون وما تدخرون في بيوتكم إن في ذلك لآية لكم إن كنتم مؤمنين – ومصدقاً لما بين يدي من التوراة ولأحل لكم بعض الذي حرم عليكم وجئتكم بآية من ربكم فاتقوا الله وأطيعون إن الله ربي وربكم فاعبدوه هذا صراط مستقيم ) آل عمران/ 48 – 51 .

 

Ituturo ni Allah sa kanya ang Aklat, ang Hikmah, ang Tawrah at ang Injil. Siya ay propeta para sa Angkan ng Israel na nagsasabing, ‘ Ako ay isinugo sa inyo na may dalang tanda mula sa inyong Panginoon. Ako ay lilikha para sa inyo ng isang ibon na mula sa putik at ako ay hihinga dito at ito ay magiging ibon sa kapahintulutan ni Allah. Pagagalingin ko yaong mga ipinanganak na bulag at ang mga ketongin. Bubuhayin ko ang mga patay sa kapahintulutan ni Allah. Ipapabatid ko sa inyo kung ano ang inyong mga kinakain at kung anumang nasa inyong mga bahay. Tunay na sa mga ito ay matatagpuan ninyo ang mga tanda kung kayo man ay mga mananampalataya. Ako ay nagpapatotoo sa anumang ipinahayag bago pa ako dumating mula sa Tawrah at upang pahintulutan para sa inyo ang ilan sa mga ipinagbawal. Ako ay dumating sa inyo na dala ang tanda mula sa inyong Panginoon kaya katakutan ninyo si Allah at sundin ninyo ako. Tunay na si Allah ay aking Panginoon at inyong Panginoon. Sambahin ninyo siya, ito ang matuwid na landas.” ~Surah Ali ‘Imran:48-51.

 

Si Allah – luwalhatiin nawa siya na nagtataglay ng tumpak na pagiging perpekto sa paglikha ay lumilikha ng anumang naisin Niya sa pamamaraang naisin Niya. Siya ay lumikha kay Adan mula sa alabok nang walang ama o ina. Nilikha naman Niya si Eba mula sa tadyang ni Adan nang mayroong ama subalit walang ina. Nilikha naman niya ang iba pang mga tao mula sa isang ama at isang ina. At nilikha niya si Eisa mula sa isang ina nang walang ama. Luwalhati kay Allah ang Maalam na Tagapaglikha.

 

 

ANG KAPANGANAKAN NI EISA

 

Ipinahayag ni Allah sa Quran ang pamamaraan ng kapanganakan ni Eisa, sinabi ni Allah,

 

( واذكر في الكتاب مريم إذ انتبذت من أهلها مكاناً شرقياً – فاتخذت من دونهم حجاباً فأرسلنا إليها روحنا فتمثل لها بشراً سوياً – قالت إني أعوذ بالرحمن منك إن كنت تقياً – قال إنما أنا رسول ربك لأهب لك غلاماً زكياً – قالت أنّى يكون لي غلام ولم يمسسني بشر ولم أك بغياً – قال كذلك قال ربك هو عليّ هين ولنجعله آية للناس ورحمة منا وكان أمراً مقضياً ) مريم/16 – 21.

 

At banggitin mo na nababanggit sa Quran O Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam, si Maria nang siya ay nag-isa at namalagi sa isang pook sambahan na nakaharap sa silangan. Siya ay naglagay sa pagitan niya at pagitan nila ng tabing at ipinadala Namin sa kanya si Anghel Jibril, at ito ay nagpakita sa kanya bilang tao. Sinabi ni Maria, ‘Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Ar Rahman – ang Maawain – mula sa iyo kung ikaw man ay may takot kay Allah.’ Sinabi niya, ‘Tunay na ako ay sugo ng iyong Panginoon upang ibigay sa iyo ang isang dalisay na lalaking anak.’ Sinabi ni Maria, ‘Paanong ako ay magkakaroon ng anak na lalaki samantalang hindi naman ako ginalaw ng sinumang lalaki at hindi ako maruming babae.’ Sinabi ni Jibril, ‘Ganoon nga ang sinabi ng iyong Panginoon, ‘Ito ay madali para sa Akin. Gagawin Namin siyang tanda para sa mga tao at isang habag mula sa Amin. Tunay na ang bagay na ito ay naitakda na.’ ~Surah Maryam: 16-21.

 

Nang sinabi ito ni Jibril sa kanya ay sumuko siya sa pasya ni Allah.

 

 ( فحملته فانتبذت به مكاناً قصياً – فأجاءها المخاض إلى جذع النخلة قالت يا ليتني مت قبل هذا وكنت نسياً منسيا ) مريم /22 – 23 .

 

At si Eisa ay pinagbuntis niya at siya ay lumayo mula sa kanila tungo sa isang malayong lugar. Ang sakit ng paghihilab ng tiyan dahil sa panganganak ay nagtulak sa kanya papunta sa isang puno ng datiles at sinabi niya, ‘Kung namatay lamang sana ako bago pa ito at ako ay naging isang taong kinalimutan.’ ~Surah Mariam:22-23.

Matapos nito ay dinulot ni Allah na dumating kay Maria ang tubig at pagkain at siya ay inutusan na huwag makipag-usap kaninuman. Sinabi ni Allah,

 

-  ( فناداها من تحتها ألا تحزني قد جعل ربك تحتك سرياً – وهزي إليك بجذع النخلة تساقط عليك رطباً جنياً – فكلي واشربي وقرِّي عيناً فإما ترين من البشر أحداً فقولي إني نذرت للرحمن صوماً فلن أكلم اليوم إنسياً ) مريم /24 – 26.

 

Kaya’t siya ay sinabihan mula sa kanyang ilalim (ni Eisa o ni Jibril) na, ‘Huwag kang malungkot dahil si Allah ay nagbigay ng dumadaloy na tubig sa paanan mo at ugain mo ang puno ng datiles papunta sa iyo at mahuhulog ang mga sariwa at hinog na bunga nito. Kaya kumain ka, uminom at malugod. At kapag nakakita ka ng sinumang tao ay sabihin mo sa kanila na tunay na ako ay namanata sa Ar Rahman ng pag-aayuno kaya hindi ako makikipag-usap kahit kanino sa araw na ito sa sinumang tao.’ Surah Mariam: 24-26.

 

At dumating si Maria sa kanyang lugar na dala ang kanyang sanggol na anak na si Jesus at nang siya ay nakita nila ay nagtaka sila at siya ay hindi tumugon sa kanila at itinuro na lamang ang sanggol upang kanilang tanungin at magsabi sa kanila. Sinabi ni Allah,

 

 ( فأتت به قومها تحمله قالوا يا مريم لقد جئت شيئاً فرياً – يا أخت هارون ما كان أبوك امرأ سوء وما كانت أمك بغياً  – فأشارت إليه قالوا كيف نكلم من كان في المهد صبياً ) مريم/27 – 29.

 

Siya ay dumating sa kanilang lugar at nagtanong ang mga tao, ‘O Maria, ikaw ay nagdala ng isang kakaibang bagay. O kapatid ni Harun, ‘Ang iyong ama ay hindi isang lalaking nakikiapid at ang iyong ina ay hindi maruming babae.’ Itinuro niya ang sanggol at nagsabing, ‘Paano naming kakausapin ang isang batang nasa duyan?’ Surah Mariam: 27-29.

 

Si Jesus ay sumagot agad sa kanila samantalang siya ay sanggol na nasa duyan,

 

 ( قال إني عبد الله آتاني الكتاب وجعلني نبياً – وجعلني مباركاً أين ما كنت وأوصاني بالصلاة والزكاة ما دمت حياً -  وبراً بوالدتي ولم يجعلني جباراً شقياً  – والسلام علي يوم ولدت ويوم أموت ويوم أبعث حياً ) مريم/30 -33 .

 

‘Tunay na ako ay alipin ni Allah, ibinigay sa akin ni Allah ang aklat at ginawa Niya akong propeta. Ginawa Niya akong mabiyaya nasaan man ako naroroon. Ako ay binilinan Niya ng Salah at Zakah habang ako ay nabubuhay at maging mabuti sa aking ina at hindi Niya ako ginawang palalo at salbahe. Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw ng aking kapanganakan hanggan sa aking pagkabuhay-muli.’ ~Surah Mariam:30-33.

 

Ito ang sinabi ni Eisa Ibnu Maryam na alipin ni Allah at Sugo niya subalit ang mga Hudyo at Kristiyano ay hindi nagkasundo sa kanya at mayroon sa kanila ang nagsasabi na siya ay Anak ni Allah, habang ang iba naman ay nagsasabi na siya ay ikatlo sa tatlong diyos. Mayroon sa kanilang nagsasabi na siya mismo si Allah. Mayroon namang nagsasabi na siya ay Sugo ni Allah at ito ang tunay tungkol sa kanya.

 

 

ANG MENSAHE NI EISA

 

 ( ذلك عيسى ابن مريم قول الحق الذي فيه يمترون – ما كان لله أن يتخذ من ولد سبحانه إذا قضى أمراً فإنما يقول له كن فيكون – وإن الله ربي وربكم فاعبدوه هذا صراط مستقيم  – فاختلف الأحزاب من بينهم فويل للذين كفروا من مشهد يوم عظيم ) مريم/34 -37.

 

Ito ang katotohanan ukol kay Eisa na anak ni Maria mula sa mga sabi-sabi na kanilang pinagtatalunan. Hindi marapat para kay Allah na magkaroon ng anak. Luwalhati kay Allah. Kapag siya ay may ninanais ay sasabihin lamang niyang, ‘Kun – mangyari’ at ito ay mangyayari nga. Sinabin ni Jesus, ‘Tunay na si Allah ay aking Panginoon at inyong Panginoon. Sambahi nInyo Siya ito ang matuwid na landas.’ Kaya nagtatalu-talo ang ibat ibang mga sekta nila. Kapahamakan para sa mga tumangging manampalataya (mga nagsabi na si Eisa ay anak ni Allah) sa Araw ng Paghuhukom. ~Surah Mariam:34-37.

 

Nang naligaw ang Angkan ng Israel mula sa matuwid na landas ay nilampasan nila ang mga hangganan ni Allah, sila ay nang-api, nagpalaganap ng kasiraan sa lupa at mayroon sa kanilang tumanggi sa Araw ng Paghuhukom, paggagantimpala at pagpaparusa. Sila ay nagpakalulong sa mga kapritso sa pag-aakalang walang darating na Araw ng Paghuhukom kaya isinugo sa kanila si Eisa ibnu Maryam bilang sugo at itinuro sa kanya ang Tawrah at ang Injil.

 

Ipinahayag ni Allah kay Eisa ibnu Maryam ang Injil bilang gabay at liwanag, sinabi ni Allah,

 

 ( وآتيناه الإنجيل فيه هدى ونور ومصدقاً لما بين يديه من التوراة وهدى وموعظة للمتقين ) المائدة/46 .

 

Ibinigay Namin ang Injil at ito ay naglalaman ng gabay at liwanag at nagpapatotoo sa anumang naunang ipinahayag sa Tawrah bilang gabay at aral para sa mga may takot kay Allah. ~Suratul Maidah:46.

 

Si Eisa ibnu Maryam ay nagbigay ng magandang balita sa pagdating ng sugo mula kay Allah na darating matapos siya at ang kanyang pangalan ay Ahmad at ang tinutukoy dito ay si Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam. Sinabi ni Allah,

 

 ( وإذ قال عيسى ابن مريم يا بني إسرائيل إني رسول الله إليكم مصدقاً لما بين يدي من التوراة و مبشراً برسول يأتي من بعدي اسمه أحمد فلما جاءهم بالبينات قالوا هذا سحر مبين ) الصف/6.

 

Sinabi ni Eisa Ibnu Maryam, ‘O angkan ng Israel, tunay na ako ay Sugo para sa inyo na nagpapatotoo sa naunang ipinahayag sa Tawrah at nagbibigay ng magandang balita ng pagdating ng sugo matapos ko na ang kanyang pangalan ay Ahmad.’ Subalit nang dumating sa kanila ang malilinaw na kapahayagan ay sinabi lamang nila na ito ay malinaw na salamangka. ~Suratus Saff: 6.

 

ANG TANGKANG PAGPATAY SA KANYA

 

Si Eisa ay nag-anyaya sa Angkan ng Israel tungo kay Allah nang nag-iisa at walang katambal gayundin ang pagsasabuhay sa mga itinakda ng Tawrah at Injil hanggang sa siya ay nakipagtalo sa kanila at nagpapabatid ng kasamaan ng kanilang tinatahak. Nang nakita niya ang tigas ng kanilang ulo at ang kawalang nila ng pananampalataya, siya ay nagsabi sa kanyang nasyon at nagtanong kung sino ang mga nais maging kabilang sa mga tagatulong ni Allah na kasama niya at nanampalataya ang mgaHawariyun o ang mga disipulo at sila ay labindalawa. Sinabi ni Allah:

 

 ( فلما أحس عيسى منهم الكفر قال من أنصاري إلى الله قال الحواريون نحن أنصار الله آمنا بالله وأشهد بأنا مسلمون – ربنا آمنا بما أنزلت واتبعنا الرسول فاكتبنا مع الشاهدين ) آل عمران /52 -53 .

 

Nang naramdaman ni Eisa ang kawalan nila ng pananampalataya ay sinabi niyang, “Sino ang aking mga tagatulong para kay Allah.’ Sinabi ng mga disipulo na, ‘Kami ay mga tagatulong ni Allah. Nanampalataya kami kay Allah at siya ay sumaksi ka na kami ay mga Muslim. O aming Panginoon, kami ay nanampalataya sa anumang ipinahayag mo at sinundan naming ang Sugo kaya itala mo kami kasama ng mga saksi.” Surah Ali ‘Imran: 52-53.

 

Tinulungan ni Allah si Eisa sa pamamagitan ng mga himala na nagpapaalala sa kapangyarihan ni Allah, na humahaplos sa mga kaluluwa at nagpapausbong ng pananampalataya kay Allah at sa Kabilang buhay. Siya ay lumikha ng ibon sa pamamagitan ng putik sa kapangyarihan ni Allah. Siya ay gumamot sa mga bulag at ketongin at bumuhay ng patay sa kapahintulutan ni Allah. Ipinapabatid niya sa mga tao ang kanilang mga kinakain at anumang nasa kanilang mga bahay. Subalit ang mga Hudyo na si Eisa ay ipinadala sa kanila ay nakipaglaban sa kanya at hinimok din ang ibang tao laban sa kanya gayundin sa pagpapasinungaling sa kanya at pagbibintang sa kanyang ina ng kahalayan.

 

Nang Makita ng Angkan ng Israel na nanampalataya kay Jesus ang mga mahihina at mahihirap sa kanila, sila ay nagtangka at nagplano na siya ay patayin kaya sila ay nakipagsabwatan sa mga Romano. Isinumbong nila na ang mensahe ni Eisa ay pagrerebelde laban sa paghahari ng Romano kaya ito ay nag-utos na hulihin si Eisa at ipako. Inilagay ni Allah ang wangis o mukha ni Jesus sa isang nagpapanggap na nananampalataya sa kanya at ito ang hinuli ng mga sundalo na nag-aakala na ito ay si Jesus at kanila itong ipinako sa krus. Iniligtas ni Allah si Eisa mula sa pagkakapako sa krus at pagkakapatay sa kanya. Sinabi ni Allah,

 

 (وقولهم إنا قتلنا المسيح عيسى ابن مريم رسول الله وما قتلوه وما صلبوه ولكن شبه لهم وإن الذين اختلفوا فيه لفي شك منه ما لهم به من علم إلاّ اتباع الظن وما قتلوه يقينا – بل رفعه الله إليه وكان الله عزيزاً حكيماً ) النساء/157 – 158

 

Ukol sa kanilang sinasabi na pinatay namin ang Messiah si Eisa ibnu Mariam na sugo ni Allah, hindi nila siya napatay at hindi nila siya naipako sa krus subalit ito ay pinagmukha lamang sa kanila. Tunay na yaong mga nagtatalo-talo dito ay nasa pagdududa. Wala silang anumang pinanghahawakan na kaalaman liban na lamang sa pagsunod sa akala. Hindi nila siya napatay nang tiyak bagkus ay iniangat siya ni Allah sa tungo sa Kanya. Tunay na si Allah ay makapangyarihan at maalam. Suratun Nisa’: 157-158.

 

ANG PAG-AKYAT NI EISA KAY ALLAH AT ANG PAGBABALIK NIYA

 

Si Eisa ay hindi namatay bagkus siya ay iniangat ni Allah patungo sa Kanya at magbabalik bago dumating ang Araw ng Paghuhukom at siya ay susunod kay Propeta Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam. Pasisinungalingan niya ang mga Hudyo na nagsabi na napatay nila si Jesus at naipako sa krus. Pasisinungalingan din niya ang mga Kristiyano na nagmalabis sa kanya na nagsabing siya ay si Allah o kaya ay anak ni Allah o kaya ay ikatlo sa tatlong persona ng diyos. Sinabi ni Propeta Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam,

 

 (والذي نفسي بيده ليوشكن أن ينزل فيكم ابن مريم حكما ًمقسطاً فيكسر الصليب و يقتل الخنزير ويضع الجزية ويفيض المال حتى لا يقبله أحد ) . متفق عليه أخرجه مسلم برقم   155.

 

Isinusumpa ko sa may tangan ng aking kaluluwa na darating si Eisa bilang hukom. Siya ay makatarungan at babaliin niya ang krus at papatayin niya ang mga baboy. Pawawalang-bisa niya ang Jizyah at lalaganap ang kayamanan hanggang sa wala nang tatanggap dito.

Sa kanyang pagbaba ay mananampalataya sa kanya ang lahat ng Kristiyano at Hudyo. Sinabi ni Allah:

 

 ( و إن من أهل الكتاب إلاّ ليؤمنن به قبل موته ويوم القيامة يكون عليهم شهيداً ) النساء/159 .

 

Tunay na walang ni isa sa Ahlul Kitab liban na lamang na siya ay dapat na manampalataya bago siya mamatay. Sa Araw ng Paghuhukom ay magiging saksi siya sa kanila. ~Suratul Maidah: 159

 

ليس بيني وبينه نبي ـ يعني عيسى ـ وإنه نازل، فإذا رأيتموه فاعرفوه، فإنه رجل مربوع، إلى الحمرة والبياض، ينزل بين ممصرتين، كأن رأسه يقطر، وإن لم يصبه بلل فيقاتل الناس على الإسلام، فيدق الصليب، ويقتل الخنزير ويضع الجزية ويُهلك الله في زمانه الملل كلها إلا الإسلام، ويهلك المسيح الدجال، ثم يمكث في الأرض أربعين سنة ثم يتوفى ويصلي عليه المسلمون

 

Sinabi ni Propeta Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam, ‘Walang propeta sa pagitan ko at pagitan niya (ni Eisa – alayhis salam)

 

 

ANG KATOTOHANAN SA PAGKADIYOS NI EISA

 

Si Eisa ay alipin at Sugo ni Allah. Siya ay ipinadala bilang gabay sa Angkan ng Israel at mag-anyaya tungo sa pagsamba kay Allah nang walang katambal. Sinabi ni Allah tungkol sa mga Hudyo at Kristiyano,

 

( يا أهل الكتاب لا تغلوا في دينكم ولا تقولوا على الله إلاّ الحق إنما المسيح عيسى ابن مريم  رسول الله وكلمته ألقاها إلى مريم وروح منه فآمنوا بالله ورسله ولا تقولوا ثلاثة انتهوا خيراً لكم إنما الله إله واحد سبحانه أن يكون له  ولد له ما في السماوات وما في  الأرض وكفى بالله وكيلاً ) النساء/ 171 .

 

O angkan ng kasulatan, huwag kayong magmalabis sa inyong relihiyon at huwag kayong magsalita ukol kay Allah liban na lamang sa katotohanan. Tunay na si Eisa ibnu Mariam ay sugo ni Allah at Kanyang salita na ibinaling Niya kay Maria at ispiritu na galling sa Kanya kaya manampalataya kayo kay Allah at sa Kanyang Sugo. Huwag ninyong sabihing tatlo. Ang tumigil kayo sa pagsasabi nito ay mas mainam sa inyo. Tunay na si Allah ay nag-iisang diyos. Maluwalhati Siya mula sa pagkakatoon ng anak. Siya ang nagmamay-ari ng langit at ng lupa. Sapat na si Allah bilang tagapamahala nito. ~Suratun Nisa: 171.

 

Ukol naman sa sinasabi nila na si Eisa ay anak ni Allah,

 

 ( وقالوا اتخذ الرحمن ولداً – لقد جئتم شيئاً إداً – تكاد السماوات يتفطرن منه وتنشق الأرض وتخر الجبال هداً – أن دعوا للرحمن ولداً – وما ينبغي للرحمن أن يتخذ ولداًً – إن كل من في السماوات والأرض إلا آتي الرحمن عبداً ) مريم/88- 93.

 

Sinabi nila na ang Maawain ay nagkaroon ng anak. Tunay na kayo ay nagbitiw ng masamang salita na dahil ditto ay nabiyak ang langit at lupa at nayanig ang mga bundok na sabihin ninyo na ang Maawain ay may anak. Hindi marapat para sa maaawain ang magkaroon ng anak. Tunay na ang lahat ng nasa kalangitan at lupa ay hindi lalapit kay Allah liban na lamang bilang alipin. ~Surah Maryam: 88-93.

Si Eisa ibnu Maryam ay tao lamang at siya ay alipin at sugo ni Allah at sinumang maniwala na ang Messiay ay si Allah ay nawalan ng pananampalataya. Sinabi ni Allah,

 

 ( لقد كفر الذين قالوا إن الله هو المسيح ابن مريم ) المائدة/72.

 

Nawalan ng pananampalataya yaong mga nagsasabi na si Allah ay ang Messiah na anak ni Maria. ~Suratul Maidah: 72.

Sinumang magsabi na si Eisa ay pangatlo sa tatlong diyos ay naging kafir din.

 

 ( لقد كفر الذين قالوا إن الله ثالث ثلاثة وما من إله إلا إله واحد وإن لم ينتهوا عما يقولون ليمسن الذين كفروا منهم عذاب أليم ) المائدة /73.

 

Nawalan ng pananampalataya yaong mga nagsabi na tunay na si Allah ay ikatlo sa tatlong diyos. Walang diyos liban na lamang sa nag-iisang diyos at kung sila ay hindi titigil sa kanilang mga sinasabi ay tunay na darating sa mga hindi nanampalataya ang masakit na parusa. ~Suratul Maidah: 73.

 

Ang Messiah ay isang tao at anak na nanggaling sa isang ina. Siya ay kumakain at umiinom. Natutulog at gumigising. Nasasaktan at umiiyak. Ang diyos ay malayo sa pagkakaroon ng mga ganitong katangian kaya paanong siya magiging diyos?

 

(ما المسيح ابن مريم إلا رسول قد خلت من قبله الرسل وأمه صديقة كانا يأكلان الطعام انظر كيف نبين لهم الآيات ثم انظر أنى يؤفكون ) المائدة/75.

 

Ang Messiah na anak ni Maria ay hindi hihigit pa sa pagiging sugo na tulad ng mga naunang sugo sa kanya. Ang kanyang ina ay makatotohanang babae at silang dalawa ay pawang kumakain ng pagkain. Tingnan ninyo kung paano Namin ginanagawang malinaw para sa kanila ang mga tanda at tingnan ninyo kung paano sila naligaw. ~Suratul Maidah: 75

 

Ang mga Hudyo, mga Kristiyano at mga Crusaders at ang kanilang mga tagasunod ay sumira sa relihiyon ni Eisa at ito ay kanilang binago at pinalitan at kanilang sinasabi na inialay ni Allah ang kanyang anak ang Messiah upang maipako sa krus at mapatay upang maging kabayaran sa kasalanan ng sanlibutan. Kaya wala nang problema para sa sinuman na gawin niya ang nais niya dahil pasan na ng Messia ang lahat ng kasalanan. Ito ay lumaganap sa lahat ng sekta ng Kristiyanismo hanggang sa ito ay naging bahagi ng kanilang paniniwala. Lahat ng ito ay walang saysay at kasinungalingan laban kay Allah at pagsasalita ukol sa kanya nang hindi nagmumula sa kaalaman.

 

كل نفس بما كسبت رهينة

 

Bawat isa ay magkakamit ng kanyang dapat makamit.

 

Ang buhay ng tao ay hindi maisasaayos at hindi magiging matuwid kung sila ay walang sinusunod na tamang gabay at mga hangganan na hindi nila nilalampasan.

 

Tingnan ninyo kung paano nila isinasangkot kay Allah ang kasinungalingan at pagsasabi nila kay Allah liban na lamang sa katotohanan.

 

-  (فويل للذين يكتبون الكتاب بأيديهم ثم يقولون هذا من عند الله ليشتروا به ثمناً قليلاً فويل لهم مما كتبت أيديهم وويل لهم مما يكسبون ) البقرة/79.

 

Kapahamakan nawa sa mga nagsusulat ng aklat sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at matapos nito ay magsasabing ito ay mula kay Allah upang ipagbili ito sa murang halaga. Kapahamakan sa kanila sa kung anumang sinulat ng kanilang mga kamay. Kapahamakan nawa sa kanila sa anumang kanilang ginawa. ~Suratul Baqarah: 79.

 

Si Allah ay nagkaroon ng kasunduan sa mga tao na tinatawag nila ang kanilang mga sarili bilang mga Kristiyano na sundin nila ang kung anumang ipinahayag sa kanila subalit sila ay nagbago sa kanilang relihiyon at nagtatalu-talo kaya sila ay pinarusahan ni Allah sa pamamagitan ng pagkakaroon sa puso nila ng pagkamuhi at poot.  Sinabi ni Allah:

 

 (ومن الذين قالوا إنا نصارى أخذنا ميثاقهم فنسوا حظاً مما ذكروا به فأغرينا بينهم العداوة والبغضاء إلى يوم القيامة وسوف ينبئهم الله بما كانوا يصنعون ) المائدة / 14.

 

Yaong mga tao na tinatawag nila ang kanilang mga sarili bilang mga Kristiyano ay kumuha kami ng kasunduan kasama sila subalit nakalimutan nila ang malaking bahagi ng Aming ipinahayag sa kanila. Kaya itinanim Namin sa kanilang mga puso ang poot at pagkamuhi hanggang sa Araw ng Paghuhukom at ipapaalam sa kanila ni Allah ang kanilang mga ginawa.~Suratul Maidah:14.

 

Si Jesus ay tatayo sa harap ni Allah sa Araw ng Paghuhukom at siya ay tatanungin sa harap ng mga tao kung ano ang kanyang ipinangaral sa Angkan ng Israel. Sinabi ni Allah,

 

 ( وإذ قال الله يا عيسى ابن مريم أأنت قلت للناس اتخذوني وأمي إلهين من دون الله قال سبحانك ما يكون لي أن أقول ما ليس لي بحق إن كنت قلته فقد علمته تعلم ما في نفسي ولا أعلم ما في نفسك إنك أنت علام الغيوب – ما قلت لهم إلاّ ما أمرتني به أن اعبدوا الله ربي وربكم وكنت عليهم شهيداً ما دمت فيهم فلما توفيتني كنت أنت الرقيب عليهم وأنت على كل شيء شهيد – إن تعذبهم فإنهم عبادك وإن تغفر لهم فإنك أنت العزيز الحكيم ) المائدة / 116 -118 .

 

Alalahanin nang sinabi ni Allah, ‘O Eisa anak ni Maria, sinabi mo ba sa mga tao na kunin ako at ang aking ina bilang mga katambal ni Allah?’’Luwalhati sa Iyo, hindi marapat sa akin na sabihin ang mga bagay na wala akong karapatan. At kung ito may ay sinabi ko nga ay tunay na ito ay nalaman Mo na dahil nalalaman Mo ang kung ano ang nasa aking sarili at hindi ko nalalaman ang nasa Iyo. Tunay na Ikaw ang nakakaalam ng mga nalilingid. Wala akong sinabi sa kanila liban na lamang sa kung ano ang iniutos Mo sa akin na ipahayag na sambahin si Allah. Na si Allah ang Panginoon ko at Panginoon ninyo at ako ay saksi sa kanila habang ako ay kasama nila. Nang ako ay iyong kinuha ay Ikaw ang nakakamasid sa kanila at Ikaw ang nakakasaksi ng lahat ng bagay. Kung sila ay Iyong paparusahan ay tunay na sila ay Iyong mga alipin at kung sila ay iyong papatawarin ay tunay na Ikaw ang makapangyarihan at makatarungan. ~Suratul Maidah:116-118.

 

Ginawa ni Allah na ang mga tagasunod ni Eisa na sila ay maging pinakamalapit sa mga mananampalataya kaysa sa iba pa. Sinabi ni Allah,

 

 (لتجدن أشد الناس عداوة للذين آمنوا اليهود والذين أشركوا ولتجدن أقربهم مودة للذين آمنوا الذين قالوا إنا نصارى ذلك بأن منهم قسيسين ورهباناً وأنهم لا يستكبرون ) المائدة/82 .

 

Matatagpuan mo na ang pinakamatindi sa pakikipaglaban sa mga nanampalataya ay ang mga Hudyo at ang mga nagtambal kay Allah. At matatagpuan mo na ang pinakamalapit sa mga mananampalataya pagdating sa pagmamahal sa kanila ay ang mga tao na nagsasabi na, ’Tunay na kami ay mga Kristiyano.’ Dahil kabilang sa kanila ay yaong mga Pari at mga Monghe at sila ay mga hindi nagmamalaki. Suratul Maidah:82.

Si Eisa ang kahuli-hulihang propeta para sa Angkan ng Israel at matapos nito ay isinugo na si Propeta Muhammad mula sa mga apo ni Propeta Ismail para sa lahat ng tao at siya rin ang kahuli-hulihang propeta at sugo.

 

 

ANG PAGSAKSI NA SI JESUS AY SUGO NI ALLAH

 

من شهد أن لا إلـه إلا الله وحده لا شريك له ، وأن محمدا عبده ورسوله ، وأن عيسى عبد الله ورسوله وكلمته ألقاها إلى مريم وروح منه ، والجنة حق والنار حق أدخله الله الجنة على ما كان من العمل 

 

Sinabi ni Propeta Muhammad – sallallahu alayhi wa sallam,

 

Sinumang sumaksi na Walang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah nang nag-iisa, walang katambal at si Muhammad ay alipin at sugo ni Allah, si Eisa ay alipin at sugo ni Allah at Kanyang salita na ibinaling Niya kay Maria at ispiritu na mula sa Kanya, ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo ay papapasukin sa Paraiso kahit gaano pa kakaunti o karami ang kanyang kabutihan. ~Iniulat nina Imam Al Bukhari at Imam Muslim.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu