Ang bawat papuri ay para sa Allah (SWT), Siya lamang ang karapat-dapat nating purihin, Siya lamang ang hinihingian natin ng tulong, tayo’y magpapakopkop sa Allah (SWT) laban sa kasamaan ng ating mga sarili at laban sa kasamaan n gating mga gawain, ang sinuman ang patnubayan ng Allah (SWT) ay walang makakaligaw sa kanya at ang sinuman ang tatanggi mula sa patnubay ng Allah (SWT) ay walang makakapatnubay sa kanya.
Ang pananampalataya sa mga Propeta ay ang lubos na paniniwala na ang Allah (SWT) ay mayroong mga Propeta at Sugo. Ang Allah (SWT) ay nagsugo sa bawat pamayanan ng isang Sugo para anyayahan sila na sumamba lamang sa Allah (SWT) ng walang pagtatambal, at itakwil nila ang anumang ibang sinasamba maliban sa Kanya.
Ang mga Propeta at Sugo ay silang lahat ay matatapat at may ganap na pagkatakot sa Allah (SWT), silang lahat ay mapagkakatiwalaan, ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin na anyayaan ang kani-kanilang pamayanan tungo sa pagsamba lamang sa Allah (SWT), at itakwil ang mga diyos-diyosan.
Ang unang Sugo ay si Noah (AS) at ang pinakahuling Sugo ay si Muhammad (SAW). Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur’an:
Ø¥Ùنَّا أَوْØَيْنَا Ø¥Ùلَيْكَ كَمَا أَوْØَيْنَا Ø¥ÙÙ„ÙŽÙ‰ Ù†ÙÙˆØ٠وَالنَّبÙÙŠÙّينَ Ù…Ùنْ بَعْدÙÙ‡Ù
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Katotohanan, Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang katulad ng ipinahayag Namin kay Noah at ang mga Propeta na sumunod sa kanya.†(Surah An-Nisaa 4:163)
Ang pananampalataya sa mga Propeta at Sugo ay naaangkop ang apat na bagay:
- Ang paniniwala na ang kanilang mga mensahe ay totoong nagmula sa Allah (SWT).
- Ang paniniwala sa sinumang napag-alaman natin na kanilang mga pangalan o hindi.
- Ang pagpapatunay sa mga tama na nabanggit na kanilang naiparating.
- Ang pagsasagawa sa mga batas ng sinuman sa kanila na isinugo sa atin, siya si Propeta Muhammad (SAW) na kung saan siya ay isinugo sa sangkatauhan. Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur’an:
â€Ùَلاَ وَرَبÙّكَ لاَ ÙŠÙؤْمÙÙ†Ùونَ Øَتَّىَ ÙŠÙØÙŽÙƒÙّمÙوكَ ÙÙيمَا شَجَرَ بَيْنَهÙمْ Ø«ÙÙ…ÙŽÙ‘ لاَ يَجÙدÙواْ ÙÙÙŠ Ø£ÙŽÙ†ÙÙسÙÙ‡Ùمْ Øَرَجًا Ù…Ùّمَّا قَضَيْتَ ÙˆÙŽÙŠÙسَلÙّمÙواْ تَسْلÙيمًا
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “Sumumpa ang Allah sa Kanyang sarili, hindi magiging ganap ang pananampalataya nila hangga’t ikaw (O Muhammad) ay hindi nila ginagawang tagahatol (hukom) sa lahat ng pagkakahidwa-hidwa sa kanilang pagitan, pagkatapos ay hindi magkakaroon ng sama ng loob sa kanilang mga sarili sa anumang iyong naging hatol, at maluwag nilang tanggapin ito ng ganap na pagtanggap.†(Surah An-Nisaa 4:65)