Sa dahilang ang Islam ang siyang huling relihiyon, mayroon itong kakaibang katangian, natatanging karapatan na nagiging angkop sa lahat ng panahon at pook.
Ito ang huling Banal na Relihiyon na ipinahayag sa tao.
Kinikilala ng Islam ang mga naunang banal na kapahayagan. Sa kabilang dako, ang mga Hudyo ay hindi kinikilala si Hesus, ang mga Kristiyano ay hindi kinikilala si Muhammad ; Samantalang ang mga Muslim ay kinikilala sina Moses, Hesus at ang lahat ng mga Propeta u.
Sa Islam, nakikipag-ugnayan ang tao sa Allah sa lahat ng bagay at katayuan.
Ang Islam ang natatanging Relihiyon na hindi nasira at nagbago.
Sinabi ni Harry G. Dorman:
Ito (ang Qur′an) ay literal na kapahayagan ng Diyos, na ipinahayag ni Anghel Gabriel kay Muhammad r, na tama at ganap sa bawa′t letra. Ang lagi nang nananatiling himala na nagpapatunay sa mismong sarili nito at kay Muhammad r, ang Propeta ng Diyos. Ang mga mahimalang katangian nito ay makikita sa istilo nito, na sadyang ganap at napakatayog na ang tao o jinn ay hindi kayang gumawa ng kahit isa mang kabanata upang ihambing sa pinakamaikling kabanata nito. Makikita rin sa nilalaman nito ang mga katuruan, propesiya hinggil sa hinaharap, at mga kamangha-mangha at tamang-tamang impormasyon na hindi kayang tipunin ng isang taong hindi nakapag-aral na katulad ni Muhammad sa sarili niyang kakayahan lamang. (34)
Ang Islam ay ang pananampalatayang sumasakop sa espirituwal at materyal na aspeto ng buhay. Hindi nito nakaligtaan kahit na ang pinakamaliit na bagay sa buhay ng isang Muslim. Isinalaysay ni Abdurrahman bin Zaid na sinabi ito kay Salman:
“Ang inyong Propeta ba ay nagturo sa inyo ng lahat ng bagay, kahit ang pagsagot ninyo sa tawag ng kalikasan?†Sumagot si Salman; ‘Siyang tunay! Ipinagbawal niya sa amin ang pagharap sa direksyon ng Qibla habang dumudumi o umiihi. Ipinagbawal din niya ang paggamit ng kanang kamay sa paglilinis ng maselang bahagi ng katawan. Ipinagbawal din niya ang paggamit ng bato na kulang sa tatlong piraso, o ang paggamit ng buto o natuyong dumi ng hayop (sa paglilinis sa sarili kung walang tubig).†(Muslim)
Isang sipi ng Qur′an na isinulat sa pamamagitan ng lusaw na ginto sa papyrus (isang uri ng papel) ay nagpapatunay na ang mga Muslim ay naghahangad na mapanatili ng Qur′an.
Sinabi ni W. Thomas Arnold:
‘Ang pagkaunawa sa katarungan ay isa sa mga kahanga-hangang panuntunan ng Islam, sapagka′t natuklasan ko sa aking pagbabasa ng Qur′an ang mga mabibisang panuntunan ng buhay – mga praktikal na tuntuning pangmoral para sa pang-araw-araw na buhay na sadyang angkop sa buong mundo.’
Magkatimbang na binibigyang-kasiyahan ng Islam ang pangangailangang materyal at espirituwal ng tao. Tinatanggihan nito ang pagbibigay-tangi sa isang aspeto kapalit naman ng pag-iwan sa isa.
Si Prince Charles ay nagsabi:
‘Kayang ituro sa atin ng Islam ngayon ang isang paraan tungo sa pagkakaunawaan at pamumuhay sa mundo na kung saan ang Kristiyanismo mismo ay mahina dahil sa kawalan nito. Itinatatwa ng Islam ang paghihiwalay ng tao sa kalikasan, ng relihiyon sa siyensiya, ng isip sa bagay.’
:Ang pagkakasalin ang Sugo ,r Mula kay Muhammad,ng Allah Para kay Negus, ang Hari ng.Abyssinia Ang kapayapaan ay sumakanya sa sinumang sumusunod sa patnubay. Nagpupuri ako sa Allah, walang ibang Diyos maliban sa Kanya, at ako ay sumasaksi na si Hesus, anak ni Maria ay hindi hihigit sa isang espiritu na Kanyang nilikha, at Kanyang salita (maging! – at nangyari nga) na Kanyang ibinigay kay Maria, ang birhen, ang mabuti, ang dalisay, kaya ipinaglihi niya si Hesus. Ang Allah ay nilikha siya (Hesus) katulad ng pagkalikha Niya kay Adam sa pamamagitan ng Kanyang Kamay. Inaanyayahan kita na sambahin ang Allah lamang, at huwag magbigay ng anumang katambal (sa pagsamba) sa Kanya. At inaanyayahan kita sa pagsunod sa Kanya at sumunod sa akin at sumampalataya sa anumang ipinahayag sa akin, sapagka′t ako ang Sugo ng Allah. Tinatawagan kita at ang iyong nasasakupan sa pagsamba sa Allah ang Kataas-taasan. Ako ay sumasaksi na ipinarating ko ang aking mensahe. Inaanyayahan kita upang dinggin at tanggapin ang aking payo. Ang kapayapaan ay sumakanya sa sinumang sumunod sa tunay na.patnubay
Ang Pananampalatayang Islam ay hindi sumasalungat sa karunungan at pananaw ng tao maging sa kanyang natural na dispusisyon.
Ang Islam ay relihiyon para sa lahat ng sangkatauhan, kahit ano pa ang inabot sa edukasyon, anumang oras at panahon at maging saan mang dako…na siyang kabaliktaran ng mga naunang relihiyon na ipinadala sa isang natatanging nasyon sa isang natatanging lugar at panahon. Halimbawa, kung ang isang tao ay nais maging Hudyo, kinakailangan muna na siya ’y ipanganak na isang Hudyo. Nagsabi ni Hesus: Ako ay ipinadala lamang sa mga nangawalang tupa ng Angkan ni Israel.’
Isa sa mga patunay na ang Islam ay pandaigdigang relihiyon at naaangkop ito sa lahat ng tao sa lahat ng panahon, maging anuman ang kanilang lahi o wika ay ang Salita ng Diyos (Allah):
Ang Allah ay nawika:
(O Ikaw, (Muhammad) na nababalot (ng balabal o kapa)! Bumangon at magbigay babala! At ipagbunyi ang (papuri ng) iyong Rabb (Panginoon).) (34:28)
Sa mga talatang ito, ang Allah ay inutusan ang Kanyang Propeta na si Muhammad na ipanawagan nang hayagan ang Islam. Kaya naman inanyayahan niya ng kanyang mga mamamayan na sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos – ang Allah, at itakwil ang lahat ng uri ng diyus-diyusan. Siya (Muhammad r) ay inalipusta, hinamak at sinaktan ng kanyang mga kababayan, nguni′t nanatili pa rin siyang matatag at maawain. Nagpadala siya ng mensahe sa mga hari sa kanyang kapanahunan at inanyayahan sila na tanggapin ang pananampalatayang Islam. Ang ilan sa kanyang pinadalhan ng sulat ay ang Emperor ng Roma, ang Emperor ng Persia, at ang Hari ng Abyssinia. Kung ang mensahe ni Propeta Muhammad ay hindi para sa buong sangkatauhan, hindi niya aanyayahan ang mga pinuno ng iba′t ibang kaharian na malapit sa Arabia upang tanggapin ang pananampalatayang Islam. Hindi ba ito′y maaaring maging sanhi ng posibleng pagsisimula ng labanan mula sa higit sa isang kaaway na puno ng sandata at marami sa bilang? Bakit niya (Muhammad r) gagawin ang mga bagay na ito, kung hindi ito nagmula sa Diyos – ang Allah, na nagpadala ng banal na Mensahe, at iniutos sa kanya upang ipahayag sa buong sangkatauhan!
Sinabi ng Sugo r:
“Ang bagay na ito (pananampalatayang Islam) ay magiging malinaw na katulad ng gabi at araw. Ang bawa′t tao sa lungsod o lugar ng disyerto ay malalaman ang tungkol sa relihiyong ito, sa pamamagitan ng kapangyarihan o kahihiyan. Ang kapangyarihan na kung saan ang Islam ay binigyang dangal, at kahihiyan na kung saan ang Allah ay dinulutan ng kahihiyan ang mga di-mananampalataya.†(Ahmad)
Ang pagkakasalin: Sisimulan ko sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin. Mula kay Muhammad bin Abdullah, ang Sugo ng Allah, Para kay Heraclius ang Emperador ng Roma (siya ang Emperador ng Byzantine Empire [610-641] na siyang sumakop sa Syria, Palestine, at Egypto mula sa Persia [613-628]). Ang kapayapaan ay sumakanya sa sinumang sumusunod sa patnubay. Inaanyayahan kita sa Islam. Tanggapin ang Islam at ikaw ay maliligtas. Igagawad sa iyo ng Allah ang iyong gantimpala ng dalawang ulit. Kung tatanggihan mo ang mensahe ng Allah, babalikatin mo ang mga kasalanan ng iyong mga tagasunod. Sabihin: “O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano): Halina kayo sa isang salita na sadyang makatarungan sa amin at sa inyo, na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, na huwag tayong magtambal ng anuman sa Kanya, na wala tayong ituturing ng iba pa bilang mga Panginoon bukod sa Allah. Pagkaraan nito, kung sila man ay magsitalikod, inyong sabihin (sa kanila): “Kayo ay saksi na kami ay mga Muslim (mga taong sumuko at tumalima sa Allah).†(Al-Imran 3:64)
Ang pagkakasalin: Sisimulan ko sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin. Mula kay Muhammad bin Abdullah, ang Sugo ng Allah, Para kay Moqoqas ang Pinuno ng mga Kristiyano sa Ehipto. Ang kapayapaan ay sumakanya sa sinmang sumusunod sa patnubay. Inaayayahan kita sa Islam. Tanggapin ang Islam at ikaw ay maliligtas. Igagawad sa iyo ng Allah ang iyong gantimpala nang dalawang ulit. Kung tatanggihan mo ang mensahe ng Allah, babalikatin mo ang mga kasalanan ng iyong mga tagasunod. Sabihin: “O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano): Halina kayo sa isang salita na sadyang makatarungan sa amin at sa inyo, na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, na huwag tayong magtambal ng anuman sa Kanya, na wala tayong ituturing ng iba pa bilang mga Panginoon bukod sa Allah. Pagkaraan nito, kung sila man ay magsitalikod, inyong sabihin (sa kanila): “Kayo ay saksi na kami ay mga Muslim (mga taong sumuko at tumalima sa Allah).†(Al-Imran 3:64)