Kailan ang kapanganakan ni Kristo?

In FAQ's

Milyon-milyong mga Kristiyano katulad ng Catholic Christianity at iba pa na nagsasabing ang kapanganakan ni Kristo ay sa December 25 kung kaya’t sila ay nagdiriwang sa araw na ito, at milyon-milyon din sa mga Kristiyano katulad ng Orthodox Christianity na nagsasabing sa January 6 or 7 ang kanyang kapanganakan. Kung gayon, alin kaya ang totoo sa dalawa, sa December ba o sa January ipinanganak si Kristo? O kaya’y sa iba pa dito? At ano naman ang pananaw sa Islām hindil dito?

Kung susuriin natin mabuti ay makikita natin ang tamang kasagutan sa Islām tungkol sa kapanganakan ni Kristo sa pamamagitan ng banal na Kasulatan. Sabi ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā) sa banal na Qur’ân:

وَهُزِّي إِلَيْكِ بِجِذْعِ النَّخْلَةِ تُسَاقِطْ عَلَيْكِ رُطَبًا جَنِيًّا. فَكُلِي وَاشْرَبِي وَقَرِّي عَيْنًا. سورة مريم

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At iyong ugain (kalugin) tungo sa iyo ang puno ng Palmera at malalaglag para sa iyo ang sariwa at hinog na bunga (ng Palmera). Kaya’t kumain ka (sa sariwa at hinog na bunga ng Palmera) at uminom ka (sa tubig) at ikaw ay maaaliw (sa bata)…” (Maryam 19:25-26)

Maliwanag sa talatang ito na ang kapanganakan ni Kristo ay sa panahon ng pagbubunga ng punong Palmera, at ang panahon ng pagbubunga nito ay hindi sa buwan ng December at hindi rin sa buwan ng January kundi sa panahon ng summer at ayon sa mga eksperto ay sa buwan ng August at September. Sapagkat sa December at January ay napakalamig na panahon lalo na sa Palestine kung kaya’t hindi nagbubunga ang Palmera sa panahon ng taglamig.

Sa Islām ay walang eksakto na petsa o araw kung kailan ipinanganak si Kristo sa kadahilanang:

1. Ang kapanganakan ni Kristo ay sa panahon ng summer base sa talata na nabanggit natin na kung saan panahon ng pagbubunga ng punong Palmera, subalit hindi rin masasabi kung anong eksaktong petsa o araw nito.

2. Ang kapanganakan ni Kristo ay kabilang sa mga bagay na nakalingid sa ating kaalaman na kailangan at nararapat paniwalaan ng sinumang Muslim, at tanging ang Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā)  lamang ang higit na nakakaalam kung anong petsa o araw nito.

3. Ang kapanganakan ni Kristo ay walang maidudulot na kabutihan o kapakinabangan kung sakaling alam natin at wala ring maidudulot na kasamaan o kapinsalaan kung hindi natin alam ang eksaktong petsa o araw nito.

4. Ang kapanganakan ni Kristo ay kung kailangang malaman pa ang eksaktong petsa o araw nito ay kailangan din malaman ang petsa o araw ng kapanganakan ng ibang mga Propeta at Sugo sumakanila ang kapayapaan tulad nila Moises, Abraham, Noah, Adan at iba pa sapagkat pare-pareho silang mga Propeta na dapat ay pantay-pantay ang pagkilala sa kanila.

5. Hindi ipinag-utos sa Islām ang pagdiwang ng kapanganakan ninuman maging ang mga Propeta at Sugo sumakanila ang kapayapaan.

Katotohanan, si Kristo- Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay ginagalang at pinaniniwalaan ng lahat ng mga Muslim sa buong Mundo bilang isang Propeta at Sugo ng Allǎh (Subḥānahu wa Taȁlā), at walang sinumang Muslim ang hindi kumikilala sa kanya.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu