Mga Karapatan ng mga Kapitbahay
1. Ang Pagiging Mabuti sa mga Kapitbahay: Ayon kay Àbdullǎh bin Omar bin Al-Ȁṣ (kalugdan siya ng Allǎh), katotohanang sinabi ni Propeta Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Ang mas mainam sa mga magkakasama para sa Allǎh ay ang may mabuting pakikisama sa kanila sa kanyang kasama, at ang mas mainam sa mga magkakapitbahay para sa Allǎh ay ang may mabuting pakikipagkapitbahay sa kanila sa kanyang kapitbahay.†Iniulat ni At-Tirmidzi, Tingnan ang Tafseer Ibnu Katheer, Unang Bahagi, Pahina 457.
2. Ang Pagbibigay ng Pagkain sa mga Kapitbahay: Sa isang naisalaysay na Ḥadeeth, sinabi ng Sugo ng AllÇŽh (á¹¢alla-AllÇŽhu Àlayhi wa Sallam): “Wala sa isang nananampalataya na siya’y nabubusog at ang kanyang kapitbahay ay nagugutom sa kanyang tabi.†Tingnan ang BinÄ Al-Usrah Al-Muslimah, Pahina 261. Sa isa pang Ḥadeeth, ayon sa ama ni Dzarr (kalugdan siya ng AllÇŽh) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng AllÇŽh (á¹¢alla-AllÇŽhu Àlayhi wa Sallam): “O ama ni Dzarr! Kapag ikaw ay nagluto ng maraqah (sabaw na may laman) ay damihan mo ang tubig niya, at pamimigyan mo ang iyong mga kapitbahay.†Iniulat ni Muslim, Tingnan ang Sharḥ RiyÄá¸uá¹£ á¹¢Äliḥeen, Ḥadeeth 2/304, Ikalawang Bahagi, Pahina 96.
3. Ang Pagbibigay ng Regalo sa mga Kapitbahay: Sa isang naisalaysay na Ḥadeeth, sinabi ng Sugo ng AllÇŽh (á¹¢alla-AllÇŽhu Àlayhi wa Sallam): “Magbigayan kayo ng regalo upang kayo ay magmahalan.†Tingnan ang BinÄ Al-Usrah Al-Muslima, Pahina 261. Sa isa pang Ḥadeeth, ayon kay È€ishah (kalugdan siya ng AllÇŽh) kanyang sinabi: sinabi ko: O Sugo ng AllÇŽh! Katotohanang ako’y may dalawang kapitbahay at alin sa dalawang ito ang bigyan ko ng regalo? Sinabi niya: “Sa alin ang pinakamalapit sa kanilang dalawa ang pintuan niya sa iyo.†Tingnan ang á¹¢aḥeeḥ Al-BukhÄri, Ḥadeeth 6020, Pahinan 711.
4. Ang Hindi Paggawa ng Anumang Kasamaan sa mga Kapitbahay: Ayon kay Abu Hurayrah (kalugdan siya ng AllÇŽh) kanyang sinabi: katotohanang sinabi ng Sugo ng AllÇŽh (á¹¢alla-AllÇŽhu Àlayhi wa Sallam): “Sumpa man sa AllÇŽh ay hindi (ganap na) nananampalataya! Sumpa man sa AllÇŽh ay hindi (ganap na) nananampalataya! Sumpa man sa AllÇŽh ay hindi (ganap na) nananampalataya!†May nagsabi: O Sugo ng AllÇŽh sino ba siya? Sinabi niya: “Ang taong hindi na nakakapagpahinga ang kanyang kapitbahay dahil sa kanyang kasamaan.†Napagkasunduan ang Ḥadeeth na ito nina Al-BukhÄri at Muslim, Tingnan ang Sharḥ RiyÄá¸uá¹£ á¹¢Äliḥeen, Ḥadeeth 3/305, Ikalawang Bahagi, Pahina 96.
5. Ang Hindi Pagmamanman sa mga Kapitbahay: Sabi ng AllÇŽh (SubḥÄnahu wa TaÈlÄ) sa banal na Qur’ân:
وَلاَ تَجَسَّسÙواْ وَلاَ يَغْتَب بَّعْضÙÙƒÙÙ… بَعْضًا Ø£ÙŽÙŠÙØÙبّ٠أَØَدÙÙƒÙÙ… Ø£ÙŽÙ† يَأْكÙÙ„ÙŽ Ù„ÙŽØْمَ Ø£ÙŽØ®Ùيه٠مَيْتًا ÙَكَرÙهْتÙÙ…Ùوه٠وَاتَّقÙواْ اللهَ Ø¥Ùنَّ اللهَ تَوَّابٌ رَّØÙيمٌ. سورة الØجرات
Ayon sa kahulugan ng talatang ito: “At huwag kayong magmamanman, at huwag libakin ng iba (isa) sa inyo ang iba (isa). Gusto ba ng isa sa inyo na kanyang kainin ang laman ng kanyang kapatid na patay? Tunay na kinasusuklaman ninyo ito, datapuwa’t katakutan ninyo ang AllÇŽh, katotohanang ang AllÇŽh ang tanging tumatanggap ng pagsisisi (pagbabalik-loob), ang pinakamahabagin.†(Al-HujurÄt 49:12)
Bawat isa sa atin ay may karapatan sa kanyang kapitbahay, kaya ating ibigay ang karapatan ng bawat isa.