Bakit ibinababa ng Islam ang dangal ng kababaihan sa pamamagitan ng pag utos sa kanila na takpan ang kanilang mga sarili?

In FAQ's

Tanong:

Bakit ibinababa ng Islam ang dangal ng kababaihan sa pamamagitan ng pag utos sa kanila na takpan ang kanilang mga sarili?

Sagot:

Ang katayuan ng mga kababaihan sa Islam ay madalas na target sa pag-atake ng sekular media. Ang “Hijab” o “Islamikong damit pambabae” ay nabanggit ng marami bilang isang halimbawa ng pagsupil sa mga kababaihan sa ilalim ng Islamikong batas. Bago namin ipaliwanag ang kadahilanan sa itinatagubilin na hijab, suriin muna natin ang katayuan ng mga kababaihan sa mga lipunan bago ang pagdating ng Islam.

1. Sa nakalipas na taon, ang mga kababaihan ay napakababa at ginamit bilang mga bagay ng libog.

Ang sumusunod na mga halimbawa mula sa kasaysayan ay upang ilarawan ang katotohanan na ang katayuan ng mga kababaihan sa mga naunang sibilisasyon ay napakababa na sila ay tinanggihan ng pangunahing dignidad ng tao.

1. Babylonian Civilization.

Ang mga kababaihan ay napakababa at pinagkaitan ng lahat ng karapatan sa ilalim ng batas ng Babylonia. Kung ang isang lalake ay pumatay sa isang babae, sa halip na siya ang parurusahan, ang kanyang asawa ang papatayin kahit walang kasalanan.

2. Greek Civilization.

Ang griyegong sibilisasyon ay itinuturing na pinakamaluwalhati sa lahat ng mga sinaunang sibilisasyon. Sa ilalim ng napaka “maluwalhating” sistema na ito, ang mga kababaihan ay pinagkaitan sa lahat ng karapatan at minamaliit. Sa griyegong mitolohiya, isang kathang isip na babae na tinatawag sa pangalang “pandora” ang nasabing dahilan ng kasawian ng sangkatauhan. Ang mga griyego ay tumuring sa kababaihan bilang mga “subhuman” at “inferior” sa mga lalaki. Kahit pa mahalaga ang kadalisayan ng kababaihan at ang kababaihan ay binigyan ng mataas na pagpapahalaga, ang mga griyego ay nalula sa pagkamaako at pagkamanyakis. Ang prostitusyon ay naging isang regular na gawain sa gitna ng lahat ng klase ng griyegong lipunan.

3. Roman Civilization.

Noon na ang romanong sibilisasyon ay nasa tugatog ng kaluwalhatian nito, ang isang lalake ay may karapatan na kitilin ang buhay ng kanyang asawa. Ang Prostitusyon at kahubdan ay karaniwan sa panahon ng mga Romano.

4. Egyptian Civilization.

Ang mga egyptians ay itinuturing ang mga kababaihan na kampon ng kasamaan at isang palatandaan ni satanas.

5. Pre Islamic Era

Bago pa ang Islam kumalat sa arabia, ang mga arabo ay napakababa ang pananaw sa mga kababaihan at kapag ang isang babaeng bata ay ipinanganak, siya ay iniliilibing na buhay.

2. Itinaas ng Islam ang katayuan ng kababaihan at binigyan sila ng pagkakapantay-pantay at inaasahan ang mga ito na panatilihin ang kanilang mga estado.

Hijab para sa kalalakihan

Ang mga tao ay karaniwang pinag uusapan ang hijab sa konteksto lamang ng mga kababaihan. Ganyunpaman, sa maluwalhating Quran, Si Allah ay unang nagbanggit ng hijab para sa mga kalalakihan bago pa man sa pag utos sa kababaihan.

Nabanggit sa Banal na Quran sa Surah Noor,

“Sabihin mo sa nanampalatayang mga lalake na nararapat nilang ibaba ang kanilang paningin at bantayan ang kanilang kahinhinan, ito ay para sa mas higit na kadalisayan para sa kanila. Si Allah ang lubos na Nakababatid sa lahat na kanilang ginagawa.”

(Al Quran 24:30)

Sa pagkakataon na ang isang lalake ay tumingin sa isang babae, at kung mayroon man brazen o malisyosong pag iisip sa kanyang utak, inoobliga siya na ibaba ang kanyang paningin.

Hijab para sa kababaihan

Ang susunod na talata sa Surah Noor ay nagsasabing,

“At sabihin mo sa mga nanampalatayang kababaihan na dapat nilang ibaba ang kanilang paningin at bantayan ang kanilang kahinhinan. Huwag ipakita ang kanilang kagandahan at burloloy maliban kung ano lumitaw niyaon. Na dapat nilang ibaba ang belo sa kanilang mga bossoms at huwag ipakita ang kanilang kagandahan maliban sa kanilang mga asawa, ang kanilang mga ama, ang ama ng kanilang asawa, at ang kanilang mga anak.”

(Al Quran 24:31)

3. Anim (6) na pamantayan para sa Hijab “Islamikong pananamit”:

1. Saklaw:

Ang unang saligan ay ang lawak ng katawan na matakpan. Ito ay naiiba para sa mga kalalakihan at kababaihan. Ang marapat na takpan sa mga lalake ay hindi bababa mula sa pusod hanggang sa mga tuhod. Para sa mga kababaihan, ang lawak na sumasaklaw na marapat takpan ay ang buong katawan maliban sa mukha at mga kamay patungo sa pulso. Kung nanainisin nila, maaari nilang masakop takpan ang lahat ng bahagi ng kanilang katawan. Ang ilang mga iskolar ng Islam ay iginiit na ang mukha at mga kamay ay bahagi ng sapilitang lawak ng hijab.

1. Ang lahat ng mga natitirang limang pamantayan ay parehong para sa mga kalalakihan at kababaihan.

2. Ang mga damit na sinusuot ay dapat na maluwag at hindi dapat ibunyag ang hubog ng katawan.

3. Ang mga damit na sinusuot ay hindi dapat maging transparent na ang isang tao ay maaaring makita ang kanilang katawan sa pamamagitan nito.

4. Ang mga damit na sinusuot ay hindi dapat maging kaakit-akit upang maakit ang kabaligtarang kasarian.

5. Ang mga damit na sinusuot ay hindi dapat maging katulad sa kabaligtarang kasarian.

6. Ang mga damit na sinusuot ay hindi dapat maging katulad sa mga hindi nanampalataya.

4. Ang “hijab” ay may kasamang pag-uugali at pag intindi sa mga iba pang mga bagay.

Ang kumpletong hijab bukod sa anim na pamantayan ng damit, ay kabilang din ang moral na pag-uugali, saloobin, at intensyon ng mga indibidwal. Ang isang tao na tinutupad lamang niya ang hijab na condisyon ng damit ay katotohanan merong limitadong pag unawa. Ang condisyon ng hijab ay dapat na sinasamahan ng, “hijab ng mga mata”, “hijab ng puso”, “hijab ng pag-iisip”, at “hijab ng intensyon”. Marapat din natin malaman na maliban sa mga bagay na yan, ang ibang condisyon ng hijab ay ang pamamaraan kung paano siya maglakad, magsalita, at makitungo sa mga tao sa paligid niya etc.

5. Ang Hijab is isa sa humahadlang sa pang iistorbo.

Ang pangunahing dahilan kung bakit ipinag utos ang hijab para sa mga kababaihan ay nabanggit sa Quran sa mga sumusunod na talata ng Surah Al Ahzab:

“O Propeta! Sabihin sa iyong asawa at mga anak na babae at sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba ang kanilang mga panlabas na kasuutan, iyon ay mas makakabuti. Na dapat sila ay makilala at hindi ma molestya. Si Allah ay malimit na mapagpatawad, ang pinaka-maawain.”

(Al Quran 33:59)

Itinala sa Quran na ang hijab ay iniutos para sa mga kababaihan upang sila ay kilalanin bilang mga nangangalaga sa kanilang pagkababae at sa pamamagitan din nito maiiwasan ang pang momolestya.

6. Ang halimbawa ng kambal na magkapatid. Ipagpalagay natin na dalawang babae na mga kambal, at pantay ang kanilang kagandahan, sila ay maglalakad sa kalye. Isa sa kanila ay nagsuot ng Islamikong damit, tinakpan ang buong katawan maliban sa mukha at kamay. Ang isa pang kapatid na babae ay nagsuot ng western na pananamit, maiksing palda o shorts. Sa paligid ng sulok sa kalye, may isang bagamundo o isang rufian na naghihintay para sa isang catch, upang mang-ulol ng mga babae. Sa palagay mo, kay kanino siya mangbabastos? Sa babaeng nkasuot ng hijab o sa babaeng may suot ng maikling palda o shorts? Natural na uululin niya ang babaeng may suot ng nagsisiwalat na damit. Dahil ang ganitong klaseng pananamit ay isang di-tuwirang imbitasyon sa mga lalake para manukso at magbastos. Itinala sa mkatarungan na Quran na ang hijab ay humahadlang sa kababaihan mula sa kabastosan ng nasa paligid ng ating lipunan.

7. Parusang kamatayan para sa mga rapists.

Sa ilalim ng batas Islamiko, ang isang tao na nahatulan ng pagkakaroon ng kaso na Rape sa isang babae ay ibinibigay ang parusang kamatayan. Marami ang namangha na may ganitong malupit pangungusap. Sinasabi pa ng iba na ang Islam ay isang walang awa at salbaheng relihiyon!

Ako ay nagtanong ng daan-daang mga hindi muslim na lalaki. Ipagpalagay mo, nawa’y hindi ipahintulot ng diyos. Kung ang isang lalake ay gagahasain niya ang iyong anak na babae, kapatid na babae o ina. At ikaw ay ginawa na tagapaghukom at ang rapist ay nasa harap mo, ano ang iyong gagawin? Lahat sila ay nagsabing ilagay sa kamatayan. Ilan sa kanila ay nagsabing ang rapist ay pahihirapan hanggang sa kamatayan.

Itinanong ko rin sa kanila, kung ang isang tao ginahasa ang iyong mga kababaihan na miyembro ng inyong pamilya, gusto mong ilagay ang rapist sa kamatayan. Ngunit kung ito ay nangyayari sa ibang tao sa mga kapatid nila na babae, anak na babae, at ina, sasabihin ninyong ang parusang kamatayan ay kawalang katarungan. Bakit nagkakaroon ng walang katarungan na pamantayan?

8. Ang western na lipunan ay pasinungaling na sinabing itinaas nila ang dangal ng kababaihan.

Ang kanilang usapin patungkol sa liberalisasyon ng kababaihan ay walang anuman kundi isang pagpapanggap upang pagsamantalahan ang katawan ng kababaihan, marawal na kalagayan ng kaniyang kaluluwa, at pag-agaw ng kanyang karangalan.

Inaangkin nilang itinaas nila ang dignidad ng kababaihan. Ngunit sa kabilang banda, tunay na ito ay nagpapasama sa katayuan ng mga babae, nagiging kabit, sila ay nagagamit sa kasangkapan ng mga lalakeng naghahanap ng kasiyahan sa maruming paraan, at nakatago sa likod ng makulay na screen ng sining at kultura.

9. USA ay isa sa mga may pinakamataas na tantya ng panggagahasa.

Ang United States of America ay dapat na maging isa sa mga advanced countries sa mundo. Mayroon din itong isa sa mga pinakamataas na rate ng panggagahasa na kaso. Ayon sa isang ulat sa FBI , sa taon 1990, araw-araw sa average na 1,756 mga kaso ng panggagahasa ang naiiulat sa USA lamang. Sa ibang pagkakataon, isa pang ulat sinabi na araw-araw ay 1,900 panggagahasa na kaso ang nagaganap sa America. Hindi naiulat ang taon kung kailan ito naganap. Marahil ito ay naganap sa 1992 o kaya 1993. At sila ay hindi na ma kontrol sa sumunod na mga taon.

Isaalang-alang ang sitwasyon kung saan ang hijab ay ginagampanan sa America. Tuwing may lalake na tumingin sa isang babae at anumang brazen o malisyosong pag iisip ang dumating sa kanyang ulo, siya ay yuyuko sa kanyang titig. At bawa’t babae ay magsusuot ng Islamikong damit. Pagkatapos nito, kung ang isang lalake ay mangagahasa, siya ay bibigyan ng parusang kamatayan. Gusto ko ngayon itanong, tataas ba ang rate ng Rape Crime sa ganyang sitwasyon? Mananatiling pareho? O ito ay mababawasan?

10. Ang pagpapatupad ng Islamikong batas ay maaaring mabawasan ang tantya ng pangagahasa.

Naturally, sa lalong madaling Islamikong batas ay ipinatupad, positibong resulta ay tiyak na mangyayari. Kung Islamikong batas ay ipapatupad sa anumang bahagi ng mundo, kahit pa ito ay america o europe, ang lipunan ay mas makakahinga ng mas madali. Ang hijab ay hindi upang pababain ang sarili ng isang babae ngunit ito ay upang maitaas ang dangal ng isang babae at protektahan ang kanyang kababaang-loob at kalinisang-puri.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu