Tanong:
Kung ang lalaki ay pinapahintulotan na magkaroon ng higit sa isang asawa, kung gayon bakit ipinagbawal ng Islam ang babae na magkaroon ng higit sa isang asawa?
Sagot:Â
Maraming mga tao, kasama na ang iilan sa mga Muslim, ay inuusisa ang lohiko sa pagpapahintulot sa mga lalaking Muslim na magkaroon ng higit sa isang asawa habang ang “karapatang” ito ay ipinagkakaila sa mga babae.
Hayaan niyong ilahad namin ito ng mariin, na ang pundasyon ng Islamikong lipunan ay ang hustisya at katarungan. Si Allah ay lumikha sa lalaki at babae na magkapantay, ngunit mayroong magkaibang kakayahan at magkaibang responsibilidad. Ang lalaki at babae ay hindi magkapareha, sa pisikal at psycholohikal. Ang kanilang tungkulin at responsibilidad ay magkaiba. Ang lalaki at babae ay pantay ngunit hindi magkapareha.
Sa Surah Nisa’ Kabanata 4 talata 22 hanggang 24 ay nagbigay ng listahan ng mga babaeng hindi maaring pakasalan at ito ay patuloy na binanggit sa Surah Nisa’ Kabanata 4 talata 24 “Gayundin (ipinagbawal ang) mga babaeng kasal na.â€
Ang mga sumusunod na punto ay bumibilang sa mga dahilan kung bakit ang polyandry ay ipinagbabawal sa Islam:
1. Kung ang lalaki ay mayroong higit sa isang asawa, ang mga magulang ng mga anak sa ganoong kasal ay madaling tukoyin. Ang ama ganon din ang ina ay madaling tukoyin. Sa kaso ng babaeng mag-aasawa ng higit sa isang asawang lalaki, ang ina lamang ng mga anak na isinilang sa ganoong kasal ang matutukoy at hindi ang ama. Ang Islam ay nagbibigay ng napakalaking halaga sa pagkakakilanlan sa mga magulang, ang ama at ina. Ang mga Psychologists ay nagsasabi sa atin na ang mga anak na hindi kilala ang kanilang mga magulang, lalo na ang kanyang ama ay napapasailalim sa lubhang trauma sa pag iisip at pagkabagabag. Kadalasan sila ay nagkakaroon ng malungkot na kabataan. Ito ang dahilan na ang mga anak ng mga bayaran ay hindi nagkakaroon ng malusog na kabataan. Kung ang batang isinilang sa ganoong matrimonio ay tinanggap sa paaralan, at kung ang ina ay tinanong sa pangalan ng ama, ay kailangan niyang magbigay ng dalawa o higit pang mga pangalan! Batid namin na ang mga kasalukuyang mga pag-unlad sa syensiya ay ginawang posible sa kapwa ina at ama na matukoy o makilala sa tulong ng genetic testing. Kaya ang puntong ito na nauukol sa nakaraan ay maaring hindi na nauukol sa kasalukuyan.
2. Ang lalaki ay mas polygamous sa kanyang kalikasan kung ihahambing sa babae.
3. Biologically, mas madali para sa isang lalaki na isigawa ang kanyang tungkulin bilang isang asawa kahit pa sa pagkakaroon ng higit sa isang asawa. Ang isang babae, sa katulad na kalagayan, sa pagkakaroon ng iilang asawa, ay hindi makikitang posible ang pagsagawa ng kanyang tungkulin bilang asawa. Ang babae ay mapapasailalim sa iilang mga psykolihikal at pagbabago sa pag-uugali dahil sa pabago-bagong lagay ng menstrual cycle o kanyang pag reregla.
4. Ang babaeng may higit sa isang asawa ay magkakaroon ng maraming sexual partners ng sabay sabay at mas may mataas na pagkakataon na makakuha ng venereal diseases o kaya STD na maaring maipasa sa kanyang asawang lalaki kahit pa lahat sila ay hindi nagkaroon ng extra-marital sex. Ito ay hindi ang kaso sa isang lalaking may higit sa isang asawa, at wala sa kanila ang mayroong extra-marital sex.
Ang mga dahilan sa itaas ay yaong madaling tukoyin. Marami pa sigurong mga dahilan kung bakit si Allah, sa kanyang walang katapusang karunongan, ay nagbawal sa polyandry.