TAGAPAGTATAG: Joseph Bates, James White, Ellen G. White, J. N. Andrews
ARAW NA ITINATAG: May 21, 1863
LUGAR: Battle Creek, Michigan
Ang Seventh-day Adventist Church ay isang sanga ng Protestanteng Kristiyanismo na natatangi sa kanyang pag-obserba sa araw ng sabado, ang original na ika-pitong araw sa Judeo-Christian week, na tinatawag na sabbath, at sa pagbibigay diin nito sa pagbabalik muli (advent) ni Jesu-Kristo. Kaya nila tinawag ang kanilang sarili na seventh day adventist o SDA dahil sila ay naghihintay sa pagdating (advent) ng sabbath.
Ang denominasyong ito ay nagmula sa Millerite movement sa estados Unidos sa kalagitnaang bahagi ng 19th century at ito ay pormal na naitatag noong 1863. Isa sa mga nagtatag nito ay si Ellen G. White, kung saan karamihan sa kanyang mga naisulat ay inilagay sa mataas na antas at respeto ng simbahang SDA sa ngayon.
Ang SDA ay siyang pinakamalaki sa iilang groupo ng mga adventists na sumibol mula sa Millerite movement noong 1840s sa Upstate New York, isa itong bahagi ng panahong tinawag na Second Great Awakening. Si William Miller ay humula base sa Daniel 8:14-16 at sa isang konsepto na tinawag na “day-year principle†na si Jesu-Kristo ay babalik sa mundo sa kalagitnaan ng tagsibol ng 1843 at sa tagsibol ng 1844. Sa Summer ng 1844, ang mga Millerite adventists ay naniwalang si Jesus ay babalik sa Oktobre 22, 1844, na siyang pinaniniwalaan nilang ang “Biblical day of atonement†sa taong iyon. Nung hindi ito nangyari (at ito ang pangyayaring tinawag na “great disappointmentâ€), ang karamihan sa mga taga sunod ni Miller ay nagsialisan at bumalik sa kanilang mga dating kinabibilangang simbahan.
Ang iilan sa mga Millerites ay naniniwalang ang calculation ni Miller ay tama ngunit ang kanyang interpretasyon sa Daniel 8:14 ay nagkamali dahil kanyang pinaniwalaan na ang ‘mundo ay siyang lilinisin’ o na si Kristo ay pupunta upang linisin ang mundo. Ang mga adventists na ito ay nagkaisa sa paniniwalang ang Daniel 8:14 ay siyang hula patungkol sa pagpasok ni Kristo sa pinaka banal na lugar sa langit at hindi sa kanyang pangalawang pagbabalik. Ang bagong kaalamang ito patungkol sa isang pinakabanal na lugar sa langit ay naging isang mahalagang bahagi ng kanilang kaisipan. Makaraan ang iilang dekada ang kaisipang ito ay na-develop at naging isang doktrina ng investigative judgement: an eschatological process commencing in 1844 in which Christians will be judged to verify their eligibility for salvation and God’s justice will be confirmed before the universe.
Ang groupong ito ng mga adventist ay nagpatuloy sa kanilang paniniwala na ang pangalawang pagbabalik ni Kristo ay nalalapit na ngunit sila ay tumigil na sa pagtatakda ng petsa kung kailan ito mangyayari, at kanilang sinipi ang Revelation 10:6, “that there should be time no longer.â€
Ang simbahang ito ay pormal na naitatag sa Battle Creek, Michigan, noong May 21, 1863 na meron lamang 3,500 membro. Ang kanilang headquarter ay di kalaunan inilipat sa Takoma Park, Maryland mula sa Battle Creek, at doon sila ay nanatili hanggang sa taong 1989. Ang headquarter ng general conference ng mga SDA ay nailipat na naman sa Silver Spring, Maryland at ito ang kanyang current location hanggang ngayon.
MGA PANINIWALA
Ang opisyal na katuruan ng SDA ay napaloob sa tinatawag nilang 28 Fundamental Beliefs. Ang mga paniniwalang ito ay na adopt lamang ng General Conference noong 1980, at ang bagong paniniwalang idinagdag (number 11) ay dinagdag lamang noong 2005. Ang pagtanggap sa alinman sa dalawang binyag ng simbahang SDA ay kinakailangan para sa membership. Ang mga sumusunod na statements of belief ay hindi na kailangan basahin o kaya tanggapin bilang isang credo na nakabatay sa isang matibay na teolohiya. Ang mga adventist ay naniniwala at tumatanggap sa isa lamang credo: “The Bible, and the Bible alone.â€
Ang doktrina ng mga adventist ay kagaya ng trinitarian protestant theology, na may pagbibigay diin sa PREMILLENIAL at ARMINIAN na paniniwala. (tatalakayin sa baba). Ang mga adventist ay nagtuturo at naniniwala sa mga katuruan gaya ng pagkawalang mali ng mga kasulatan, ang pagbabangong muli ng mga patay at ang pagiging matuwid sa pamamagitan ng paniniwala lamang at kaya sila ay nai-konsider na mga evangelical. Sila ay naniniwala sa Baptism by Immersion (http://en.wikipedia.org/wiki/Immersion_baptism) at sa pagkakalikha ng lahat ng bagay sa loob ng literal na anim na araw. Ang makabagong creationist movement ay nagsimula sa adventist na si George McCready Price, na na inspire sa mga pangitain ni Ellen G white.
Ito ay iilan sa mga paniniwaang nag-iiba sa Adventism sa ibang mga sekta ng Kristiyanismo, ngunit hindi lahat ng mga katuruang ito ay unique sa adventism lang:
—Law (fundamental belief 19)— the Law of God is “embodied in the Ten Commandmentsâ€, which continue to be binding upon Christians.
—Sabbath (fundamental belief 20)—the Sabbath should be observed on the seventh day of the week, specifically, from Friday sunset to Saturday sunset.
—Second Coming and End times (fundamental beliefs 25–28)—Jesus Christ will return visibly to earth after a “time of troubleâ€, during which the Sabbath will become a worldwide test. The second coming will be followed by a millennial reign of the saints in heaven. Adventist eschatology is based on the historicist method of prophetic interpretation.
—Wholistic human nature (fundamental beliefs 7, 26)—Humans are an indivisible unity of body, mind and spirit. They do not possess an immortal soul and there is no consciousness after death (commonly referred to as “soul sleepâ€). (See also: Christian anthropology)
—Conditional immortality (fundamental belief 27)—The wicked will not suffer eternal torment in hell, but instead will be permanently destroyed. (See: Conditional immortality, Annihilationism)
—Great Controversy (fundamental belief 8)—Humanity is involved in a “great controversy†between Jesus Christ and Satan. This is an elaboration on the common Christian theory that evil began in heaven when an angelic being (Lucifer) rebelled against the Law of God.
—Heavenly sanctuary (fundamental belief 24)—At his ascension, Jesus Christ commenced an atoning ministry in the heavenly sanctuary. In 1844, he began to cleanse the heavenly sanctuary in fulfillment of the Day of Atonement.
—Investigative Judgment (fundamental belief 24)—A judgment of professed Christians began in 1844, in which the books of record are examined for all the universe to see. The investigative judgment will affirm who will receive salvation, and vindicate God in the eyes of the universe as just in his dealings with mankind.
—Remnant (fundamental belief 13)—There will be an end-time remnant who keep the commandments of God and have “the testimony of Jesus†(Revelation 12:17). This remnant proclaims the “three angels’ messages†of Revelation 14:6–12 to the world.
—Spirit of Prophecy (fundamental belief 18)—The ministry of Ellen G. White is commonly referred to as the “Spirit of Prophecy†and her writings are considered “a continuing and authoritative source of truthâ€,[23] though ultimately subject to the Bible. (See: Inspiration of Ellen White)
Ang Sabbath para sa mga SDA
Ang ikapitong araw ng sabbath, na ino-obserbahan mula sa paglubog ng araw sa araw ng bieyrnes hanggang sa paglubog ng araw sa araw ng sabado, ay isang mahalagang bahagi ng paniniwala at gawain ng mga SDA na simbahan. Ang mga simbahang ito ay nagbigay diin sa mga referencia sa Bibliya gaya ng mga gawain ng sinaunang mga hebreo na nagsisimulang magbilang ng DAY sa paglubog ng araw, at ang nakasulat sa Genesis kung saan ang “gabi at umaga†ay siyang bumubuo sa DAY o araw, na mas nauna pang naipahayag sa sampong utos (kung saan nakasulat ang utos sa pagala-ala sa sabbath). Ang Sabbath ay siyang gawain ng lahat o kaya halos lahat ng mga sinaunang simbahan noong 4th century.
Ang mga Kristiyanong nag oobserba sa ikapitong araw ng sabbath ay naghahangad na maitatag mula ang gawain ng mga sinaunang mga apostol na nagiingat sa sabbath. Sila ay naniniwalang ang lahat ng mga tao ay obligado na sumunod sa sampung utos, kasama na ang sabbath, at na ang pagsunod sa mga utos na ito ay isang moral na responsibilidad na siyang gumagalang, at nagpapakita ng pagmamahal sa Dios na tagapaglikha, ang nagbibigay ng panustos, ang tagapagligtas. Ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi nag oobserba sa Sabbath sa ikapitong araw, na naniniwalang ito ay napawalang bisa na, kaya sila ay nagsasagawa nito sa araw ng linggo, the first day of the week, bilang Lord’s Day at ang araw ng pagkabuhay na muli ni JesuKristo, at sa ibang mga tradisyon tinatawag nilang ang Sabbath ng mga Kristiyano.
PAG-UUTOS SA SABBATH
Ang pag uutos patungkol sa Sabbath ay matutunghayan sa Bibliya at ito ay kasali sa sampung utos ng Dios. Ang pang apat na utos sa 10 commandments ay nagsasabi:
“Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito’y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya’t ito’y aking pinagpala at inilaan para sa akin.â€
Kaya dito ay mababasa natin na ipinag-utos nga ng Dios na tandaan at bantayan ang araw ng Sabbath, bilang ikapitong araw kung saan nagpahinga ang Dios matapos niyang likhain ang lahat ng mga nilikha. Sa araw na ito ay ipinagbawal ang kahit na anomang pagta-trabaho, kahit pagwawalis, pagluluto, paglalaba at iba pa.
Ano ang parusa pag ikaw ay gumawa ng anomang trabaho sa araw ng sabbath?
Sinabi ng Dios sa Bibliya, sa Exodus 31:15– “Anim na araw na gagawin ang gawain; datapwat ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin.â€
Kaya, kung ang mga seventh day adventist ay patuloy na magbabantay sa sabbath, edi dapat hindi na sila mag trabaho ni magluto man lamang ng pagkain sa tuwing sabado.
May pinatay ba dahil siya ay gumawa sa araw ng sabbath?
Sa numbers 15:32-36– “Nang sila’y nasa ilang, may nakita silang nangangahoy sa Araw ng Pamamahinga. 33 Iniharap nila ito kina Moises, Aaron at sa buong kapulungan. 34 Ikinulong muna siya habang hindi pa tiyak kung ano ang gagawin sa kanya. 35 Kaya’t sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dalhin siya sa labas ng kampo at pagbabatuhin ng buong kapulungan hanggang mamatay.†36 Ganoon nga ang ginawa nila.â€
Maraming naninira sa Islam at sa Qur’an daw ay maraming mga talata na nag-uutos ng pagpaslang. Ang sagot ko naman, at least sa Qur’an walang pinatay dahil namulot lang ng kahoy ang kasalanan!
PARA SAAN IPINAG-UTOS ANG SABBATH?
Ang mga SDA ay mahilig gumamit ng mga talata sa Qur’an upang gawing patunay na ang mga Muslim ay lumabag sa utos ng Allah dahil sa sila ay hindi nag oobserba sa araw ng sabbath. Ang mga bersekulong kanilang ginagamit ay ito:
Suratul Baqarah verse 65– “And you had already known about those who transgressed among you concerning the sabbath, and We said to them, “Be apes, despised.†Yun daw mga hindi sumunod sa Sabbath ay ginawang mga unggoy ng ALLAH. Pero ang context ng bersekulong ito ay nagsimula sa verse 63 na nagsasabing:
“And [recall] when We took your covenant, [O Children of Israel, to abide by the Torah] and We raised over you the mount, [saying], “Take what We have given you with determination and remember what is in it that perhaps you may become righteous.†Ang mensahe pala na ito ay naka-address sa mga Israelitas lamang at hindi kasama ang mga SDA.
Ang sampung utos, kasama na dito ang sabbath, na ipinahayag kay Moses ay ipinag-utos lamang sa mga taga Israel at hindi para sa buong mundo. Maging ang kanilang sariling Bibliya ay sumasang-ayon din dito.
Malachi 4:4– “Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moses na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa BUONG ISRAEL.â€â€” iyon ay dahil si Moses, kagaya ni Jesus ay propeta na para sa Israel lamang.
Exodus 31:16– “Kayat ang mga anak ni israel ay mangingilin ng sabbath, natutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan.â€
Exodus 31:17– “Ito’y isang palatandaan ko at ng bansang Israel, at ito’y mananatili habang panahon. Sapagkat sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa at nagpahinga ako sa ikapitong araw.â€
Kaya, malinaw na ang Bibliya ay sumasang-ayon sa Qur’an na ito ay para sa Israel lamang. Patungkol sa pagiging walang katapusan ng Sabbath, sa katotohanan, ito ay tinapos na ng Diyos.
Isaias 1:13– “Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga; nasusuklam ako sa usok ng insenso. Nababagot na ako sa inyong mga pagtitipon, kung Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga; ang mga ito’y walang saysay dahil sa inyong mga kasalanan.â€
SI ELLEN G WHITE
Si Ellen Gould White (ipinanganak sa Harmon) (November 26, 1827 – July 16, 1915) ay isang tanyag na manunulat at isang american Christian Pioneer. Siya, kasama ng ilan pang mga kilalang Sabbatarian na mga lider ng Adventist, gaya ni Joseph Bates at ang kanyang asawa na si James White, ay siyang nagtatag ng Seventh Day Adventist na simbahan.
Si Ellen G White ay nagbalita sa kanyang mga kasamang sa paniniwala tungkol sa kanyang mga pangitain. Si James White, at ang ilan pa sa mga pioneer ng Adventists, ay naniniwalang ang mga pangitaing ito ay Biblical Gift of Prophecy gaya ng nakasaad sa Revelation 12:17 at 19:10 na naglalarawan sa testimonya ni Jesus bilang ang “spiritu ng prophesiyaâ€. Ang kanyang mga naisulat na serye na tinawag na “conflict of the ages†ay sumubok na maipakita ang kamay ng Dios sa Biblical at Christian Church History. Ito ay nakilala din bilang “Great controversy Themeâ€, at isa sa mga naging sanhi sa pag develop ng teolohiya ng mga SDA.
Si White ay nagsimulang magkaroon ng mga pangitain pagkatapos ng Millerite Great Disappointment. Ang historian na si Randall Balmer ay naglarawan kay EGW bilang “isa sa mga pinaka mahalagang tao na nakilala sa kasaysayan ng relihiyonâ€. Si Walter Martin ay naglarawan sa kanya bilang “isa sa pianaka tanyag at kontrobesiyal na persona sa kasaysayan ng relihiyonâ€.
HEAD INJURY NI EGW
Sa edad na 9 years old, si Ellen ay binato ng kanyang kapwa mag-aaral. Ang natamo niya ay ang pagka-disfigure ng kanyang ilong, at siya ay na coma sa loob ng mga ilang linggo. (source: “1 – My Childhoodâ€. Testimonies. 1 page=124. Christian Resource Centre (Bermuda). Retrieved 2013-03-16.)
Kayat si Ellen ay nagsulat patungkol sa kanyang experience:
“This misfortune, which for a time seemed so bitter and was so hard to bear, has proved to be a blessing in disguise. The cruel blow which blighted the joys of earth, was the means of turning my eyes to heaven. I might never had known Jesus Christ, had not the sorrow that clouded my early years led me to seek comfort in him.â€
Ilang taon matapos ang injury, si Ellen, kasama ng kanyang mga magulang, ay nag attend ng Methodist camp meeting sa Buxton, Maine, at doon sa edad na 12, siya ay na convert at naging kasapi ng Methodist.
MGA PANGITAIN NI EGW
Si J. N. Loughborough, na siyang saksi kay White habang siya ay nakakakita ng mga pangitan, 50 times simula noong 1852, at ang kanyang asawa na si James White, ay nagsulat ng iilan sa mga Physical na nangyayari kay EGW na siyang tanda ng pangitain:
1– Kung siya ay makakakita ng pangitain, siya ay sisigaw ng tatlong beses, “Glory!†na nage-echo, ang tunog, lalo na ang pangatlo, ay mas mahina ngunit mas nakakapanabik kaysa sa una, ang tinig niya ay kagaya ng isang tunog na malayo sa iyo, at dahan-dahan na nawawala. (source: White, Arthur L. 1985, “Chapter 7 – (1846-1847) Entering Marriage Lifeâ€, Ellen G. White: The Early Years, Vol. 1 1827-1862, pages 122-123)
2– Sa iilang mga segundo, siya ay malulustay, na wala nang lakas. At bigla na lamang siyang mapupuno ng malakas na kapangyarihan (superhuman strength), minsan siyay tatayo at maglalakad sa loob ng silid. Kadalasan niyang iginagalaw ang kanyang mga kamay, mga braso at magbibigay ng mga sinyales na may kalayaan at graceful (Ballet dancer pala itong Propeta ng SDA). Ngunit, sa anomang posisyon na igagalaw niya ang kanyang kamay o balikat, ito ay hindi mapipigilan o kaya mako-control kahit na ng pinakamalakas na tao. Sa 1845, binuhat niya ang 18.5 pounds na bibliya ng kanilang pamilya sa kanyang bukas na palad sa loob ng kalahating oras. Siya ay may timbang na 80 pounds sa panahong iyon.
3– Siya ay hindi humihinga sa lahat ng oras kung siya ay nakakakita ng mga pangitain na tumatagal mula 15 minutes hanggang 3 oras. Ngunit ang kanyang pulso ay regular at ang kanyang condition ay nananatiling mabuti.
4– Ang kanyang mata ay palaging nakabukas at hindi kumukurap; ang kanyang ulo ay naka taas, na tumitingin sa taas na may magandang pagmumukha gaya ng tumatanaw sa isang malayong bagay. Maraming mga physicians, sa ibat ibang pagkakataon, ay nagsagawa ng pagsusuri sa kawalan ng kanyang paghinga at iba pang mga hindi karaniwang pangyayari.
5– Siya ay walang kaalam alam sa lahat ng bagay na nangyayari sa kanyang paligid, at siya ay parang wala sa mundong ito, kundi nasa presensiya ng mga nilalang sa langit.