Naiambag ng mga Muslim sa kaalamang pang-medisina

In Trivia

Alam niyo bang ang mga pinaka bantog na mga Physician noon ay mga Muslim? Sila ay sumulat ng maraming aklat na naging authority sa kaalamang pang-medisina na naitranslate sa ilang mga linguahe gaya ng latin kaya sila naging accessible sa buong europe. Ayon kay Dr. Donald Campbell, isang 20th century historian of arabian medicine:

“The European medical system is arabian not only in origin but also in structure. The Arabs are the intellectual forebears of the Europeans.”

Ang pinaka kilalang ospital na nakapag produce ng maraming medical scholars ay tinawag na Al-Qayrawan, sa Tunisia, ang hotbed of medical knowledge. Ang kaalamang ito ay dinala sa Europe ng mga tao gaya ni Constantine the African. Ang pinaka tanyag na translation ni Constantine ay ang “The Royal Book” ni 10th century Physician Ali ibn Abbas Al-Majusi, na kilala sa latin bilang “Pantegni”. Ito ay nailathala sa Lyons, France noong 1515 at sa Basel, Switzerland noong 1536.

Ang “The Guide for the Traveler Going to Distant Countries or Traveller’s Provision” ay isang bestseller na naisulat ni Ibn Al-Jazzar, na nag practice at nag aral sa Al-Qayrawan Hospital. Ito ay naitranslate ni Constantine sa Latin bilang Viaticum peregrinantis at si Synsesios at nag translate nito sa Greek at Hebrew bilang Zedat ha-derachim at ito ay mas lalong sumikat at naging international bestseller at most read status. Ito ay isinama sa “Articella” o Ars Medicinae, isang compendium ng medical textbooks na ginamit sa mga medical schools at universities sa Salermo, Montpellier, Bologna, Paris, at Oxford.

Isang Muslim na si Ibn Sina, na nakilala bilang “Prince of Physicians” ay nagsulat ng kanyang Canon noong 11th Century na nanatiling supreme authority sa buong mundo sa loob ng 6 years. Ang kanyang mga naisulat ay nagdulot ng marka sa iilang tanyag na mga persona gaya nina Albertus Magnus, St. Thomas, Duns Scotus at Roger Bacon.

Ang pinakaunang alphabetical classification ng mga medical terms, na nagtala ng mga pangalan ng medical illnesses, mga gamot, physiological processes, at lunas, ay tinawag na Kitab Al-Ma’a or Ang Aklat ng Tubig na naisulat ni Al-Azdi, kilala din bilang Ibn al-Thalabi. Tinawag itong Kitab Al-Ma’a dahil ang pinaka unang salita sa entry ay ang salitang tubig.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu