Tungkol sa Amin
Ang konsepto at layunin ng pagsamba sa Islam ay hindi pareho sa iba pang relihiyon na ngayon ay umiiral. Pinagsasama nito ang kamunduhan sa espirituwal , ang indibidwal sa lipunan, at ang kaluluwa sa pisikal na katawan ng tao. Ang pagsamba ay may natatanging papel sa Islam, at sa pamamagitan ng pagsamba , ang isang tao ay itinuturing na isang tunay na Muslim na namumuhay alinsunod sa kagustuhan ng Diyos na Tagapaglikha . Ang kahalagahan ng pagsamba ay makikita sa katotohanan na ito ay ipinagutos ng Diyos na Tagapaglikha sa mga naunang relihiyon sa Islam. Sinabi ng Diyos sa Quran : “At katotohanan, Kami ay nagsugo sa bawat tao ng sugo (na may kautusan) : sambahin ang Diyos na Tagapaglikha… ” (Qur’an 16:36 )