Karapatan ng kababaihan sa Islam

In Artikulo

Karapatan ng kababaihan sa Islam

Tinanong ni Mu’awiya ibn Hayda si Propeta Muhammad – saws: O Propeta ng Allah; anong mga karapatan mayroon ang aming mga asawa sa amin? Si Propeta Muhammad – saws ay sumagot at kanyang sinabi: “Kailangan mo siyang pakainin tulad ng pagpapakain mo sa iyong sarili, bihisan sila tulad ng pagbibihis mo sa iyong sarili, huwag mo silang ipanalangin na papangitin sila ng Allah (ito ay tumutukoy sa dating kaugalian ng mga arabo na kapag sila ay nagagalit ay sinasabi nila sa kanilang asawa na papangitin nawa ng Allah ang iyong mukha); huwag mo silang sasaktan sa kanilang mukha; at kapag ayaw mong tumabi sa inyong higaan; huwag kang lalabas ng bahay upang doon matulog. (Ahmed)

Ang magkaroon ng lalaking mapapangasawa na nagtataglay ng matatas ng antas ng pananampalataya at namumuhay nang naaayon sa Sunnah ni Propeta Muhammad – saws.

Karapatan ng babaeng Muslim na pumili ng kanyang mapapangasawa at maglatag ng mga kondisyon ayon sa kanyang sariling kagustuhang subali’t dapat isaalang-alang ang mga Batas ng Islam at karapatan din niyang tumanggi sa lalaking hindi niya nais pakasalan.

Ang ibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan sa kanilang araw-araw na pamumuhay ayon sa kakayahan pinansiyal ng kanyang asawa.

Ang pagkakaroon ng pantay na oras mula sa kanilang asawa kung ang kanilang asawa ay may dalawa, tatlo o apat na asawa.

Ang karapatan na makamit ang pangangailangang pisikal sa pagitan ng mag-asawa na aabot sa sukdulan ng kanyang pangangailangan.

Ang karapatang marinig ang kanilang mga opinion at saloobin.

Ang karapatang magkaroon ng edukasyon at ang higit na edukasyong nararapat pahalagahan ay ang Islamikong mga aralin.

Karapatan din nilang magtrabaho at kumita at karapatan nilang magkaroon ng sariling ari-arian.

May karapatan sila sa pangangalaga ng kanilang mga anak kung dumating sa punto ng paghihiwalay ang mag-asawa.

Karagdagang mga mabubuting aral

Sa isang Hadith na iniulat ni Anas ibn Malik: “Kapag ang isang babae ay pinangangalagaan ang 5 itinakdang Salah, nag-aayuno sa buwan ng Ramadan, pinangangalagaan ang kanyang kalinisan at sumusunod sa kanyang asawa, maaari siyang pumasok sa alinmang pintuan ng Paraiso na kanyang nais.”(Al-Tirmidhi)

Sa isang Hadith na iniulat ni Abu Hurayra: Nang tanungin si Propeta Muhammad – saws kung anong antas ng kababaihan maituturing na siya ay pinakamabuti; siya ay sumagot – Ang isang Muslimah na nasisiyahan sa kanya ang kanyang asawa kapag tinitingnan siya nito, sinusunod niya ito kapag siya ay inuutusan at hindi siya sumusuway sa anumang bagay na kanyang ipinag-uutos at hindi nagugustuhan.” (Al-Tirmidhi)

Sa iba pang Hadith: Minsang kinausap ni Salman si Abu Darda at kanyang sinabi: “Ang iyong Panginoon ay may karapatan sa iyo, ang iyong kaluluwa ay may karapatan sa iyo; at ang iyong pamilya ay may karapatan sa iyo; kaya nararapat na ibigay mo ang mga karapatan ng sinumang may nagtatangi nito.” Pagkaraan ay kinunsulta ni Abu Darda si Propeta Muhammad – saws at isinalaysay niya ang kabuuan ng kanilang pag-uusap, at ayon kay Propeta Muhammad – saws; si Salman ay nagsabi ng katotohanan. (Sahih Bukhari)

“At ang kababaihan ay may karapatan na katulad ng sa kalalakihan ayon sa kung ano ang nararapat para sa kanila; subali’t ang kalalakihan ay mas mataas ang antas sa kalagayaan nila.” (Banal na Qur’an – 2:228)

“Sinumang gumawa ng kabutihan (lalaki man o babae) habang sila ay isang tunay na mananampalataya; katunayan, ipagkakaloob Namin sa kanila ang kasaganaan sa mundong ito, at pagkakalooban Namin sila ng karampatang biyaya sa anumang kabutihang kanilang nagawa.” (Banal na Qur’an 16:97)

Nawa’y patuloy tayong patnubayan ng Allah sa ating araw-araw na pamumuhay at pagkalooban Niya tayo ng pamilyang makakaagapay natin sa pagtataguyod ng ating pananampalataya.

You may also read!

Bulaklak ng Bayang Pilipinas

Download >>Bulaklak ng Bayang Pilipinas-NEW

Read More...

Mobile Sliding Menu